31 - The intruder

47 0 0
                                    

<Sophia's POV>

Gaya nga ng sabi nya, lumabas kami ng araw na yun. Nagdesisyon kaming manuod na lang ng sine. Tapos kumain sa resto. Well, the usual lang naman.

Nung bandang 5pm inaya ko sya sa Manila Bay. Why? It's one of my favorite places. Though alam ko parang wala lang sya sa iba pero kasi pagnakakakita ako ng dagat gumagaan yung pakiramdam ko.

"Sa tingin mo bakit ang daming babae ang nahihirapang humanap ng matinong lalake?" Tanong nya. WTF? San galing yan. Tinignan ko lang sya na para bang sinasabi kong 'ang weird mo'.

I rolled my eyes before answering him "kasi padalos dalos sila. Minsan nakikiuso sila na sa sobrang gaya gaya e napapahamak lang sila. Minsan naman nagbubulag bulagan lang sila sa mga salita o sa looks ng isang tao. Ni hindi man lang nila inisip kung totoo ba talaga lahat ng nakikita't naririnig nya. Looks can be deceiving anyway. Basta madaming rason kung bakit. Pero minsan wala sa babae ang problema. Minsan sa lalake na rin. Meron na silang ginto, ipagpapalit pa sa bato." Napasigh ako pagkatapos.

"Oh-kay? Ang haba nun ah. Actually ang akala kong isasagot mo eh 'bakit' kasi banat yun" medyo napakamot pa sya sa ulo.

Tinignan ko lang sya at napa "huh?" Duh. Ang haba ng sinabi ko tapos banat pala yun.

"Basta! Dali tanungin ulit kita tapos sabihin mo bakit ha?" Napashrug na lang ako. Childish.

"Ehem. So.. uhm... sa tingin mo bakit ang daming babae ang nahihirapang humanap ng matinong lalake?"

"Bakit nga ba?" Tanong ko sa kanya

"Pfft.." pigil tawa sya

"What?" Mataray ko namang tanong

"Eh syempre mahihirapan talaga sila isa lang ako tapos nasa iyo na ko. Talagang wala silang mahahanap na tulad ko." Nakangiti nyang sabi sa akin

"Really Levi? Really?" Kainis ha. Ang korni nya. Yung totoo? Ganto ba ang utak ng Cum Laude? Kawawa naman pala sila kung sakali

"Salamat sa pag appreciate ha" pagmamaktol nya habang nakasmirk. At aba nagroll pa ng eyes

"You're welcome" pambbwisit ko naman lalo sa kanya hihi. "Uy bili ka namang ice cream ayun oh!" Turo ko dun sa matandang nagtitinda ng dirty ice cream. Hindi naman sya nagreklamo't sumunod na lang.

Makalipas ang limang minuto hindi pa rin sya bumabalik. Kaya napagdesisyunan kong sundan na lang sya. Pagtayo ko ay bigla akong may nabunggong babae

"Ouch!"

"Sorry miss" sabi ko sa kanya. Pero tinignan nya lang ako at naglakaf na ulit. Wow ha nagsorry na nga eh tusukin ko mata mo dyan.

Kainis. Feeling ko kung magkikita ulit kami ng babae na yun masasabunutan ko sya. Di hamak namang mas maganda ako sa kanya kaya wag syang mag inarte.

"Oh? Bat nakatayo ka dyan?" Sabi ni Levi nung finally nakabalik na sya. Kasalanan nya to e ang tagal kasi.

"Wala. Pupuntahan sana kita kasi ang tagal mo eh akin na nga yan" kinuha ko sa kamay nya yung ice cream.

"Kung magkaka anak tayo anong gusto mong panganay? Babae o lalake?"

Nasamid ako sa sinabi nya "WTF? San ba nanggagaling yang mga tanong mo? Seriously."

"Wala naman. Bigla ko lang naisip. And besides, mag asawa naman tayo di ba? So wala namang masamang pag-usapan yun." Inosenteng sagot nya

Well may point sya pero bakit kasi pabigla bigla di ba.

"Sa totoo lang, sabi ko sa sarili ko na kapag ako nagkaanak ang gusto ko lalake ang panganay. Para may magtatanggol sa kapatid nyang babae kung sakali man" ganun kasi si Kuya Nich sakin e.

"Wow! Ang ironic naman hahahaha"

"Huh? Bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Kasi ikaw ang babae pero gusto mo lalake muna. Ako naman gusto ko babae muna"

"Bakit naman?"

"Kasi gusto ko yung dalawa kayong aalagaan ko. May reyna na ko, may prinsesa pa. And don't worry ako rin magiging tagapagtanggol nya" bahagya naman akong napangiti sa sinabi nya "kaya ano? Simulan na natin yung panganay?" Sabi nya habang nagtataas baba pa ang kilay nya. Binatukan ko nga

"Puro ka kalokohan"

"HAHAHAHA"

Ang kulit kulit nya lang ngayon. Para syang batang di ko maintindihan.

Nagkkwentuhan kami ng biglang nagring yung phone nya. Tinignan nya kung sino ito at kumunot ang noo.

"Need to take this call" sabi nya at lumayo sya.

Medyo matagal silang nag usap at may naririnig pa kong sinasabi nya na 'you know I can't' sino naman kaya yun? Nang matapos silang mag usap ay agad syang lumapit sakin.

"I'm sorry pero may emergency eh. Halika hatid na kita sa inyo" hindi na lang ako nagreklamo o nagtanong dahil gusto ko na rin magpahinga. Ewan ko ba. Feeling ko pagod na pagod ako ngayon kahit di naman.

Gaya ng sabi nya hinatid nya ko sa bahay nasa sasakyan kami at nagkkwentuhan lang din ng biglang malaglag ang wallet ko. Kaya pinulot ko ito agad. Pero nagulat ako ng may makapa akong isang hikaw.

Hindi nya ata napansin na hawak ko ito kaya tinago ko muna agad. Hikaw? E hindi naman ako nagsusuot ng ganun ah? Kaya pagdating sa tapat ng bahay ay inihinto nya na ang sasakyan at pinagbuksan ako.

"I'm really sorry. Kailangan ko lang talagang puntahan to pero tatawagan agad kita pagkatapos ha" he then kissed me on my forehead. Tumango na lang ako sa kanya at sinabing ingat sya.

Pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang nakita ko. Kanino 'yon?

- - - - - - -
HELLOOOOOOO!!!
Alam ko ang tagal kong nawala kaya sorry! Sobrang busy lang sa Feasib namin eh. Thank you pala sa mga nagbabasa neto love you guys! Kinikilig ako pag nakikita ko notif ko hahaha. Yes malapit na po tayo sa twist antayin nyo pag nasa eksena na si Kuya Nich ibig sabihin ayun na hahaha. And oh baka next chapter nandyan na si Kuya Nich or next next chapter? Hahahaha basta sana basahin nyo pa rin.

Merry Christmas!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Married to a Drunk ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon