Nervous
Chia's P.O.V
"Miss Albiars pinatawag ka po ng dean sa office niya" Napahinga ako ng maayos ng may bumasag sa katahimikan. Walang pasabi na lumabas ako sa classroom dahil hindi ko talaga kaya na makita ang anim na 'yon.
Simula nong nabaril ako sa braso ay iiwasan ko sana ang anim na 'yon pero mukhang hindi maaari dahil ako ang teacher nila.
Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok.
"Good morning po" Magalang kung bati sa matanda. Nandito rin si kuya Pinky, nakangiting pinagmasdan ako kaya nginitian ko rin siya.
"Take a sit ija" Umupo ako sa tabi ng pinsan ko. Hindi ko sila nakasabay kanina papunta dito. Nauna kasi silang dalawa dahil may gagawin raw silang importante.
"Nabalitaan ko ang nangyari sayo ija" Nabaling ang tingin ko sa matanda. Walang emosiyong nakatingin siya sakin. Ngayon ko lang napansin na hindi pamilray ang mukha ng matandang ito. Mukhang bago nanaman ang dean dito.
"Okay na 'ba ang pakiramdam mo? Sabi kasi sakin ng estudyante mo na hindi ka raw nakapasok ng dalawang araw dahil masama ang pakiramdam mo" Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Don't worry miss Albiars simula ngayon hindi kana mahihirapang maghandol ng lahat ng subject sa kanila. Science subject nalang ang hawak mo dahil ibinigay ko ang ibang subject kay Mr. Park, Khaleed, Kathleen, at Mark. Kilala mo naman ang tatlong nabanggit ko diba?" Seryusong wika niya. Ang tinukoy niya na Mr. Park ay ang pinsan kung si kuya Pinky na nandito sa tabi ko at seryusong nakinig kay dean.
"Are you listening Ms. Albiars?" Ang pormal naman nito. Tumango nalang ako sa tanong niya.
Sabay kaming lumabas ni kuya Pinky sa office ni Mr. Grid. Aaminin ko 'na masungit ang matandang yon.
"Alam mo Zayn? Kanina pa ako naiinis sa matandang yon arhg! Ang sarap kalbuhin" Natawa nalang ako sa inakto niya.
"Nakita mo naman seguro na panot yung matandang 'yon diba?" Bigla siya'ng natigilan sa sinabi ko at agad na humagalpak ng tawa.
"Oo nga pala haha hindi na kailangang kalbuhin"
"Alam mo kuya Pinky, ang sungit ng matandang 'yon parang may regla" Gusto ko ring itanong sa kaniya kung saan na ang dating dean, pero tumahimik nalang ako.
Hindi ko talaga maintindihan ang mga guro dito, pa' iba-iba ang ugali. Nang makarating kami sa faculty teacher ay agad akong umupo sa table. Si kuya Pinky naman ay dumiretso sa table niya.
"Hi Chia! I miss you" Nabaling ang tingin ko sa taong sumigaw. Napangiti ako nang makita ko ang tatlo na agad akong dinamba ng yakap.
"Miss you bunso" Wika ni ate Kath. Natawa nalang ako ng makita ko na iiyak na ito. Masaya lang ako dahil importante rin pala ako sa buhay nila.
"Hey! Wag nga kayong dumikit sa kapatid ko" Sabay kaming napalingon kay kuya Pinky na masamang nakatingin sa tatlo na nakakunot ang noo.
"Kapatid? Seryuso? Sa pagkakaalam namin walang kapatid si Chia at FYI siya lang ang nag-iisang anak ni Mr. William" Mataray na sambit ni ate Kath. Hindi na ako magugulat kung tatarayan rin siya ng bakla kung pinsan.
"Ano bang pakialam mo? Wag nga kayong dumikit sa kapatid ko? Wala akong tiwala sa inyo at alam niyo naman seguro na nabaril siya diba?" Mahina niyang sabi na kami lang ang makakarinig.
"Sa tingin mo 'ba na babarilin din namin siya kagaya sa pagbaril ng babae'ng yon?" Bigla akong natuod at kinaban sa sinabi ni ate Kath. Bumalik nanaman ang napanaginipan ko tungkol sa kanila. Natatakot ako na baka totoo ang hinala ko sa kanila, hindi naman ako kasing bobo at slow para hindi paintindihan ang mga pinapahiwatig nila. Nabalik ako sa sarili ng biglang tumawa si kuya Pinky, nahakot narin niya ang attention ng guro na nandito.

BINABASA MO ANG
She's A Temporary Teacher In Her Fathers School
RandomNapag-isipan ng kaniyang ama na ipasok ang kaniyang nag-iisang anak na babae sa academy'ng pagmamay-ari niya. Hindi bilang estudyante kundi bilang isang guro sa isang napakakulit na section. Marami nang naghahandle sa sectio'ng iyon pero hindi nila...