Chapter 04

185 5 0
                                    

Playing OG with her grandpa

(OG-online games)

Chia's P.O.V

"Good morning mga kapit bahay akoy nagising dahil sa boses ng aking lolo na parang asong umaatungal waaaa---"

"Aray naman lolo bakit ka namimingot?" Kumakanta pa ako eh.

"Ang ganda kaya ng boses ko nakakaakit" Tumawa ako ng malakas at napahawak pa sa tiyan dahil sa sakit. Kailan pa nakakaakit ang boses ng matandang to? Hahaha.

"Ang pangit kaya! Parang asong nagbibigti" Ikaw ba namang mahimbing na nga ang tulog mo bigla-bigla nalang kakanta sa tabi mo, okay lang sana kung maganda ang boses napaka pangit naman.

"Ano bang ginagawa mo dito lolo at kailan ka pa nakapasok sa kwarto ko?" Taas kilay kung tanong na agad naman akong binatukan. Walangyang matanda to.

"Anong akala mo sakin bobo?! Syempre manang-mana sayo"

"Kay mommy kaya ako nagmana napakaganda" Bigla naman siyang ngumuso. Bumalik ako sa pagkakahiga para sana matutulog ulit nang bigla akong binatukan ng lolo kung subrang epal.

"Inaantok pa ako lolo eh maya ka nang mangulit" Subrang aga pa kaya para magdiriwang charot. Promise 8:31 am pa subrang antok ko talaga huhu.

"May pasok ka pa remember?" Eh ano naman kung may pasok ako? Galit parin ako dahil sa ginawa nila.

"Maligo kana apo bilis na" Waaaa ang kulit!

"Lolo inaantok pa ako sabi eh" Ayaw ko muna papasok nakakatamad. Si dada kasi eh tayo ba namang gawing temporary teacher sa mga yun at ang masaklap pa, sa ibat-iba pang section huhu ayaw ko pang tumandaaaa.

Speaking of. Himala walang dada ang bumongad sakin.

"Aha!!" Napaigtad ako sa gulat dahil bigla-bigla nalang sumigaw ang matanda. Alam kung may kalukohan nanaman tong naisip hihi matanong nga.

"Huwag kanang papasok apo" Dahil sa sinabi niya agad kuminang ang mga mata ko sa tuwa. Tatanggihan mo pa ba? Syimpre hindi.

"Waaaa lolo totoo ba ang narinig ko?!"

"Maglalaro nalang tayo bilis kunin mo na yung loptop mo dun tayo sa library para walang isturbo" Hahaha same vibes pala kami loka-loka rin. Sa totoo lang itong lolo ko talaga ang supportive sakin kahit sa anong kalukohan. Nagfifiling teenager kasi.

Natawa nalang ako bigla ng maalala ko ang nangyari kahapon sa school.

Flashback

"Patawad po Mr. Albiars hindi po namin alam na anak niyo po pala si Chia" Nanginginig nilang sambit sa harapan ni dada. Gusto kung matawa sa mga reaction nila napaka'OA.

Ito rin kasing ama ko may pa serious look pa siyang nalalaman.

"Patawarin niyo po kami---" Pinutol ko na ang pagdadrama ni ate Clare sa harapan ni dada.

"Ate bakit kayo nanghihingi ng tawad kay dada? Sa pagkaka-alam ko wala kayong kasalanan lahat kay---"

"Zayn" Matigas na singit ng epal kung ama. Inirapan ko nalang siya at umupo sa inuupuan namin kanina ni kuya Mark--speaking of the devil nakatulala parin sa gawi ni dad at putlang-putla na. Dali-dali kung kinuha ang camera ko sa di'kalayuan ng aking mesa at agad na bumalik. Kinunan ko siya ng maraming pictures pati ang iba bang nagpapaliwanag kay dada.

Napahagikhik ako sa mga reaction nila dahil sa kaba na makikita sa kanilang mga mata.

"Hoii kuya---"

She's A Temporary Teacher In Her Fathers SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon