Hhhaaaayyy Monday na naman. May pasok na naman pero wait late na kooo!
Dali dali kong ginawa ang mga dapat kong gawin at agad na nagpuntang school pero wala effortless late talaga ko. Di na ko pinapasok sa first subject ang sabi sakin ni Ma’am
“Miss Del Castillo you’re too early for your second subject.”
Pagkasabi nya nyan alam ko na na wala sya sa mood at napansin kong halos kalahati ng klase ay wala. Pagpunta ko sa canteen ayun nandun ang kalahati ng klase naming.
“Badtrip naman si Ma’am oh 3 minutes lang tayong late pwede pa kayang pumasok hanggang 15 minutes! Bat kasi nagmemenopause na tapos tayo nababalingan!” Pagmamaktol ni Bianca, kaklase ko.
“Ano ka ba okay nay an kesa makinig tayo sa kanya aantukin lang tayo ditto muna tayo!” sagot naman ni Jenny sa kanya.
Kaya ayun dito namin inubos ang isang oras kakawento sa kung gaano kainis kay Ma’am.
Pagkatapos nun ay pumasok na kami sa next subject.
Lunch break na. Papunta na kami sa canteen ng makasalubong namin si Levi.
“Uy pasabay na maglunch ha?”
“Sure Levi basta ililibre mo kami ni Sophia mo ha?”
“Huy ano ka ba!” pagbabawal ko dito kay Sandra my bestie.
Napayuko si Levi sa narinig nya at umiling habang nakangiti. Wait, what?! Nakangiti sya?!
“Oo na sige na!”
“Yey thank you Levi! Dahil dyan ipapaubaya ko na sayo si Sophia my bestie!”
“Hoy Sandra Loriano ipapaalala ko lang sayo na bestfriend mo ko ha? Bat mo ko pinapamigay?!
“Di kita pinapamigay no! Alam ko namang kanya ka eh” Namilog ang bibig nya at pagkatapos ay tinakpan ito na kala mo ay nagulat sa sinabi nya kahit sinasadya nya ito. “Hahahahahahahahahaha”
Pinalo ko sya sa braso para tumahimik na. Habang naglalakad kami para umorder may humarang naman sa dadaanan namin.
“Oh Larabeth the bitch” mahinang sabi ni Bestie na kaming tatlo lang nilaLevi ang nakarinig.
Nakahalukipkip sya habang nakatingin sakin.
“Sophia right?” maarteng sabi nito na nakataas pa ang isang kilay.
“Ako nga.” Sagot ko naman.
“Okay I will go straight to the point.” Tumingin sya sa dalawang kasama ko bago dugtungan ang sasabihin nya “What’s your relation with this handsome man, Levi?”
Nagulat naman ako sa tanong nya. Ano bang meron samin ni Levi at curious sya? At kung magtanong sya parang wala si Levi ah.
“You see I’m waiting for your answer come on! What’s going on between you and Levi? Ano mo sya?”
Huminga ako ng malalim bago sumagot.
“I’m his-“ pero di ko natuloy ang sasabihin ko
“I’m her suitor Miss.” Dugtong nya sa sasabihin ko.
What? Like what? He’s my what?!
“Now, if you’ll excuse us.” At hinila nya kami ni Sandra na halatang nabigla rin sa narinig.
At ayun naiwan si Larabeth na shock rin sa narinig.
x x x x x
Yes! Naupload din! Thank you sa reads!
BINABASA MO ANG
Married to a Drunk Man
General FictionShe was left alone.. He was rejected.. They were both both broken.. and drunk..