Di ako ganong makatulog kagabi. Iniisip ko pa rin yung text. Di ba tapos na kami? Bakit sya biglang makikipagkita kung kelan okay na ko. Unti-unti ko na syang nakakalimutan pero eto naman sya at biglang papasok sa eksena. Hay ewan!
Pagkatapos kong maghilamos at magtoothbrush bumaba na ko para kumain ng breakfast. Wala pa rin si Kuya. Namiss ko tuloy sya.
"Sophia may gagawin ka ba ngayon?" Nandito pa nga pala si Ate. 8:00 a.m. pa pasok nya. At kasalukuyan kaming kumakain.
"Wala naman Ate bakit?" Actually di ko alam kung pupunta ako mamaya sa coffee shop.
"May papabili sana ako sayo sa supermarket. Pwede ba?"
"Oo naman Ate gusto ko ding bumili ng ice cream."
"Ice cream? Kunakain ka lang nun pag may gumugulo sa isip mo? May problema ka ba? Alam mo namang nandito si Ate para makinig."
"Ate wala ano ka ba!" Tapos ay nginitian ko sya.
"Yang ngiti mo nga hindi umabot sa mata tapos wala? Come on, tell me. Si Levi ba?"
Umiling ako dahil wala namang kinalaman si Levi.
"No Ate. In fact we're giving our marriage a chance. I like him Ate. And he said he love me." Ngumiti ako. This time umabot na sa mata. Hinawakan ni Ate ang kamay ko na nakapatong sa mesa. "Si Brent Ate eh"
Pagkatapos nun ay hinaplos ni Ate ang kamay. At binigyan nya ako ng "continue-look"
" Nagtext sya kagabi. Sabi nya magkita daw kami sa coffee shop mamayang 2. Di ko alam kung kaya ko syang makita Ate eh."
"Mahal mo pa ba sya?"
Nabigla ako sa tanong ni Ate mahal ko pa nga ba sya? Hindi ko alam. Basta alam ko nasaktan ako nung iniwan nya ko pero masaya ako pag nandyan si Levi sa tabi ko. Sya na ang source ko ng lakas.
"Bakit di mo subukang makipagkita sa kanya? Siguro dun mo matitimbang kung sino na o kung sino pa ang mahal mo"
Siguro tama nga so Ate. Kaya nakapagdesisyon na ko.
LEVI
Nagvibrate ang phone ko at pagtingin ko.
From: My Lady
Lev's Brent want to talk to me.
Brent? Yung ex nya? Bakit?
To: My Lady
Your ex? Why?
From: My Lady
Dunno. I'm informing you kasi ayokong maglihim o manggaling pa sa iba. btw, good morning! :)
Nakahinga na rin ako ng maluwag. At least nga naman hindi sya naglilihim kahit nagsisimula pa lang kami. May tiwala naman ako sa kanya.
SOPHIA
Nagtext na rin ako kay Levi para alam nya na. Ayoko ng lihiman feeling ko kasi yun amg nakasira samin dati ni... ugh nevermind.
On the way na ko sa meeting place. It's already 2:10 pero ayos lang yan lagi naman akong 15 minutes late. Sanay na sya.
Pagdating ko nakita ko agad sya. May headset sya kaya kahit siguro tawagin ko sya di nya ko maririnig. Umupo na lang ako sa harap nya. Napansin naman nya ako kaya tinanggal nta ang nakasaksak na headset sa tenga nya
"Order ka muna" sabi nya sakin.
Wow he's serious. Not so Brent. I mean Brent is a jolly person. Kahit nung una kaming magkita.
"No thanks. Ano bang sasabihin mo?" Seriously hindi ako komportable.
"Tama nga sya ng description sayo. 15 minutes late. At straightforward. Anyway, kilala mo ba ko?"
Kumunot ang noo ko. Ano bang sinasabi nito? Hindi ko maintindihan.
Ngumiti sya sakin at inabot ang kanang kamay sabay sabing "I'm Brix by the way"
Huh? Brix? Anong Brix ang sinasabi nito?
"You don't know me i guess. Ako yung nawawalang kakambal ni Brent."
Napatingin ako sa kanya sa pagkabigla sa sinabi nya. Sya ba yung kinukwento ni Brent na matagal na nilang hinahanap?
Hindi ako makapagsalita para kasing may bahagi sa isip ko na nagsasabing hayaan ko syang magsalita.
