Chapter 28

105 2 1
                                    

NATHAN's POV

Pagpasok ko sa kwarto kung nasaan si Eunice ay nadatnan ko si Tita Sab at Tito Ivan na nag-uusap.

"Nathan! Ang bilis mo naman.. Nagpahinga ka ba?" Tanong ni Tito. Kagagaling ko lang kasi dito kanina, kumain lang ako at naligo tapos bumalik agad ako dito. Gusto ko kasing bumawi kay Eunice.

"Okay lang po Tito. May dala nga po pala akong pagkain kumain po muna kayo." Nilapag ko sa mesa yong mga dala ko. Napadaan ako sa restaurant kanina bumili na rin ako ng prutas.
Napatingin ako kay Eunice na hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising. Dalawang araw na siyang nandito sa hospital, sabi ng doctor okay naman na daw siya at kailangan nalang namin antayin kung kelan siya gigising. Mabuti nalang at nailigtas sila ng kaibigan niya ng mas maaga kung hindi baka tinupok na silang dalawa ng apoy. Kung hindi namin sila nahanap malamang nawala na naman siya sa amin.

Naaawa ako sa itsura niya ngayon. May tahi ang ulo at kanang pisngi niya. Hindi pa namin alam kung sino ang dumukot at gumawa nito sa kanila pero tumutulong sila Daddy sa mga police para matunton ang suspek hangga't hindi pa nagigising si Eunice. Maaari daw kasi na alam niya kung sino ang dumukot sa kanila, yong kaibigan naman niya ay walang ideya kung sino yong dumukot sa kanila saka nagpapagaling palang siya.. Mukhang na-trauma din ang isang yun.

"Good afternoon Tito, Tita, bro." Napatingin ako kay Ryan. May duty siya ngayon dito sa hospital kaya naman nakasuot siya ng lab gown.

Tumango lang ako sa kanya.

"Ry, Nathan.. Uuwi na muna kami ng tita Sab niyo okay lang ba na kayo munang magbantay kay Sam?"

"Wag po kayong mag-alala.. Kami na po munang bahala dito. Magpahinga po muna kayo."

"Salamat."

"Salamat Ry, Nathan." Saad ni tita.

"No worries tita.." Ryan.

"Ingat po kayo." Saad ko.

Pagkaalis nila Tito Ivan kaming dalawa nalang ni Ry ang naiwan.

"Sino nga ba namang mag-aakala na babalik pa sa'tin si Samantha? I really miss her. " Napangiti ako ng tipid. Hanggang ngayon hindi rin ako makapaniwala na buhay si Sam.

"Siya nga pala, kailan daw uuwi si Jake? Hindi man lang ba siya nag-aalala kay Sam?"

"Hindi ko alam." Sagot ko. Oo nga pala. May gusto nga pala si Jake kay Eunice. Siguro tuwang tuwa yun nang malaman niyang si Eunice pala si Sam. Gustong gusto niya kasing makilala si Sam noon pa kaso nga nawala na si Sam bago pa sila magkakilala.

"Sana gumising na siya. Ang dami kong gustong ikwento sa kanya at miss na miss ko na siyang kakulitan." Saad ni Ryan habang nakatingin kay Eunice.

"Sa tingin mo ba... Matatanggap agad ni Eunice ang totoo kapag sinabi natin sa kanya?"

Umupo si Ryan sa tabi ko at natahimik.

"Ang totoo hindi ko rin alam bro. Lalo na't wala pa siyang naaalala sa nakaraan niya. Pero sabi naman ni Tita Flora e-explain niya kay Eunice ang lahat diba? Sana lang matanggap niya agad tayo at kung sino ba talaga siya." Saad niya.

"May kailangan pa pala akong asikasuhing pasyente ikaw na munang bahala kay Sam bro." Tumango nalang ako at umalis na si Ryan.

Napahinga ako ng malalim at napatingin kay Eunice.

Tumayo ako at saka lumapit sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.

"Sorry Sam.. Sorry sa lahat ng sinabi ko sa'yo noon sa Hotel. Ang totoo masaya akong okay ka at nandito ka na ulit. Sana maalala mo pa ako." Hawak ko ang isa niyang kamay at inilgay ito sa pisngi ko.

The Promise of Yesterday [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon