Ang hirap kapag maganda
Chia's P.O.V
"Paano natin mababawi sina Alexis Chia?" Nag-alalang tanong ng tatlo.
"Pati narin si Lex saan natin siya mahahanap"
Hindi naman kami pwedeng magpadalos-dalos baka lalaki pato'ng gulo nato.
"Segurado ba kayong nahuli nila si Alexis at Harley?" Takang tanong ko. Sa pagkaka-alam ko kasi hindi namin sila kasama dahil nga nagkahiwalay kami dahil sa tatlong tambay na yun.
"Oo nga no? Pero pano si Lex? Saan natin siya hahanapin?" Napa-isip naman ako sa sinabi ni Lyle.
"Lilibutin nalang kaya natin?" Suhesyon ko sa kanila.
"Anong sa tingin mo dito? Park lang? Chia akademya to at subrang laki--mawawala pa tayo nito huhu gusto ko nang umuwi" Oo nga no? Bakit di ko yun naisip?
"Tara na nga magtatanong nalang tayo kung saan banda yung clinic nila"
___
Ito nanga kanina pa kami palakad-lakad dito pero hindi pa namin nahanap yung clinic. Wala naman kaming matatanungan dahil nagsisi-uwian na lahat ng estudyante dito.
Huminto narin ang malakas na ulan kaya mukha na kaming mga sisiw dahil sa damit naming nababasa.
"Nagugutom na ako" Reklamo ko sa kanila sabay himas sa tiyan ko.
"Ako rin naman eh" Sambit rin Bryan na nasa tabi ko.
"Diba may cafeteria dito?" Sabay kaming tumango sa tanong ni Alex.
"Bakit naman aber?" Nakataas kilay kung tanong.
"Oo nga no?" Ano bang pinagsasabi ng mga to?
"Tara na Chia huwag kanang mag-isip diyan mabubusog naman tayo nito kaya tara na" Kahit na naguguluhan ay sumunod narin ako.
Napayakap ako sa sarili ko dahil sa simoy ng hangin at sa basa kung damit kaya subrang lamig.
Napaigtag ako sa gulat ng may naglagay sakin ng puting towel?
Napahinto ako at nilingon ang naglakas loob na bigyan ako ng puting towel.
Waaa napaka-poging multo naman nito! Kyaaaa sasama na ako sayo kuyang multo-
"Alam kung gwapo ako kaya itikom mo na yang bibig mo" Nakangising sambit nito. Kapal niya tinitigan lang eh andamot.
"Napakahangin mo naman Mr." Binigyan ko siya ng bunggang irap pero tinawanan lang ako.
"Oh magbihis ka muna...nilalamig kana pero hindi ka parin nagbibihis" Sambit niya sabay bigay ng puting t-shirt at jersey shorts.
Pwede nabang kiligin? Ang bait naman ni kuyang-pero hindi tayo dapat magtiwala agad diba? Yup tama!
"Hindi ka naman multo diba?" Tanong ko sa kaniya na ikinatawa niya naman.
Alam ko namang hindi siya multo dahil nahahawakan niya ako. Pero nagtataka ako kung bakit siya lang ang lumapit sakin.
"Hindi ako multo-" Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya sana sakin. Napalingon-lingon ko sa paligid ng napagtanto kung wala na pala ang mga kasama ko.
"Mga kasama mo ba ang hinahanap mo?" Hindi ko sinagot ang ang lalaking nagbigay ng towel ko ng naglalakad na ako para hanapin ang mga kasama ko.
'saan ba nagpunta ang mga yun? Shete mukhang sa cafeteria'
"Hoy hintay" Rinig ko pang sigaw nito. Nang nasa tabi ko na siya at sinabayan akong maglakad ay agad naman siyang nagpapakilala.
BINABASA MO ANG
She's A Temporary Teacher In Her Fathers School
RandomNapag-isipan ng kaniyang ama na ipasok ang kaniyang nag-iisang anak na babae sa academy'ng pagmamay-ari niya. Hindi bilang estudyante kundi bilang isang guro sa isang napakakulit na section. Marami nang naghahandle sa sectio'ng iyon pero hindi nila...