Lose her
<Sophia’s POV>
2 weeks.
2 weeks na ang nakaraan mula nung nangyari yung scene na yun sa canteen. Grabe di ako sanay sa mga tingin ng mga tao. Ano pa bang aasahan ko? Eh sa ayaw at sa gusto ko mang aminin eh Oo gwapo si Levi pero bakit naman ganyan sila makatingin. Tao naman ako ah. Pati di ko malaman dito kay Levi na to kung bat nya sinabi yun ayan tuloy!
Speaking of the devil. Eto na naman sya paparating na may dalang milk shake at ang ogag nakangiting nakakaloko.
“Badtrip ako sayo tigilan mo ko!”
Umupo sya sa tabi ko habang umiiling.
“Hanggang ngayon ba naman di ka pa maka move on dun?” nangingiti nyang sabi “Gusto mo?” at inalok pa ko ng iniinom nya.
Tinignan ko lang sya at napapout na lang ako. I want that! Nagc-crave ako sa milk shake
“Ay oo nga pala maarte ka ayaw mong gamitin yung straw ko oh eto may extra ako dito. Pinanghingi na kita kanina alam ko mag-iinarte ka.”
Inabot nya sakin yung iniinom nya. Grabe favorite ko talaga to.
“Akin na lang to ha?”
“Ano pang magagawa ko?” sabay gulo nya sa buhok ko.
“Ano ba! Ang tagal kong inayos yan ha!”
Pero may bigla akong naalala. He used to do that. Aish erase! Erase! Past is past.
Napansin ata nya na natahimik ako.
“Uy sorry na Minnie!”
BINABASA MO ANG
Married to a Drunk Man
General FictionShe was left alone.. He was rejected.. They were both both broken.. and drunk..