30 - With someone

32 1 3
                                    

<Sophia's POV>

May usapan kami ni Levi na magkikita kami ngayong araw. Isang linggo na rin ang nakalipas mula nung team building. So far, ayos naman kami.

Magbibihis na sana ako ng nakatanggap ako ng text galing sa kanya

"i'm sorry may kailangan akong puntahan. Pero kapag natapos agad to kita tayo ha. Love you!"

Okay so, di na pala kami matutuloy. Pero naiinip ako ngayon. Nakaset na kasi sa isip ko na may lakad ako kaya ganto. Ako na nga lang ang mamamasyal. Nagbihis ako agad ng blue pants at white shirt. Tinernohan ko na rin ng rubber shoes.

Pagkarating ko sa mall, kumain muna ako dahil 12:47 p.m. na at di pa ko naglalunch. Grabe ang hirap talaga pagkakain ka ng mag-isa. Lagot talaga sakin yang Levi na yan pag nagkita kami.

At dahil maaga pa magshashopping muna ako. Nakakita rin ako ng stand ng fruitas kaya naisip kong bumili ng ice candy. Habang naglalakad ay kinakain ko ito hanggang sa may nakabunggo ako.

"my gosh!" maarteng sabi nito "tumingin ka nga sa dinadaanan mo"

"sorry" kasi ako naman talaga may kasalanan. Nakayuko kasi ako at pagtingin ko sa kanya "Lara?"

"oh!" gulat nya ring sabi "ikaw pala yan Sophia. Matagal na rin kitang di nakita ah. By the way, sabi ko na magigising din si Levi sa katotohanan."

"huh?" nagtatakang tanong ko naman

"kunwari ka pang nagulat? kaya ka nga mag-isa ngayon dahil iniwan ka ni Levi di ba?" what? san nya nakuha yun? napapakunot noo lang ako sa mga sinasabi nya "oh? bat ba parang gulat ka na naman? Ah siguro di pa kayo hiwalay no? Pero sino yung kasama nya kaninang mag lunch? He's with someone. And i don't think they're business partners or something. Bagay sila in fairness. At mukang may pinag-uusapan silang seryosong bagay."

what the heck? ano bang sinasabi neto?

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Nandun sila sa Pizza Hut tignan mo. Bye!" sabi nya bago umalis na may nanunuyang ngiti.

Kahit ayaw kong maniwala sa kanya ay nagpunta pa rin ako. Hindi ko alam bat parang kinabahan din ako sa sinabi nya. Parang may nagsasabi rin sa akin na mabuti ngang puntahan ko.



Pagdating ko roon wala naman akong Levi na nakita. Siguro nga dapat wag kong paniwalaan si Lara. Uuwi na lang ako.

Sinusubukan kong tawagan si Levi kahit na napatunayan ko naman sa sarili ko na hindi totoo ang sinasabi ni Lara pero hindi nya sinasagot amg mga tawag ko. Nag-aalala na rin ako sa kanya dahil di naman sya ganito.

Naghintay na lang ako ng text mula sa kanya pero hanggang sa nakatulog ako wala pa rin. Kinabukasan ay nagising ako dahil sa katok.

"Sophia nandito si Levi" sabi ni Ate Nikki mula sa labas. Kaya agad akong bumangon at nag-ayos.

"Sandali lang ate. Mag-aayos lang ako" pagkasabi ko non ay tumugil na ang pagkatok.

Pagkababa ko nakita ko si Levi na nakaupo sa sofa. Pagkakita naman nya sakin ay tumayo sya at hinalikan ako sa noo.

"ang aga mo naman ata?" nagtatakang tanong ko sa kanya

"good morning too, my lady." tapos ay ngumiti sya "syempre kailangan kong bumawi sayo. Pasensya na kahapon ha? May inasikaso lang talaga ako"

Tumango na lamang ako at umupo sa sofa. Ganun rin ang ginawa nya. "ahm Levi."

"Yes?"

"pwede bang magtanong kung nasan ka kahapon?" Napakunot naman ang noo nya. "Di bale, okay lang naman kahit di mo sagutin."

"Nasa Bulacan ako kahapon may importanteng tao lang na kinausap para sa business. Bakit?"  See? Wala sya sa mall kahapon di tulad ng sinasabi ni Lara.

Tinignan ko sya at umiling.

- - - - - - - -
yes may update ako! Pasensya na! Hirap ng graduating busy. By the way, malapit ng bumalik si Kuya Nich at sa pagbabalik nya magaganap na ang twist. Sana po basahin nyo to kahit konti lang kayo hahaha

love,
yshiia

Married to a Drunk ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon