26 - Team Building

58 2 0
                                    

After 2 months! Nakapagupdate din!

- - -

<Sophia's POV>

Bago matapos ang sem na to mayroong hinanda ang Org namin para samin. Nagtatag sila ng Team Building na gaganapin na bukas. Kailangan 3:00 a.m. nasa school na kami or else iiwanan na. Kaya heto ako ngayon nag-aayos ng mga gamit na dadalhin ko.

Phone rings...

"Naku tumawag na si kamahalan" kinuha ko ang phone ko at sinagot "hello"

"Sopphhhiiieee! Ready ka na ba para bukas? Naeexcite ako!" Nilayo ko ng bahagya ang cellphone ko sa tenga ko

"Ano ba wag ka ngang sumigaw! Alam ki namang excited ka eh masyadong halata kaya." Tapos inend ko na yung call.

Agad naman itong nagring ulit kaya sinagot ko na lang

"Hoy aba bastos to ah! Magsasalita pa ko pinatay mo agad!"

"Hoy Sandra para ipaalala ko sayo pang anim na beses ka ng tumawag sakin ngayong gabi at pare-pareho lang naman yung sinasabi mo."

"Aba! Bat pag si Levi paulit ulit na tumatawag sayo para sabihing I Love You di mo ginaganyan? Kinikilig ka pa! Bias ka ah!"

"Che! Ewan ko sayo. Bye!" Then i hang up

After 10 seconds nagring na naman ang phone ko. I just roll my eyes.

"Ang kulit mo talaga!"

"Woaw! What did I do?" Huh?

"Levi?"

"Yes it's me. Bakit parang naaasar ka?"

"Hindi!" Sabi ko habang umiiling na akala mo naman makikita nya. "Akala ko kasi si Sandra na naman. Anim na beses na kasing  tumawag yun napakakulit."

"Excited lang yung tao 'to naman hahaha. Anyway, sunduin na lang kita bukas ng mga 2:30 ha?"

"Sure! Para di na rin hassle."

"Okay then good night. I love you, my lady"

Oo, kasama si Levi sa Team Building. Gusto kasi ng Org na magbonding ang mga memebers nito kaya kahit mga Alumni pwedeng sumama.

Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit natulog na rin ako para may lakas bukas. At aaminin kong medyo naeexcite ako.

"Hey i'm here outside your house."

"Eto na bababa na ko."

"Okay I'll wait for you."

Paglabas ko ng bahay nandoon na nga si Levi. Ang dilim pa rin parang 9:00 p.m. pa lang.

"Ano ready ka na ba sa mangyayari mamaya?" Tanong nya sakin habang kinukuha ang mga bitbit kong gamit para ilagay sa backseat

"Sus ako pa ba? Wala akong inuurungan no!" Pagmamayabang ko naman sa kanya.

"Talaga lang ha. Baka mamaya first challenge pa lang ayain mo na kong umuwi."

"Huy ang kapal mo ha!" Bahagya ko pa syang pinalo sa braso pero natawa lang sya. "At talagang isasama pa kita pauwi ganun? Ha?"

Humarap naman sya sakin ng nakangisi habang tinataas baba nya ang mga kilay nya "baka nakakalimutan mo sakin ka hinabilin ng kuya mo?"

Ay oo nga pala. Bwisit.

Nagsimula na ang Team Building. May dalawang room na punong puno ng lobo. Pinahanap samin ang pangalan namin na nakasulat sa lobo. At kung anong kulay ng lobo nakasulat ang pangalan mo yun ang team mo. Kung sinong team ang unang makabuo ng tig ten na members ay pwede ng magproceed sa next challenge.

After 3 minutes nakita na ni Levi yung sa kanya. Sa green sya. Si Sandra naman nakita na rin nya yung kanya at sa kulay blue sya. Samantalang ako 7 minutes na ang nakakalipas wala pa rin.

"Nasaan na ba yun? Bwisit naman oh." Hindi kasi pwedeng magtulungan dito kaya ayan. Sariling sikap talaga ako.

At finally, nakita ko rin! Yellow team ako. Maniwala man kayo o hindi kami yung nangunguna sa race dahil ang team namin ang unang nakabuo ng members.

Mahirap kasing maghanap dahil bukod sa sobrang dami ng lobo eh magkahiwalay pa yung dalawang room na pwedeng hanapan.

Sa next challenge namin pinaikot kami sa quadrangle ng tatlong beses at pagkatapos binigyan kami ng sandwich. Sabi pa nga nila baka yun lang ang pagkaing masarap na ibigay nila samin. Kaya ayan naisip ko na, na baka pakainin kami ng kung ano ano dun.

Pagkatapos kumain may binigay sa aming na may nakalagay
Saan nga ba tayo tutungo? Hanapin kung saan. Hanapin sa liblib.

"Parang tinuturo ng clue ay yung mini forest. Dun natin hanapin yung susunod na clue." Sabi ni James. Yes, James. As in yung asungot na nambwisit sakin dati. Pero sa ngayon eh tahimik naman sya.

"Osige maghiwa-hiwalay na lang tayo. May flashlight naman mga phone nyo di ba?" Sabi naman ni Wendy. Oo nga pala masyado pang madilim.

Kaya ayun agad kaming nagsitakbuhan sa mini forest. Hindi naman to sobrang lawak. Madali lang kaming makakapaghanapan. Seryoso akong naghahanap ng may naatrasan akong puno - ay hindi puno. Tao pala.

"Be careful."

"Levi!"

"Oh? Bat parang gulat na gulat ka?"

"Hindi naman masyado hahaha pero bye na ha maghahanap pa ko"

"Okay just be careful okay?"

Nag okay sign ako sa kanya habang palayo ng bigla syang sumigaw

"I love you!" Then he winks.

Ugh. Levi mamaya na landi!

"Guys! Nakita ko na yung clue!" Sigaw ni James na fortunately narinig naming lahat.

"Anong ang magiging kapalaran ng bawat grupo? Alamin. Isla ng kapalaran tuntunin."

Tapos sa baba may nakalagay

FRTN

FRTN? Ano yun? May bus bang ganun ang pangalan? O baka tao?

"I think alam ko na kung saan tayo susunod na pupunta" sabi ni Kira.

"Me too" sagot naman ni James "isla ng kapalaran means fortune island. And look may nakalagay na FRTN so i think dun nga sya."

"Oo nga sabi dun nung meeting malayo daw so malamang Batangas nga." Nagkibit balikat naman si Wendy pagkasabi nya noon.

"Anong pang hinihintay natin? Tara na!" Anyaya ko naman sa kanila "alam nyo ba kung pano makapunta dun."

"Oo naman!" Sabay na sabi ng apat sa grupo namin.

"Okay let's go!"

Bago pa umalis sa mini forest nang inis pa ang mga kagrupo ko sa ibang team.

Mayroong sumigaw ng

"Bye guys!"

"See you later!"

"Maligaw sana kayo! HAHAHAHAHA"

"Una na kami!"

- - - - -

Sorry super late!

Much love!

Married to a Drunk ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon