29 - Anna

40 1 0
                                    

Bumitaw naman ako sa pagkakayakap nya. Di ko pa nakakalimutan yung nangyari no!

"Sige na matutulog na ko inaantok na ko" at kunwari pa'y humikab ako. Ayoko muna syang makausap. At totoo rin namang pagod ako. Narinig ko na lang ang pagbuntong hininga nya pero bago sya umalis ay may sinabi sya.

"Bukas ng umaga mag-uusap tayo okay?" Yun lang at tuluyan na syang umalis.

Kung saan sya pupunta? Ewan ko, pwedeng kay Lara o kung kanino o kung saan. Ewan ko basta gusto ko ng matulog. Kaya pagdating sa tent bagsak ako agad.

Kinabukasan paggising ko palang nakita ko na si Levi. Nakaupo sya labas ng tent na tinulugan ko.

"Buti naman at gising ka na. Halika kain na tayo ng breakfast."

"Bat ka nandito?" Matabang kong tanong sa kanya. Kaya napatingin sya bigla sa akin na may bakas ng pag aalinlangan.

"Di ba sinabi ko naman sayo pag uusapan natin to?" Tinignan ko lang habang nagsasalita sya "okay kung anuman ang nagawa ko, sorry. Alam mo namang ayaw ko ng ganto tayo di ba?"

Hindi ko alam kung anong meron sa araw na to. Feeling ko ang OA ko kung dahil pa rin to kay Lara eh sa nagsosorry naman tong tao. Ay ewan. Baka dala lang ng team building uuwi na rin naman kami mamaya kaya bahala na.

"Okay na sige na umalis ka na" di ko ata kontrolado ang bibig ko ngayong araw di ko rin alam kung bakit nasabi ko yan. Kaya tinignan ko ang reaksyon nya at mukang nasasaktan na rin sya sa mga sinasabi ko. "Sorry okay? It's just that, I think I woke up at the wrong side of the bed. Di na ko galit" pagkatapos nun ay niyakap ko sya para makabawi naman. At naramdaman ko naman ang pagyakap nya sakin pabalik.

"I understand. Sige kainin mo to ha balik na ko sa camp namin." Tumango na lamang ako bilang sagot.

To make the story short natapos ang team building na nag enjoy ang lahat (minsan lang talaga nakakainis yang Larabitch na yan) at syempre ang nanalo ay ang team


Nila Sandra! Yehey! Bago umuwi ay nagpicture taking muna kami dun sa parang Athens na mafifeel mo ang pagiging Aphrodite. At ayos na din talaga kami ni Levi. Pero naiisip ko pa rin na may something sa araw na to. Hhaayyy napaparanoid lang siguro ako.


<Levi's POV>

Di ko sigurado kung bat ba nagalit sakin si Sophia nung team building pero buti naman at ayos na kami. Kakahatid ko nga lang sa kanya sa bahay nila at ngayon ay 2:56 a.m. na. Pagod na rin ako kaya napagdesisyunan kong matulog na pero pagkahiga ko sa kama biglang tumunog ang phone ko

0916*******
Calling...

Anong oras na may tatawag pa pala sakin. Siguradong tulog na si Sophia sa pagod. Sinagot ko naman. Baka emergency eh.

"Levi" i know that voice

"Ana"

- - - - -
Hi ikkahGatan this chapter is for you!
Sobrang tagal kong di nagupdate dahil kailangan kong iuninstall ang wattpad app pero okay na ngayon. Sobrang salamat sa mga nagbabasa at nagvote. I love you all! 😘

Married to a Drunk ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon