Chapter 20

70 5 0
                                    

A/N:

Happy Valentine's readers! ♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️

At dahil Valentine's ngayon mag-u-update ako hindi lang isa, hindi dalawa kundi TATLO! TATLO PARA I LOVE YOU LOL! Anyways, I wish na sana masaya ang Valentine's niyo ngayon hindi lang para sa mga may jowa pero sa lahat ng nagmamahal (lahat naman tayo may minamahal right? Ako lang ang hindi minamahalXD)

Okay, sana magustuhan niyo Po ang ud ko! Mahal ko kayo! Take care and always spread love not Virus XD.
😘😘😘

-

Eunice's POV

"Eunice pwede ba akong humingi ng pabor sa'yo? Pakibigay naman ito kay Madame sa opisina niya.."

"Sige po, ako na pong magbibigay kay Madame." Kinuha ko kay chef Mayra yong kape ni Madame at dumeretso na sa opisina nito. First time ko lang makapunta sa opisina ni Madame kaya na-e-excite akong makita ito.

Nakabukas ang pinto ng makarating ako dito pero kumatok pa rin ako nang tatlong beses. Akala ko madadatnan ko si Madame pero wala naman siya dito.

"Hinahanap mo ba si Madame?" Mabuti nalang may dumaan na janitor.

"Opo. Nasaan po siya?"

"Ang sabi niya pakihintay nalang daw siya sa opisina niya, bumaba lang siya saglit."

" Sige po, salamat." Pagkaalis ng janitor ay hindi na ako nagdalawang isip na pumasok sa opisina ni Madame at hindi ko maiwasang ilibot ang paningin ko.

Bakit kaya iniiwan ni Madame ang opisina niya ng nakabukas lang?

Hindi naman sa sinasabi ko o iniisip ko na may magnanakaw rito ang sa'kin lang mukhang malaki ang tiwala ni Madame sa mga empleyado niya para iwan nang nakabukas ang opisina niya.

Ipinatong ko sa mesa yong isang tasa ng kape at muling iginala ang paningin ko nang hindi sinasadyang dumapo ang tingin ko sa isang picture frame.

Napanganga ako sa nakikita ko ngayon.

Si Tito Ivan at si Madame?

"Oh Ms. Guizon, nandito ka na pala.." Napalingon agad ako at nakita ko si Madame na nakangiti sa'kin. As usual napakaganda nito sa ayos at suot niya. Napaka-elegante niya talagang tingnan. Bigla akong nahiya nang lumapit ito.

"Are you okay? Maupo ka muna."

"Ah, hindi na po.. Dinala ko lang po yong kape niyo madame." Saad ko.

"Okay, thank you hija.."

"Walang anuman po Madame." Paalis na sana ako kaso hindi ko talaga mapigilang magtanong.

"Ah Madame." Muling napatingin Ito sa'kin. Hayss. Bahala na. Nacu-curious lang talaga ako.

"May problema ba?"

"K-Ka-Ka-ano-ano niyo po si Tito Ivan?" Nauutal utal na tanong ko. Pero mukhang mali ang ginawa ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit gulat na gulat si Madame sa tanong ko. Napatingin siya sa picture frame at Tumingin sa'kin.

"How did you know him?" Uh-

"Uhm.. Nakilala ko po siya sa Manila noon.. Actually po hinahanap niya po kayo noong isang araw at nagtatanong po siya sa'kin tungkol sa inyo." Bigla nalang natulala si Madame at lumapit sa'kin.

"Do you know where he is now? I need to talk to him.. May sinabi ba siya sa'yo?" Napahinto ako nang hawakan ni Madame ang mga kamay ko na parang nagmamakaawa. Hindi ko alam kung bakit ako nalulungkot sa pinapakita niyang emosyon. Para siyang nagmamakaawa sa'king sabihin Kung nasaan si Tito Ivan, Parang gustong gusto niyang makita si Tito Ivan.

The Promise of Yesterday [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon