HAPPY NEW YEAR GUYTH! salamat sa mga bumabasa neto kahit konti lang. Tatapusin ko na to promise!
- -
Wow! WTH just happened? Pinagpalit nya ko sa Larabitch na yon? The heck Levi! Okay pa sana kung iba yung tutulungan mo pero yang bitch na yan? Tss!
Sa sobrang bwisit ko ang sipag ko tuloy maghanap ng kahoy para panggawa ng camp namin. Oo, dito ko binuhos ang inis ko at yang Levi na yan wag nya kong madikitan.
Pasado ala-una na ng hapon ng makakain kami hinintay pa kasi namin yung ibang team at nagluto pa ng makakain ang bawat grupo.
"Anong nangyari sa mukha mo?" Tanong ni Sandra na umupo sa tabi ko.
"Tch" yan lang ang nasabi ko
"Hala! Meron ka ba? Wrong timing naman yan!" Sagot naman nya kaya binatukan ko sya.
"Hindi! Hayop kasing Larabitch yan! Ang arte arte! Yang gagong Levi naman na yan naniwala at ayun iniwan ako't tinulungan kuno yung nag iinarteng higad" pinaliwanag ko sa kanya ng maayos yung nangyari
"Tang ines friend! Yan pala dahilan ng pagkalukot ng mukha mo? Yang impaktitang Larabeth? Wag ka ngang paapekto mas maganda ka dun di ba?"
"Hay naku ewan ko! Edi magsama sila"
"Jumejelly jelly ka na! Dalaga ka na talaga oh my gosh i'm so proud!" Bigla naman nya akong niyakap at hinalikan sa pisngi. Yuck! Clingy baby!
"Naku ewan ko sayo! Bahala ka dyan" pagkasabi ko nun ay tumayo na ko at nagpunta sa mga kagrupo ko. Matatapos na rin kasi ang oras ng pahinga at magsisimula na naman ang mga challenges.
Pagdating ko sa camp sinalubong ako ni James
"Sop!" At yan pa ang isang nakakairita kanina nya pa ako tinatawag na Sop. Di naman ako sopas! "Halika tikman mo tong inihaw naming tilapia ang sarap!" At tinapat nya sa bibig ko ang isda na kanilang niluto.
Dahil gutom ako ulit ay kinagat ko yun at in all fairness ang sarap nga nya. Wait, kaya ko sinabing masarap ay dahil gutom ako. Oo, kumain na kami pero kulang pa. Ang bawat pagkain o iinumin namin dito ay paghihirapan.
Ganyan kasi talaga ang team building, nakakagutom. Dito daw kasi makikita kung pano kami dumiskarte at makikita rin kung sino sa mga kaibiga mo ang handa kang bigyan ng pagkain kahit nagkakahirap na.
Ang unang nilaro namin ay thug of war. Nauna ang team nila Levi na green team laban sa white team. At syempre nanalo sila Levi. Pero inis na inis ako dahil kung makayakap itong Larabeth na to daig pa ang tuko. Natapos na ang ilang mga grupo at turn na namin. Kalaban namin ang team nila Sandra. At ang luka sumigaw pa
"Sophia dahan dahan lang ha? Alam ko namang malakas ka ngayon HAHAHAHA" Lintil na babae talaga sasabunutan ko to mamaya wag nyo kong pigilan!
Sinamaan ko sya ng tingin at ayun nanalo nga kami pero
"Aaaahhhh!" Di ko napigilang mapasigaw. Shit ang sakit! Sa sobrang lakas kasi ng pagkakahila namin natumba ako pahiga. Ako kasi ang nasa dulo.
"Fuck! Are you okay?" Nagulat ako ng biglang nasa harap ko na si Levi. "May sugat ka sa siko halika" itinayo nya ako at pinaupo sa may lilim. Pinuntahan din naman kami ng mga organizer para sa first aid pero naginsist si Levi na sya na ang maglilinis. At iniwan naman nila kami para daw tignan ang iba pa kung may nasaktan.
"Nasugatan ka pa. Gusto mo ba iuwi na kita? Ano?" Tss uwi your face!
"Maliit na sugat lang yan. Tss!" Kanina pa ba ako tss ng tss? Oh well naiinis ako. Tss.
Napailing na lang din naman sya sa sinabi ko. Tumayo ako pagkatapos nyang ilagay ang band aid. At walang sabing umalis.
Dumaan ang hapon na yon at naglaro pa kami ng iba't-ibang challenge. Nang gabing iyon ay hindi ko pa rin pinapansin si Levi. Lumalapit sya pero umiiwas ako. Ngayon ay nakapalibot kami sa bonfire. Inaantok na nga ako eh pero natatakot naman akong maiwan sa camp na mag-isa. May bigla namang tumabi sakin at nagulat ako ng si James iyon.
"Inaantok ka na no? Gusto mo na bang matulog samahan kita sa camp?" Ayoko nga mamaya manyak ka pa "wag kang mag-alala wala akong gagawing masama sayo inaantok na din kasi sa at sobrang pagod" at itinaas nya ang dalawang kamay nya habang nakangiti
"Tss sige na nga" inilahad naman nya ang kamay nya para tulungan akong tumayo at umalis na kami sa may bonfire para magpunta sa camp. Habang naglalakad papunta dun ay may biglang humablot sa braso ko.
"Levi" di naman nya ako pinansin at nakatingin sya kay James.
"Pahiram muna sa asawa ko ha?"
Nagtaas na naman ng dalawang kamay si James at nagpaalam sakin "okay bro. Sop una na ko ha?" Yun lang at umalis na sya.
Tinignan ko lang sya na parang naiinip ako.
"Please tell me what's the problem? Kanina mo pa ko di pinapansin eh." Kasabay ng pagkakasabi nya noon ay niyakap nya ko
"Kanina ko pa napapansin na dikit ng dikit yung lalakeng yun sayo and fuck this! I'm jealous with that guy!" Bulong nya pero rinig na rinig ko iyon.
- - - - -
Much love!
BINABASA MO ANG
Married to a Drunk Man
General FictionShe was left alone.. He was rejected.. They were both both broken.. and drunk..