Bagong kapit bahay
Third person's P.O.V
"Chia gumising kana! May bagong kapit bahay tayo!" Masayang sigaw ng matanda sa labas ng kwarto ni Chia.
Excited na kasi siya na makita niya ang kaniyang best buddy na walang iba kundi ang bagong kapit bahay nila. Pinangako kasi niya sa kaniyang best buddy na ipakilala niya ang kaniyang nag-iisang apo na manang-mana daw sa kaniya.
Pero ikailan na siyang katok at tawag, hindi parin sumagot si Chia kaya ang masaya niyang nararamdaman ay napalitan ng inis.
"Ito nanaman tayo sa tulog mantika. Saan ba ito nagmana? Hindi naman ako tulog mantika"
Habang si Chia ay mahimbing na natutulog.
"Chia! Chia! Bumangon ka diyan o sisirain ko 'tong pintuan na to?!"
Zzzzz....
'Goddess of beauty welcome home' Kuminang ang mga mata ko sa babaeng kaharap ko ngayon.
Ang ganda niya...
'Hahaha your so beautiful ija' Lumingon ako sa likuran ko baka may kasama pa ako...Pero wala.
'Hi po! Ang ganda mo'
Pagbukas ng matanda ay bumungad sa kaniya ang kaniyang apo na mahimbing na natutulog. Nagsasalita pa ito habang tulog. Pangiti-ngiti pa ito dahil sa kaniyang panaginip.
Dahil sa inis ng matanda kumoha siya ng isang palangganang puno ng tubig at walang pasabing binuhos ito sa mukha na ikinatili ni Chia.
"Lolo! Bakit mo pinutol ang maganda kung panaginip?!" Inis nitong sigaw.
"Kanina pa kita tinatawag babaita ka! Mas pinili mo pa ang panaginip mo?!" Natigilan si Chia dahil sa mukha ng kaniyang lolo na inis na inis.
Bumaba siya sa kaniyang kama na subrang basa at lumapit sa matanda.
'Yan ang gusto ko sa apo ko umamo agad' Sa isip ng matanda. Pero nawala ang kaniyang ngiti dahil sa sinabi ni Chia.
"Shoo! Lumabas ka sa kwarto ko. Hindi mo ba nakita ang nakasulat sa pintuan ko?" Masungit nitong taboy sa matanda na ikinapula sa inis. Tiningnan niya ang pintuan ng kaniyang apo at lumapit ng kunti para mabasa ang nakasulat don.
Humigpit ang hawak niya sa kaniyang tungkod. Napapikit nalang siya sa inis. Lalong-lalo na sa sulat na nasa pintuan na 'NO PET'S ALLOWED'. Ginawa pa talaga siyang hayop?
"Ohh labas na. Alam mo naman kung ano ang ibig sabihin sa nakasulat diyan diba?" Nakangising pang-aasar ni Chia sa kaniyang lolo na kunting-kunti nalang sasabog na ito sa inis at galit.
"I'm not a pe—"
"Blah blah blah blah lolo basta lumabas ka nalang nakakainis ka pumasok ka pa talaga dito para buhusan ako ng tubig? Ikaw kaya buhusan ko? Tignan lang natin kung makakahinga kapang matan—" Hindi siya pinatapos ng kaniyang lolo dahil alam na niya kung saan ito papunta. Lalaitin nanaman siya nito.
"Oh just shut up Zayn Albiars. Tulog mantika ka kasi kaya ayan tubig ang katapat mo?" Taas kilay nitong sambit na ikinainis ni Chia.
"Ano bang kailangan mo?" Kunot noong tanong niya. Napasinghap ang matanda dahil muntik na niyang makalimutan ang kaniyang best buddy.
"Maligo kana apo bilisan mo huh? May ipakilala ako sayo. At! Wag mong kalimutang magsuot ng magandang damit ok? Hihihi wag kanang magpaganda dahil maganda kana nagmana ka sakin eh" At lumabas na ng tuluyan. Napanganga nalang siya dahil sa mga sinabi nito.
"Huh...huh..ha-ha-hahahaha may baliw na ba akong lolo? Haha sinong pinagluluko niya?...Pero totoo bang may bago nanaman kaming kapit bahay? At papasuotin ako ng magandang damit? Kailan pa ako nagsusuot ng magandang damit sa luob ng bahay? Bahala siya" Inis siyang pumasok sa loob ng cr para maligo.
BINABASA MO ANG
She's A Temporary Teacher In Her Fathers School
AcakNapag-isipan ng kaniyang ama na ipasok ang kaniyang nag-iisang anak na babae sa academy'ng pagmamay-ari niya. Hindi bilang estudyante kundi bilang isang guro sa isang napakakulit na section. Marami nang naghahandle sa sectio'ng iyon pero hindi nila...