Chap. 20. Her mother's death anniversary
Perry's P.O.V
Mahigit isang oras na kaming nandito sa loob ng detention room. Wala paring nagtatangkang magsalita kahit isa sa amin. Nakatulog narin si Zayn sa lap ko habang hinahaplos ko ang malambot niyang buhok. Sino ba ang hindi makakatulog sa ganito ka tahimik idagdag mo pa ang madilim na paligid.
Bigla akong nataranta nang marinig ko ang hikbi ni Zayn ganon rin si Pinky dahil agad siyang lumapit samin. Kahit madilim alam kung niyakap ito ni Pinky. Para samin bagong silang ang pinsan namin dahil sa walang kaalam-alam sa nangyayari sa nakalapaligid niya. Kaya nga gusto namin siyang ilayo dito pero hindi naman sang-ayon ang daddy niya.
"M-mommy" Unti-unti nanaman dinudurog ang puso ko dahil sa setwasyon ng pinsan ko. Bumalik nanaman ang troma niya. Ang kaninang tahimik ay napalitan ng iyak niya. Mababakas sa boses niya ang takot, kaba, at galit. Alam kung napanaginipan nanaman niya ang ina niya, kung paano ito binaril sa harapan niya. Kahit subrang tagal na non hindi parin niya makakalimutan ang pangyayari na 'yon.
"M-mommy! N-no no no no m-mom---"
"Shhh baby I'm here hindi ka namin papabayaan ni kambal" Hindi kuna napigilan ang pagbagsak ng mga luha sa pisnge ko, wala namang makakita na umiiyak ako kaya okay lang kung ilabas ko ang luhang ito.
"Mama ko---"
"Please tahan na baby" Hikbing wika ng kambal ko.
"K-kuya, b-bakit...bakit ako nakaranas ng ganito? Wala naman akong ginawang masama diba kuya? Ang sakit kuya eh kung pwede lang sumama kay mama matagal na akong sumama sa kaniya"
"Zayn naman. Wag ka namang magsalita ng ganyan nandito pa kami ni kambal, ni lolodad at ang daddy mo hindi ka namin papabayaan" Nakinig lang ako sa kanila dahil hindi ko kaya magsalita, lalo lang kumirot ang puso ko ayaw rin makisama ng bibig ko.
"Please Zayn kalimotan mo na ang nangyari sa mommy mo. Wag mong balikan ang nakaraan lalo ka lang masasaktan"
"Kung pwede lang s-sana kalimotan k-kuya ginawa ko na. Lagi ko s-siyang napanaginipan kuya" Hikbing sabi nito.
"Stop crying little Albiars. Magpakatatag ka wag mong pairalin ang kabaitan mo dahil yan lang ang magdadala sa kapahamakan mo" Matigas kung sambit. Nakatingin lang ako sa pwesto ng anim na nakikinig lang. Hindi dapat kami nagpapakita ng kahinaan dahil alam kung gagamitin nila ito laban sa aming dalawa ni kambal. Lalong-lalo na sila ang inutusan na manmanan si Zayn. Maling galaw lang papasabugin ko talaga ang bracelet na suot nila.
Chia's P.O.V
Nakatanaw lang ako sa mga nagtataasang gusali at sa mga ilaw sa labas. Walang kahit sinong nagtangkang bumasag sa katahimikan dito sa loob ng sasakyan dahil sa nangyari kanina. Wala rin akong lakas na loob para magsalita dahil wala ako sa mood dagdagan mo pa ang napanaginipan ko kanina.
"Nandito na tayo" Matamlay akong lumabas sa sasakyan. Dumeritso lang ako sa kwarto ko para makapagpahinga na, dahil panibagong araw na naman bulas. Panibagong sakit.
~Kinabukasan~
Maaga akong nagasing dahil sa tunog ng alarm clock ko. 4:18 am pa kaya pumasok na ako sa cr para maligo. Pagkalabas ko ng cr ay ang pagpasok naman ng kambal sa kwarto ko. Ngumiti lang sila ng pilit pero agad ring napalitan ng hikbi. Agad nila akong dinambahan ng yakap yung hindi ako masasakal. Nakasuot lang ako ng bathrobe kaya okay lang.
"Happy birthday baby" Hikbing bati nila sakin. Yeah, today is my birthday and t-today is my m-mama's death anniversary. Hindi na sila magtataka kung iiyak ako magdamag pero ayaw kung makita nila ako na palagi nalang umiiyak sa harapan nila.
BINABASA MO ANG
She's A Temporary Teacher In Her Fathers School
RandomNapag-isipan ng kaniyang ama na ipasok ang kaniyang nag-iisang anak na babae sa academy'ng pagmamay-ari niya. Hindi bilang estudyante kundi bilang isang guro sa isang napakakulit na section. Marami nang naghahandle sa sectio'ng iyon pero hindi nila...