8 - Schoolmate

166 5 0
                                    

<Sophia>

Good Morning Sunshiiiinnnnee!! Well good nga ba? Eh monday na naman kainis! Anyways maaga akong papasok ngayon kasi medyo maganda mood ko hahaha.

Pagbaba ko galing sa kwarto nakita ko si Ate Nikki kaya tinanong ko sya "Good morning Ate! Tulog pa ata si Kuya?"

"Oh gising ka na pala." Tapos lumapit sya sakin para yumakap at magbeso. "Yes tulog pa yung Kuya mong bully gggrrr!! Hahahahaha"

"Ano na namang kalokohan ginawa nya sayo ate?"

"Well, kasi nga kahapon naisipan naming manuod ng horror movie eh natapos yun ng 6:00 p.m. na kaya medyo madilim ayun syempre natakot ako." Kunot noong kwento ni Ate habang inaalala ang nangyari kahapon. "Nung matutulog na ko biglang namatay yung ilaw tapos ayun nagbubukas sara yung pinto. Natakot ako kasi akala ko si Shomba yun nung sumigaw ako sa sobrang takot tumakbo ako sa may bintana para may liwanag man lang galing sa labas. Pero ang mabait kong kakambal ayun biglang bumulaga sa harap ko na may nakatapat pang flashlight sa mukha"

"Ha? Sumigaw ka? Bat di ko narinig?"

"Baka kasi pagod ka at tulog na? At pagsinabi kong tulog hindi basta basta nagigising!"

"Ay sorry naman po! Kain na lang tayo."

At ayun nga nagbreakfast kami kahit wala pa si Kuya. At dahil nga good mood ako maaga akong pumasok sa school. Habang naglalakad ako sa may gate may napansin akong pamilyar na pamilyar sa akin. Kaya nilapitan ko sya

“Anong ginagawa mo dito?” sabi ko sa lalake sa harap ko.

“Ano pa ba? Edi mag-aaral” Napa-O na lang ang bibig ko sa sinabi nya.

“Ha?” Ayaw atang magsink-in sa utak ko nung sinabi nya.

“Sophia, ano bang ginagawa sa school?”

“Nag-aaral.”

“Oh alam mo naman pala. Nandito ako para mag-aral.”

Hala! Seryoso sya? Pero… Aiissshh

“Sigurado ka ba” Napakonot noo naman sya sa sinabi ko.

“Oo naman no muka ba akong nagjojoke.”

Di ko na nasagot ang sinabi nya dahil hinatak nya na ako papasok. Seriously? Levi is here to study? Kala ko wala na syang interes mag-aral.

“Itour mo naman ako Minnie.”

Napatingin naman ako bigla sa kanya.

“Minnie?” Tumingin ako sa kaliwa. Wala namang tao. Sa kanan. Wala din. “Ako ba kausap mo?”

“May iba pa bang Minnie dito?”

“WTH? Minnie? San mo nakuha yun” Psychotic ata tong asawa ko.

Teka anong sabi ko? Asawa? Hindi. Hindi ko sinabi yun ah. Haaaaayy Nevermind.

“Eh di ba feel na feel mo yung headband mo na tenga ni Minnie?”

“Whaaaattt?” Teka pano nya alam na… Nakita ba nyang suot…pero nasa bahay ako  at Oo feel na feel ko nga yun kasi buong araw kong suot. Like it’s so bagay to me kaya hahaha

“Nakita ko yung picture sa facebook hahahaha tapos nakasuot ka pa ng Minnie mouse shirt. Dapat naglagay ka ng mentos sa ngipin mo para dagang daga ang dating hahahaha.”

“Heh! Bahala ka dyan papasok na ko.” Iniwan ko na sya dun habang tumatawa kainis naman sya daga daw ako?

“Teka ang aga pa kaya!” Tapos hinawakan nya ang braso ko at iniharap nya ako sa kanya. “Libre kita gusto mo?”

Wow libre daw! Gusto ko yung idea na yun!

“Talaga?!” Buong ngiting sabi ko sa kanya.

“Oo nga kasi alam ko naman ang gusto mo eh.”

Aaawww nakakatouch naman yun.

“Talaga?!” Nakangiti pa rin ako habang sinasabi ko yun.

“Talaga na lang ba ang alam mong sabihin? Para ka pang retarded kung ngumiti dyan.” Napa-pout tuloy ako sa sinabi nya. “Keso lang naman gusto ng mga daga eh kaya tara na! Hahahahahaha”

-_____-

- - - - - - - -

Wrong timing yung bagyo sa lunes pa ko papasok eh. Di ko tuloy feel class suspension.

Keep safe guys!

P.S.: Itatype ko na yung whole story sa lappy habang madami pang idea na sumasagi sa isip ko. And bibilisan ko na ng konti para mapunta na sa part na gusto ko Yey! lol

Married to a Drunk ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon