Her loptop
Chia's P.O.V
"Buksan mo to bata!!"
"Humanda ka talaga samin kapag makalabas kami dito!"
"Magtago ka na sa itlog ng papa mo!"
"Bwesit kang bata ka buksan mo tong pinto!"
"Hindi talaga kayo makakalabas diyan kapag hindi niyo pa yan nalilinis!" Huh! Ano sa tingin nila? Susundin ko sila?
Pinagtitinginan na rin ako sa mga bagong labas na estudyante galing sa kanilang kulungan haha charot. Sakto namang tumunog ang bell at naglalabasan na ang mga estudyante. Maraming napa tingin sakin at sa section candy dahil sa ingay. Bago ako umalis nilagyan ko muna ng kandado para walang makabukas.
"Pagbalik dapat malinis na yan at wala na akong makikitang sirang upuan at mga alikabok!" Paalala ko sakanila dahilan para mag sitanggihan sila.
"Ang kapal mo naman bata!!"
"May pangalan ako gago!!" Kanina pa kasi nila akong tinatawag na bata. May pangalan naman kasi ako.
"Asa ka namang susundin namin ang utos mo! Bata ka lang matanda kami sayo!!" Ayss nakakarindi naman ang mga palakang boses nila.
"Estudyante ka lang teacher niyo ako! Kung hindi niyo susundin ang mga sinabi ko hindi kayo makakalabas hanggat hindi niyo nalilinis diyan sa loob!!" Hindi ko na kasalanan kapag hindi sila makalabas dahil hindi nila sinusunod ang utos ko.
"One more thing wag kayong magkakamaling sirain ang binili kung table at upuan kundi hindi lang yan ang aabutin niyo!!" Huhu ang sakit na nang lalamunan ko kakasigaw.
"Hi po good morning po sa inyo!" Masiglang bati ko sa mga teacher na nanunuod sa sigawan namin. Kita naman sa kanilang mukha ang gulat, may namumula pa ang mukha. Baka isipin nilang ang sama ng ugali ko dahil sa mga sinabi ko.
"Waaa ang ganda niya"
"Subrang cute naman niya"
"Bagong student kaya siya dito?"
"Bakit kinululong niya sa loob ang lahat ng section candy?"
"Hindi ko alam"
"Ahh baby girl tama ba ang narig namin kanina na ikaw ang bagong teacher sa section candy?" Hindi makapaniwalang tanong ng isang teacher na babae. Nagsimula na kaming naglalakad papatungo sa faculty ng mga teacher.
"Oo nga baby ang bata mo pa maging teacher" Singit rin nang isang guro na lalaki.
"Hindi ko naman to ginusto mester eh si dada kasi pinilit niya ako" Nakasimangot kung turan sa kanila na ikinatawa ng dalawa. Ngayon ko lang napansin na ang gwapo pala ni Mr. Unknown pati narin si Ms. Unknown.
"Kuya Khaleed nalang or Khal ang itayag mo sakin kaysa mester" Kamot batok niyang suggest.
"Ate Kath naman sakin baby" Magjowa kaya sila? Matanong nga---
"Hindi ko siya boyfriend baby" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Mind reader ba siya? O halata lang sa reaksyon ko.
"At hindi naman kami mind reader cutie halata lang sa mukha mo" Sabat ni kuya Khaleed.
"Yeah yeah yeah---Chia po ang name ko hindi cutie" Bigyan ka ba naman nang panget na nickname.
"Bagay naman sayo baby dahil ang cute cute mo" Lumayo ako ng bahagya kay ate Kath para hindi niya makurot ang pisnge ko dahilan para mapasimangot siya. Subrang sakit kaya makurot ang pisnge.
BINABASA MO ANG
She's A Temporary Teacher In Her Fathers School
RandomNapag-isipan ng kaniyang ama na ipasok ang kaniyang nag-iisang anak na babae sa academy'ng pagmamay-ari niya. Hindi bilang estudyante kundi bilang isang guro sa isang napakakulit na section. Marami nang naghahandle sa sectio'ng iyon pero hindi nila...