<Sophia's POV>
Nandito na ko ngayon sa bahay. Grabe hindi ko alam ang gagawin ko. Parang in just one snap i'm married and i'm oh no!!!
Tahimik ata ngayon sa bahay. Mabuti naman. Hindi muna ako papasok today! Anong gagawin my goodness gracious!
"At san ka galing ha?!"
Hala! Si Kuya Nich. Well Nicholas ang true name nya Nich lang ang nickname nya. Ah ano ba yan nagawa ko pang magkwento sa kabila ng nangyayari sakin. Now what? I'm a dead meat!
"Ah Ku-kuya..he-he" nagaalangan ako. Anong sasabihin ko?
Na 'hey kuya nagbreak na kami ni Brent . At ngayon dahil maganda ang kapatid mo may asawa na sya. Kasal agad agad. Di lang yun may bonus pa may nangyari samin. Oh di ba baka maging tito ka na. Congratulations!'
Baka patayin ako nyan o kaya ilibing ng buhay! NO WAY! HIGH WAY! KUYA PLEASE SPARE ME!
"Oh Nich anong ginagawa mo dyan?" Biglang dumating si Ate Nikki. Kakambal ni Kuya Nich yan. Fraternal twins sila. "Oh andyan ka na pala Sophia, san ka galing? Kagabi ka pa hinahanap ni Nich. Buti na lang sanay na kaming nagssleep over ka kela Sandra ng walang paalam. Naku umayos ka ngang bata ka at pumasok ka na!"
Thank you Ate Nikki! I loveyou to infinity and beyond libre kita next time hahaha.
Kaya umakyat na ko sa kwarto ko at naligo.Ang sakit ng katawan ko.! Tapos may hang over pa ko. DAMN!
Binilisan ko na lang pagbibihis ko at pumasok na. Pagdating ko naman sa school agad sumalubong ang bestfriend kong megaphone, si Sandra.
"Hoy babae katampo ka! Di ka nagparamdam nung weekend hhmp!" nagpout pa sus kung alam mo lang.
"Oh bat di ka sumasagot? Teka parang may mali sayo ha? May problema ka no?" di pa rin ako kumikibo. "Bestie please. I'm your friend. Kaya andito lang ako kung may problem ka sabihin mo lang sakin ha." Ang sincere ng pagkakasabi nya nun. Grabe bestie!
"Bakit ka umiiyak?"
"Bestie break na kami ni Brent" di ko na napigilan eh pag naaalala ko talaga si Brent. 3 years yun eh.
"Ha?!! Bestie naman! Bakit?" Alam nya kasi ang mga pinagdaanan namin ni brent kaya siguro nabigla din sya.
"I-i don't know. Ba-basta nakipag-pagkita sya sakin ta-tapos sabi nya break na daw ka-kami. Ang sakit sakit Bestie eh"
Naikwento ko naman lahat ng saloobin ko kay Sandra. She's my bestfriend since time immemorial. Syempre galit na galit naman daw sya kay Brent. Bakit daw kasi bigla na lang nangiiwan. Wala naman kasi kaming problema eh. Ewan ko ba! May isa pa kong problema ngayon.
Si Levi.
Yan ang hindi ko nasabi kay Sandra. Hindi nya alam kung ano ko o sino si Levi sakin. Ano ba tong pinasok ko oh!
Ngayong uwian namin medyo tuliro pa ko. Ikaw kaya makaranas ng ganito di ba? Kaya napagdesisyunan ko na lang na puntahan si Brent sa bahay nila. I miss him so much that it kills me inside to swallow the fact that we broke up yesterday.
I'm now in front of their house. Nakabukas ang gate kaya pumasok na ko. At nagulat naman ako na pati pinto. Kaya pumasok na ko. Kilala naman na ako ng kasambahay nila dito kaya siguro hindi nila ako pinigilan. Pero pagkakita nila sakin gulat ang mababakas sa kanilang mukha. Bakit? Alam na ba nila.
Sinabi ba ni Brent sa kanila na break na kami? Bakit? Ganun lang ba talaga kadali sa kanyang itapon yun?
Pagdating ko sa itaas pati pintong kwarto nya bukas. At may nakita akong babae. Wait! don't tell me. Oh hell!
Lumapit si Brent sa babae at niyakap ito. Gumanting yakap naman ang babae. At pagkatapos may sinabi si Brent sa kanya na ikinawasak ng puso ko.
"I love you so much Fara. Happy Anniversary!" Tapos hinalikan nya pa.
Hindi ko na kinaya kaya tumakbo na ko palabas.
What's that? Bakit mo ba ginagawa to Brent. Umiiyak ako habang nagdadrive at pumunta sa unit nya. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Puro iyak lang ang ginawa ko ngayong araw.
Pagtapat ko sa pinto nagdoorbell ako. Binuksan naman nya ito agad.
"Sophia?" sa pagkakasabi nya nun papikit pikit pa sya. Bagong gising at half naked din sya. Ganto ba syang matulog. "What happened? Bat namumugto ang mata mo?" nag-aalalang sabi pa nya.
"Levi"
- - - -
BINABASA MO ANG
Married to a Drunk Man
General FictionShe was left alone.. He was rejected.. They were both both broken.. and drunk..