Witch nanaman?
Chia's P.O.V
"Sumakit na ang tiyan ko kakatawa hahaha ang sakit" Namumulang sambit ni Alex.
Nandito kasi kami ngayon sa cafeteria. Balita ko umuwi lahat ang mga estudyante ko.
Kinuha namin kanina ang mga camera ko at tiningnan ang nakuha naming video. Pinagtitinginan narin kami dito at may nagbubulongan pa kung sino ang mga kasama ko.
"Good morning Chia! Baby!" Napalingon ako sa sumigaw--it's kuya Mark, kasama niya si kuya Khaleed at ate Kath na papalapit samin.
"Hi po good morning" Masayang bati ko sa tatlo na agad naman bumati pabalik.
Umupo sila sa bakanting upuan at nagtatakang tumingin sa mga kasama ko.
"Kaibigan mo ba sila Chia?" Takang tanong ni kuya Mark.
"Opo. Pwede po bang ipasok ko sila dito sa academy kuya?" Tanong ko sa kanila.
"Pwede naman Chia" Sagot ni ate Kath.
"Pero Chia wala kaming pera pambili ng mga gamit sa school pati uniform" Nakayukong sambit ni Alex na sinang-ayunan rin ng iba.
Nagtataka namang tumingin si kuya Mark sakin na may nagtatanong na 'Mga batang kalye ba ang mga kasama mo?' look. Tinanguan ko naman siya bilang sagot.
"Wag kayong mag-alala guys manghihingi ako ng tulong kay lolo" Nakangiting sambit ko sa kanila na ikinangiti nila ng matamis. Agad naman nila akong dinamba ng yakap. Napahagikhik nalang ako sa ginawa nila.
"Maraming salamat Chia" Lex
"Hulog ka talaga ng langit huhu" Bryan
"Ang bait mo girl" Matagal na kaya.
Sana nga pumayag sina lolo at dada sa plano kung pag-aralin sila dito sa academy.
Gusto ko kasing maranasan nila kung ano ang buhay bilang estudyante at magkaroon ng maraming kaibigan. Gusto ko ring makita silang masaya at walang iniisip na problema.
"Ohh ano nanamang iniisip mo?" Nabalik lang ako sa katinuan ng kalabitin ako ni Bryan. Nakatingin pala silang lahat sakin kaya walang pag-alinlangang ngumiti ako ng matamis sa kanila.
"Kunti nalang talaga Chia babatukan na talaga kita sa pagngiti mo bigla" Dagdag niya.
"Aba dika sasagot?" Pananakot pa niya at biglang aamba ng suntok sakin pero agad rin siyang umupo sa inuupuan niya sabay sabing—
"Hihihi joke lang. Baka di 'mo pa ako papasukin dito" Kamot batok niyang sambit.
"Ahh Chia...." Agad akong napalingon sa tumawag sakin. It's kuya Khaleed.
"Why kuya?" Nakangiting sagot ko.
"Tungkol kahapon—ba't hindi mo kami sinabihan na anak ka pala ng may-ari nitong academy nato?" Ay oo nga pala. Hindi na ako dapat pa magpapakilala dahil alam na nila kung sino ako. Nung nagpapakilala kasi ako sa kanila hindi ko natapos dahil may sumingit kay—
"Hoy tinatanong ka" Biglang kalabit ni Bryan.
"Waaa totoo Chia? Ang yaman niyo pala" Manghang sambit ni Alexis. Kung nagtataka kayo kung bakit hindi niya ako tinawag na ate kasi ayaw ko.
"Ayun naman pala kung bakit gusto mo kaming pag-aralin dito dahil sa inyo naman pala tong academy nat—" Hindi ko na siya pinatapos dahil subrang ingay niya.
"Hindi naman sakin to. Hindi rin ako mayaman dahil wala naman akong pera" Nakasimangot kung sambit sa kanila. Totoo naman talaga.
"Totoo ba ang narinig ko? Siya ang anak ng may-ari nitong academy nato?" Ito na nga yung sinasabi ko eh.
BINABASA MO ANG
She's A Temporary Teacher In Her Fathers School
AcakNapag-isipan ng kaniyang ama na ipasok ang kaniyang nag-iisang anak na babae sa academy'ng pagmamay-ari niya. Hindi bilang estudyante kundi bilang isang guro sa isang napakakulit na section. Marami nang naghahandle sa sectio'ng iyon pero hindi nila...