"5 years na akong nawawala. Yun ang akala nilang lahat. Pero ang totoo nagtago lang ako. Sorry" tumingin sya sa mata ko at nakita kong naiiyak na sya.
"Te-teka di ko maintindihan. Bakit ka nanghihingi ng sorry? Pati nasan si Brent? Ano nagpalit kayo? Sya muna ba yung nagtatago para ikaw muna yung makalabas labas? At bakit ka ba nagtatago ha?"
Sunod sunod kong tanong sa kanya. Kasi sa totoo lang pwede naman nyang sabihin na lang kung nasan si Brent di ba?
"Nagtatago ako kasi may grupo na gusto akong ipapatay. Ang dahilan? Hindi ko alam. Basta isang gabi nakatanggap na lang ako ng tawag. Ang sabi may 30 minutes na lang ako para mabuhay pagkatapos nun bigla syang nagpaputok ng baril. At alam kong nasa malapit lang sya dahil ang poste ng ilaw na dadaanan ko anh pinaputukan nya. Kaya pagkatapos nun nagtatakbo ako. Kung saan saan ako napunta. Hanggang sa napunta ako sa Palawan. Dun ako tumira sa loob ng halos limang taon. Kailan lang ako nahanap ng pamilya ko." Napayuko sya pagkasabi nya nun.
"A-anong kinalaman ko sa nangyari sayo?"
Pag-angat ng ulo nya may luha ng tumulo mula sa mata nya.
"Sophia sorry. Brent's gone." Humagulgol na sya pagkasabi nun. Di ko na rin mapigilan di maiyak.
"Anong sa-bi mo? Wala na si Brent?" Dahan dahan syang tumango "hindi totoo yan! Nagsisinungaling ka!"
"Sophia sorry! Sorry! Kasalanan ko to eh! Kung di dahil sakin di sya mawawala. Sorry kasalanan ko please patawarin mo ko."
"Brix naman sabihon mo namang nagsisinungaling ka oh"
"Sophia sorry"
Di ko pa rin mapigilan ang luha ko pati na rin si Brix. Bakit ba nangyari yun? Paano? Bakit si Brent pa?
"2 weeks ko lang nakasama si Brent. Palagi ka nyang kinukwento sakin. Halos lahat na nga ata ng ugali, ayaw at mga gusto mo nakwento nya na. Ang saya nga naming magkambal nung nagkita kami ulit. Sabi nga nya sakin may back up na daw sya kung magppropose na sya sayo." Huminto sya para punasan ang mga luha nya.
"Magkasama kami nun sa sasakyan. Pupuntahan ka sana namin pero bigla na lang pinagbabaril ying kotseng sinasakyan namin."
"Si-sila ba yung na-naghahanap sayo?" Tanong ko
Tumango naman sya. "Oo. Nabunggo ang kotse namin nun at sa kasamaang palad napuruhan si Brent. Pero alam mo bago sya mamatay sabi nya sakin wag daw kitang pabayaan at kung mawala man daw sya wag daw kitang biglain sa balita." Tingin ba ni Brent hindi ako mabibigla kapag nalaman kong wala na sya? Kahit sa susunod o sa isa pang taon ko malaman mabibigla at mabibigla ako. "Pinapasabi din nyang mahal ka nya at sana maging masaya ka"
Humihikbi lang ako habang nagsasalita si Brix. Di na kaya ng utak ko ang mga nalalaman ko ngayon. Bakit nangyari sayo to Brent? Bakit mo naman kami iniwan?
Lumapit sakin si Brix at niyakap ako "Sophia sorry. Sorry kasalanan ko to. Sshh tahan na" yan ang sinasani nya habang hinahagod ang likod ko.
Nung medyo kumalma na ko pinainom nya ako ng Frappe na inorder nya. Di ko napansin na nakaorder sya dahil natulala lang ako pagkatapos kong umiyak.
"Brix pwede ko bang makita yung... yung puntod nya?"
Tumingin sya sakin na parang tinatanong ako kung sigurado ba ko. Kaya binigyan ko sya ng tingin na nagsasabing sigurado ako.
"Sige tara"
- - - - - - - - - - - - - - - - - -
BINABASA MO ANG
Married to a Drunk Man
General FictionShe was left alone.. He was rejected.. They were both both broken.. and drunk..