Chapter 24

81 4 1
                                    

A/N: Sorry po dahil ngayon lang ako ulit nakapag-ud pero Maraming salamat pa rin po sa mga naghihintay ng ud ko at sana wag po kayong magsawa. Take care and God bless everyone ❤️

CHAPTER 24.

EUNICE'S POV

Naglalakad ako palabas ng hotel nang saktong makasalubong ko si Leila.

"Eunice.. Pwede ba kitang makausap saglit?" Saad niya. Parang ang lungkot lungkot ng mga mata niya.

"Anong sasabihin mo sa'kin Leila? Saka bakit dito pa tayo pumunta?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Pwede naman kasi niya akong kausapin doon sa hotel pero dito pa kami pumunta sa malapit sa dagat.

Lumapit siya sa'kin at nagulat ako nang hawakan niya ang dalawang kamay ko.

"Eunice.. Sorry.."

"Leila bakit ka nag-so-sorry?"

"Sana mapatawad mo ako Eunice. Hindi ko sinasadya."

"Ano bang problema? Hindi kita maintindihan. Anong? Wala ka namang kasalanan sa'kin ah?"

"Yong kwinta-"

" Leila pinapatawag ka ni Madame. Gusto ka daw makausap." Biglang dumating si Kate para sabihing pinapatawag daw si Leila ni Madame.
Sumama naman si Leila kay Kate kaya naman naiwan na akong mag-isa.

Ano ba yong gustong sabihin ni Leila sa'kin? Kwinta- Kwintas? Hindi kaya alam niya kung nasaan ang kwintas ko? Kung about sa kwintas ang gusto niyang sabihin kanina malamang iyon ay ang kwintas ko.

Nabuhayan ako ng loob dahil sa sinabi ni Leila. Akala ko hindi ko na mahahanap ang kwintas ko eh. Mukhang may pag-asa pa na makita ko ito.

LEILA'S POV

"Bakit daw ako pinapatawag ni Madame?" Tanong ko kay Kate.

"Hindi ko rin alam eh. Wala ka naman bang kasalanan?" Kasalanan? Bigla akong na-guilty dahil sa ginawa ko. Naiwala ko yong kwintas ni Eunice. Ngayon nagsisisi na ako sana binalik ko nalang sa kanya. Pero kay Eunice ako may kasalanan at hindi kay madame o sa hotel.

"Leila. Ba't natahimik ka?"

"May naalala lang ako. Wala akong kasalanan kay madame kaya wala akong ideya kung bakit niya ako pinapatawag."

Pero bakit nga ako pinapatawag ng amo namin?

Hayss.. Bahala na.

EUNICE'S POV

"Yuri sigurado ka ba talagang di ka sasama?"

"Oo nga. Tinatamad akong lumabas eh."

"Puro ka talaga katamaran. Sige na nga aalis na ako."

"Ingat ka Bessy huh? Kamusta mo nalang ako kay Xander."

Magkikita sana kaming tatlo ngayon sa bayan kasama si Xander pero si Yuri mang i-indian bigla nalang daw siyang tinamad lumabas. Oo nandito si Xander ngayon sa Bohol. Ewan ko nga sa mokong na yun at nagpunta pa dito eh ang layo layo. Ang sabi niya miss niya na daw kami tapos si Yuri naman ayaw sumama edi kaming dalawa lang tuloy ni Xander ang gagala.

Wait..

Kaming dalawa lang ang magkasama?

Tss. Nakakainis talaga ang Yuri na yun.

XANDER'S POV

Napapangiti ako habang mag-isang inaantay si Eunice dito sa mall. Alam niyo naman na may gusto ako sa kanya matagal na kaya naman espesyal para sa'kin ang araw na 'to. Mabuti nalang talaga at na-uto ko si Yuri na wag ng sumama nang hindi siya nakakahalata na gusto kong kami lang ni Eunice ang lumabas. Anong ginawa ko? Sinabi ko na bumili ako ng tatlong ticket dahil manonood kami ng horror movies sa sinehan kaya naman ang pinsan kong matatakutin umatras agad at ayaw ng sumama. Siyempre gawa gawa ko lang yun. Hindi naman mahilig si Eunice sa horror eh, baka mapatay niya pa ako pag dinala ko siya doon.

The Promise of Yesterday [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon