Let's do this!
Ilang oras din yung naging byahe namin papuntang Batangas. Kinailangan pa naming sumakay ng bangka para makarating sa mismong isla - Fortune Island. At ang masasabi ko lang ay, wow! Ang ganda ng lugar. Hidden paradise 'to! May parang Athens pa! This is perfect for me. Feeling ko nasa Greece ako kahit paano.
Kinailangan pa rin naming sumakay ng bangka bago makarating dito. At sabi ng bangkero samin wala daw kuryente don. Okay lang, team building nga eh. Patibayan 'to!
Una kaming nakarating sa isla kaya agad kaming lumapit sa mga organizer
"Nandito na kami woohooo!" Sabi ng hyper naming kateam na si Ron.
Nagkaingayan tuloy ang team namin dahil sa excitement.
"Chill! Di pa tapos ang first part ng challenge nyo." Sabi ni Kuya Marc
"Hala?" Gulat pa naming sabi
"Yes! You heard me right. Di nyo ba napansin may kulang sa inyo?"
What? May twist pa pala! Grabe pala talaga ang team building sobrang pagod kaloka!
Pero may kulang daw? Eh may pagkain naman kami, tubig at mga damit. At kumpleto din naman kami. Teka - kumpleto? Bakit parang
"Si Lizie! Nawawala si Lizie!" Bigla kong naisigaw yan. Kasama lang namin sya kanina ah panong nangyari yun?
"Tama ka Sophia! Nawawala si Lizie sa inyo so hindi kayo pwedeng magsimulang gumawa ng camp nyo."
"Ha? Teka nga! Eh pano ng gagawin namin?" Nagtatakang tanong ni Sid
"May nawawala kaya may hahanapin. At nga pala para mapakawalan nyo rin sya hanapin nyo yung susi dyan sa inflatable pool. Good luck!" Yun ang sabi nya at umalis na sya.
Wala kaming inaksayang oras at hinanap agad ni James ang susi. Isa lang kasi sa bawat team ang pwedeng humanap ng susi. Sa inflatable pool kasi ay may buhangin na kung saan nandun ang mga susi.
Malas pa kapag ang susing nakita nyo eh hindi para sa padlock na nakaassign sa kateam nyo. Ibig sabihin uulitin nyo na naman ang paghahanap.
Di pa nahahanap ang susi ng biglang dumating ang green team. Ang team nila Levi.
"James bilisan mo!" Sigaw ni Wendy na naghhysterical na.
At ayun nahanap na nga ni James ang susi. Kaya hinanap na namin si Lizie.
"Lizie magpakita ka!" Sigaw ni Ron
"Kung naririnig mo kami Lizie magparamdam ka! Hahahaha!" Maloko talaga tong si Sid.
"Oo nga naman Lizie! Kahit pahanginan mo lang kami ng konti" dagdag pa netong si Eros. Isa ding loko loko.
At bigla ngang humangin
"Ay putang ina! Nagbibiro lang ako huy!" Sigaw ulit ni Eros. Medyo natakot din ako nung biglang humangin. Aba first time ko dito malay ko ba kung may multo di ba?
"Maghiwa hiwalay na muna tayo ha?" Kaya ayun nagkawatak watak muna kami.
Medyo mapuno sa napuntahan ko at parang may naririnig parang kumakaluskos. Shit! Baka may ahas dito o kung ano! Ayoko pang mamatay o kahit makagat man ng kahit ano. Dahan dahan akong tumitingin sa paligid.
"BBBBAAA!"
"AAAAAAAHHHHH!"
"HAHAHAHAHAHAHA!" Lintik na Levi to huhu
"Leche ka wag mo kong kausapin! Huhu" kinabahan ako dun. Akala ko katapusan ko na tapos sya lang pala.
"Uy sorry na!" Sinusundot nya pa ko sa tagiliran. Bahala sya "sorry na ha? I love you, my lady" then he kissed my left cheek.
"Heh! Magtutuos tayo mamaya!"
"Sorry na please!" Nagpuppy eyes pa sya. Kaynis di ko matiis.
"Oo na! Wag mo na lang uulitin sasapakin talaga kita!" Sabi ko at niyakap nya ko agad
"Opo! Promise!" He kissed my left cheek again.
Nasa ganoong mood kami ng may biglang sumigaw
"Ouch! Levi help!"
That voice! Kilala ko sya
"Sophia nakita na namin si Lizie pwede na tayong magpahinga!" Sigaw ng isa pa ng boses na alam kong si Wendy yun pero di kk muna sya pinansin.
Si Levi ang concern ko ngayon. Tinignan ko sya sa mata. Bat sa kanya nagpapatulong ang Larabitch na yon?
"Uhm... i'm sorry pero tutulungan ko lang si Larabeth ha?" Yun lang ang sinabi nya at iniwan nya ko.
What the fuck just happened?
- - - - -
Salamat sa mga nagvovote! Kagabi ko pa binubulong sa sarili ko na kelangan kong magUD. Pero ttry ko magupdate bago mag New Year promise! Kausapin nyo ko sa accounts ko
Facebook: Yshiia Lacson
Twitter: @krisshiababes
IG: xxyourgirlfriendxx
Tumblr: maybeyouloveher
BINABASA MO ANG
Married to a Drunk Man
General FictionShe was left alone.. He was rejected.. They were both both broken.. and drunk..