19 - Brent's back

89 2 0
                                    

Hi kathzkie thanks for voting! ♥

<Sophia's POV >

Di ako makasagot sa tanong nya. Kasi naman bat pabigla bigla di ba? Yes i like him at nagselos ako nung inakala kong may girlfriend sya pero nashock ako eh.

"It's okay kung hindi mo sagutin. I understand " sabi nya na parang nawalan ng pag-asa at akmang tatalikod sakin.

"Wait!" Sabi ko at pinigilan sya. Huminga ako ng malalim bago magsalita "Levs kasi i like you too. Nashock lang ako sa mga nalaman ko kaya ganto. Kasi di ko alam kung anong irereact ko"

"So what are you trying to say?" Takang tanong nya

"Since we're married and we like each other. Let's give us a chance. This time for real" sabi ko ng may ngiti.

Nakita ko ang kasayahan sa mukha nya. I hope he'll be my happy ever after.



After 2 Days

1 message received

From: Leviboy

Are you ready?

To: Leviboy

Yup! Where are you na?

From: Leviboy

Sa harap ng bahay nyo.

Oh my gosh! He's here! Usapan namin 7:00 eh 6:45 pa lang. Kaya agad akong lumabas para puntahan sya. Wala si Ate Nikki nasa trabaho at si Kuya Nich naman nasa Davao nagpapalamig nag-away ata sila nung girlfriend nya. Grabe palang magmahal si Kuya narinig ko kagabi umiiyak sya eh. Gusto ko sana syang icomfort pero hinayaan ko na muna hihintayin ko na lang na magkwento sya. Kahit na pa-astig yun close kaming tatlo nila Ate.

Teka bat ko ba chinichismis si Kuya?

Paglabas ko agad ko syang nilapitan.

"Kanina ka pa?"

"Di naman" sabi nya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse.

"San ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Dyan lang"

"May lugar ba na dyan lang?"

Tinignan nya ako at medyo natawa.

"Oo meron, bakit? Ngayon mo lang nalaman?"

"Che!" Sabi ko at nagpout

"Ang cute cute mo talaga!" Tapos pininch nya yung pisngi ko

"Ouch! Ang sakit ayoko na nga sayo!" At tumingin ako sa may bintana.

"Sus nagpapalambing pa sya. Love you my lady!"

Namula naman ako sa sinabi nya.

Ilang minuto lang nakarating na kami sa lugar na sinasabi nya.

Park sya na pabilog tapos may mga bench sa right part may playground tapos sa left side may malaking screen tapos may pinapalabas na movie. Maraming couple ang nandito. May mga nakaupo sa bench, yun yung mga kumakain tapos yung mga nakaupo sa damuhan mga nanunuod.

Kumain muna kami ng dinner. Fish fillet, Kare-kare at iced tea lang ang inorder ko. Yan kasi madalas lutuin ni Ate kasi favorite ko. At si Levi yun lang din ang inorder tinatamad na daw syang mag-isip hahaha.

Pagkatapos kumain naupo kami sa may damuhan at nanuod ng movie.

A Millionaire's First Love ang palabas.

Grabe sobra akong naiyak nung binabasa na nung bidang babae yung mga message nung boy na nakalagay sa capsule.

"Ssshh wag ka ng umiyak." Pagaalo ni Levi sakin. At inakbayan ako. Sinandal ko naman ang ulo ko sa dibdib nya.

"Grabe kasi bat yung babae pa na yan yung nagkasakit ng ganyan dapat iba na lang eh!" Para akong batang nagsusumbong sa kanya.

"Don't worry aalagaan kita para di ka magkasakit ng ganyan. At walang sakit ang makakapaghiwalay satin"

Nginitian ko sya dahil natouch ako sa sinasabi nya.

"Love you, my lady" sabi pa nya at hinalikan ako sa ulo.

Pagkatapos naming manuod nagpunta kami sa kabilang side ng park. Sa playground.

"Levi itulak mo ko ha?" Umupo ako sa swing at tinulak nya ako. Ang sarap sa feeling para akong bumalik sa pagkabata "hoy ayoko na! Maduga ka pinakakalakas mo!" Sabi ko kasi naman baka malaglag ako ayoko ngang mapilayan.

"Itigil mo na! Levi naman eh!" Tawa lang sya ng tawa habang nilalakasan ang pagduyan sa akin

"Pag di mo tinigil to di na ko makikipagdate sayo!" Pagkasabi ko nun agad naman nyang hininto.

"Wag mo namang sabihin yun." Nakapout na sabi nya.

"Hahaha parang bata o bilis ikaw naman!"

Sabi ko sa kanya at naupo naman sya sa swing

"Itulak mo ko ha?" Kaya ayun bigla ko syang tinulak ng malakas. Nalaglag sya

"OUCH! bat mo ko tinulak?"

"Hahahahahaha you should've seen your face! Bat kita tinulak? Eh sabi mo di ba? Hahahahahaha" Tawa pa rin ako ng tawa

"Ikaw talaga humanda ka pagnahuli kita."

"Hoy anong gagawin mo?" Lumapit sya sakin "Levi sinasabi ko sayo babastedin kita!"

"Talaga lang ha?"

"Aaaahhh!" Tapis nagtatakbo na ko

"Sophia pagnahuli kita tignan mo lang!"

"Levs ayoko na! Peace na tayo!"

"No! I need to punish you."

"Sorry na!"

Nagtakbuhan lang kami at ng nahuli nya ko kiniliti nya ko ng kiniliti

Grabe sumakit tyan ko. Di na ko uulit!

Pagkatapos ng habulan at kilitan session nagpahinga kami at hinatid nya na ko.

11:30 na kaming nakarating sa bahay. Paghiga ko sa kama naramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Sua naman si Levi   Pagtingin ko

1 message received

Pwede bang magkita tayo bukas sa Coffee Shop malapit sa inyo 2:00 p.m. Pleasw importante lang.

-Brent





Married to a Drunk ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon