"Alcianna, pinapapunta ka ni Sir Wrights sa office niya ngayon din," saad ni Ellie na galing sa secretary ni Mr. Wrights.
"Bakit daw?" balik tanong ko kay Ellie.
"Eh, ewan ko. Napag-utusan lang ako ng secretary ni Boss na tawagin ka," sagot niya sa akin.
"Ahh, sige aalis muna ako at baka mapagalitan pa ako ni sir," sabi ko at lumakad papunta sa elavator.
Lumabas na ako ng elevator, at habang naglalakad ako papuntang elevator ay hindi ko maiwasang mag-isip kong bakit pinapatawag ako ng Boss namin. Si Sir Mavion Wrights, siya ang may-ari ng kompanyang pinagtratrabahuan ko ngayon. Kinakabahan din ako dahil minsan lang ako ipatawag ni sir, pero wala naman akong natatandaan na may nagawa akong kasalanan, sino bang hindi kakabahan sa boss ko na super duper masungit at cold. Pero kahit na kinakabahan ay naglakas loob parin akong Pumunta sa office niya.
Pagdating ko sa table ng secretary ni boss ay agad akong nagtanong, kung pwede naba akong pumasok sa opisina ni boss.
"Good Morning, Ma'am Jean pwede na ho ba akong pumasok sa office ni sir? Sabi ho kasi ni Ellie na galing dito na hinahanap po ako ni Sir," sabi ko sa secretary ni Boss.
"Ayy opo, pwede na po kayong pumasok Alciana, kanina kapa hinahanap ni Sir eh," sabi ni Ma'am Jean
"Ahh sige ho Salamat," sabi ko at mabilis na kumatok sa opisina ni Sir bago pumasok.
Pagpasok ko sa opisina ni Sir ay agad niya akong nakita.
"Miss Ferera, so you're already here,Come and have a seat first." Tinuro ni Mr. Wrights ang upuan, habang nag sasalita ito. Marahan akong tumango at umupo sa tinuro nitong uupuan ko.
"Bakit niyo ho ako hinahanap, Sir?" tanong ko kay Mr. Wrights.
"I will give you an assingment, Miss Ferera and I need you to pass it before Monday. I hope you will, before monday," kaswal na sabi ni Boss habang binibigay niya sa akin ang isang envelope.
"Ok sir, I will do my best to finish this report before Monday," sagot ko sa kanya.
"Alright, Miss Ferera. Yoy may start the report already, and the information about it is inside that folder. I hope you finish it before Monday.."
"Got it sir, I will get going now."
Akmang lalabas na ako ng opisina ng Magsalita siya ulit."By The way Miss Ferera You look good today..."
Lumingon muli ako kay Sir at nagsalita, sinagot ko nalang si Boss kahit nagulat ako sa sinabi niya.
"Thank you sir..."
At dumiretso na palabas ng kanyang opisina, dala ang ibinigay niyang folder, kung saan nakalagay ang information sa report na ipinapagawa niya sa akin. Pero hindi parin mawari ng aking isipan kong bakit niya sinabi ang katagang iyon.
"By the way Miss Ferera, you look good today.."
"By the way Miss Ferera, you look good today.."
"By the way Miss Ferera, you look good today.."
Paulit-ulit iyong nagpla-play sa aking isipan, hangagang sa makalabas ako ng elevator at makabalik sa floor ko. Iwinaksi ko nalang iyon sa aking isipan at lumabas ako ng elevator, dumiretso na ako sa pwesto ko na saan naroon ang table ko para maumpisanhan na ang pinapagawa ni boss.
Binuksan ko ang folder na binigay ni sir kong saan nakalagay ang information sa report na gagawin ko, at balak kong tapusin ito ng maaga para na wala na akong iisipin pang ibang trabaho.
Malapit ko nang matapos ang report na ginagawa ko at napag-isipan kong iopen ang cellphone ko para tingnan kong anong oras na. Kanina pa kasi umuwi ang mga ka work ko at ngayon ay nag oovertime ako, pagtingin ko sa oras ay mag aalas 10 na pala kaya mas binilisan ko ang pagtapos ng report ko para makauwi na ako.
Natapos ko na din ang report ko sa wakas at makakauwi na ako neto at maghahating gabi na rin, kaya't inayos ko na ang table ko at kinuha ang bag ko para makauwi na. Bumaba na ako sa ground floor at habang naglalakad ako sa lobby ng kompanya nakita ko ang boss namin na naglalakad rin palabas ng kompanya. Siguro nag-OT rin tong boss namin, akalain mo boss pero nag-oovertime iba talaga kasi itong si boss, masyadong hands on sa trabaho. Nang makalapit na ako sa kanya binati ko siya, kasabay non ang matamis na ngiti.
"Good evening po sir," magalang na bati ko sa kanya.
"Good evening too, Ms.Ferera, nag-overtime ka pala?" sabi niya ng mamalayang ako yong bumati sa kanya.
"Ah, opo sir kasi naisipan kong tapusin ang report na pinapagawa niyo," sabi ko.
"Oh I must say your very hardworking Ms.Ferera but always remember that you should always take care of yourself," sabi ni Boss and I heard a hint of concern on his voice.
Eh bakit naman siya magiging concern sa akin. Ah concern lang siguro siya dahil empleyado niya ako, hindi naman ako malisyosa kaya baka nga concern lang siya, dahil isa ako sa pinagkakatiwalaan niyang empleyado.
"Ah, sige po sir mauuna na po ako kasi maghihintay pa po ako ng masasakyan," saad ko bago humigpit ang hawak sa bag ko na para bang nanakawin ito sa akin ngayon.
"It's not safe around here, Miss Ferera. Masyadong delikado ngayon, dahil gabi na ihahatid nalang kita sa bahay niyo," he said and the eageness on his voice says that I cannot decline his offer, I meant is Mr. Wrights, being pushy.
"Ah, huwag na po sir nakakahiya po sa inyo." Umiling ako at pilit na tumatanggi, nakakahiya.
"No, I insist Miss Ferera. Should I call you now Alcianna, because we are out of the Company already.."
"Ah, sige po sir. If you insisted sasabay nalang ako sayo.."
"Ok then, let's go to the parking lot," Kaswal na sabi ni sir at naglakad kaya't sumonod nalang din ako.
Pagdating namin sa Parking lot ay agad na pinasakay ako ni sir sa kotse niya at nagdrive na siya. The Ride was very quite at nafefeel ko ang awkwardness, at wakas ay huminto narin kami sa bahay ko. Bumaba na ako ng sasakyan at nagpasalamat kay boss sa paghatid sa akin.
"Salamat po Sir sa paghatid.."
"Drop the formality, Alcianna nasa labas na tayo ng Company, just call me Mavion"
"Ah si-sige po Si- Mavion salamat sa paghatid sa akin," I thanked him awkwardly.
"Ok then, I'll be waiting for you to go inside your gate before I will leave Alcianna."
At hinintay talaga niya akong makapasok sa gate ng bahay ko bago siya umalis. Napakagentle man rin naman pala ni sir kahit na masungit at cold siya sa Trabaho. At hindi ko rin maiwasan na isipin kong bakit ang lakas ng tibok ng puso ko kapag tatawagin niya ako ng Alcianna, para bang nagwawala ang puso ko.
Nagmadali akong pumasok sa bahay ko at Nilock ang pinto, mabilis na pumunta sa kwarto ko para makapagbihis at makatulog na.Natapos akong magbihis at humiga na ako sa aking kama hanggang sa bumigat na ang talukap ng aking mata at nilamon na ako ng kadiliman.
---
Yumeched11
![](https://img.wattpad.com/cover/269132054-288-k651665.jpg)
BINABASA MO ANG
ART OF TEMPTATION SERIES:SECRET AFFECTION COMPLETED✔️
RomantizmSecret Affection (Art of Temptation Series) Story of Alcianna Ferera And Mavion Wrights. COMPLETED YET UNEDITED