Chapter 18

74 5 2
                                    

A/N:

Hello! After how many years nakapag-update din ako dito..

Super thanks sa mga followers and readers ko!

Today is the official COMEBACK of TPOY! (Sana magtuloy tuloy na ang udXD) HAPPY READING!!

-

Eunice's POV

Naglalakad lakad lang ako sa tabing dagat ngayon dahil wala pa namang gawain sa hotel. Pinagpahinga muna kami para naman kahit papaano ay ma-enjoy din daw namin ang pananatili dito. Si Yuri ay may kinuha sa apartment namin kaya naman naiwan akong mag-isa.

Ang ganda ng lugar na 'to. Sana nandito rin si Nanay at nakikita niya ang magandang beach at mga tanawin dito. Namimiss ko na si Nanay.

Gagawin ko ang lahat.. Magsisikap ako para matulungan ko ang mga magulang ko at gusto kong maiahon sila sa hirap. Wala akong ibang gustong makamit kundi ang guminhawa ang buhay namin lalo na si Nanay. Sobrang dami na niyang sakripisyo para sa'kin kaya naman gusto kong makabawi.

Napabuntong hininga ako at napaangat ang tingin sa paligid nang makita ko si Sir Ryan, naglalakad din ito mag-isa habang nakapamulsa at mukhang may malalim ding iniisip tulad ko.

Hindi ko alam kung kakausapin ko ba siya dahil nakakahiya pero natagpuan ko nalang ang sarili ko na kinakausap siya.

"Okay lang po ba kayo sir?" Mukhang nagulat ito nang makita ako pero sa huli ay ngumiti ito ng malawak.

"Oh Eunice. Bakit mag-isa ka lang? Nasaan na yong kaibigan mo?"

"Nasa apartment po siya." Sagot ko.

"Ganon ba.. Sige ah baka hinahanap na ako." Tumango nalang ako at sinundan siya ng tingin.

Ano naman kaya ang problema ng taong yun? Parang kanina lang sobrang energetic niya eh?

Naglakad lakad nalang ulit ako hanggang sa hindi ko na maantay si Yuri na bumalik. Pupuntahan ko nalang siya.

Yuri's POV

Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman 'to.

Umupo ako sa sahig at sumandal sa kama.

Nagseselos ba ako sa best friend ko? Pero wala naman siyang gusto kay Ryan ah, si Ryan ang lumalapit sa kanya. Nakakainis talaga ang lalaking yun, lagi nalang niyang pinapasama ang loob ko. Bakit ko ba siya nagustuhan?

Nang makita ko sila kanina na nag-u-usap nagselos ako. Para kasing close na close na silang dalawa kahit pa kakilala lang nila. Saka halatang masaya si Ryan kapag kausap niya si Eunice. May gusto nga kaya siya sa best friend ko?

Ewan.

"Bakit ba lahat ng tao mukhang problemado ngayon? Hoy Yuri! Anong iniisip mo Jan?" Nagulat ako nang biglang pumasok si Bessy at tumabi sa'kin saka ako inakbayan.

"Problema mo? Share mo naman.." Pang-aasar niya pa.

"Tss. Iniisip ko lang kung kailan ba ako yayaman!"

"Talaga? Akalain mong pareho pala tayo ng iniisip? Magkaibigan nga tayo." Saad niya, piningot ko siya sa tenga kaya naman napahiyaw siya.

"Grabe ka Yuri! Halika nga dito uy!" Tumakbo na agad ako palabas at ang loka hinabol din ako.

Eunice's POV

Napahinto ako sa pagtakbo nang maagaw ng isang pamilyar na mukha ang atensyon ko.

Saan ko na nga ulit siya nakita? Pamilyar siya sa'kin.

Naglalakad ito nang mag-isa. Nakasuot siya ng pantalon at checkered polo, at naka-shades din pero napaka-pamilyar talaga ng kaniyang mukha. Kung hindi ako nagkakamali ay nakita ko na siya dati.

Tama. Siya nga yun!

Hahabolin ko na sana yong lalaki para kausapin nang bigla nalang may umepal na asungot.

"Sa pagkakaalam ko daanan 'to at hindi tambayan." Tinaasan ko siya ng kilay pero tumabi ako sa gilid. Nakakahiya naman sa lalaking ipinaglihi sa kayabangan. Akala mo kung sino porket may kaya sa buhay, napaka-bully. Saka dapat nga mabait siya sa'kin eh dahil binalik ko yong gamit Niya kaso wala eh.. Napaka-walang modo.

Hindi ko siya pinansin at hinayaan siyang maglakad paalis. Binalik ko ang tingin don sa lalaking tinitingnan ko kanina kaso ay hindi ko na siya makita. Sayang, mukhang nakaalis na siya. Gusto ko sanang kamustahin si Sean.. Pero ano kayang ginagawa non dito? Sa tingin ko taga-Maynila naman siya, baka nagbabakasyon. So ibig sabihin posibleng kasama nga niya si Sean.. Napaka-cute ng batang yun at magaan ang loob ko sa kaniya pati na sa papa niya.

"Bessy saan ka ba nagpunta? Kanina pa kita hinahanap."

"Hehe wala halika na." Saad ko kay Yuri habang hindi ko inaalis ang paningin ko sa papa ni Sean. Akala ko umalis na siya pero nandito pa pala siya. Ano kayang ginagawa niya dito?

"Ahh Yuri.. May pupuntahan lang ako saglit, mauna ka na sa restaurant." Saad ko.

"Huh? Teka saan ka na naman pupunta? Samahan nalang kita." Umiling ako.

"Wag na, mauna ka nalang doon susunod din ako agad.." Pangungumbinsi ko sa kanya.

"Okay fine. Sumunod ka agad ah?" Nag thumbs up naman ako ganon din siya. Inantay ko muna siyang makalayo saka ako naglakad palapit sa papa ni Sean. Hindi ko kasi ang alam ang pangalan niya.

"*Ehem*" Pagpepeke ko nang ubo kaya naman napatingin siya sa'kin. Mukhang minumukhaan ako nito base sa pagtingin niya.

"Did I know you? Nagkita na ba tayo dati?"

"Ah eh opo.. Kayo po yong daddy ni Sean diba? Ako nga po pala si Eunice.." Magalang na sagot at pagpapakilala ko.

"Eunice? Ikaw yong tumulong kay Sean noong nawawala siya sa mall?" Ngumiti naman ako nang maalala niya ako.

"Ako nga po.. Kamusta na po si Sean? Hindi niyo po ba siya kasama?"

"Ayos lang naman siya, naiwan siya sa bahay eh. Salamat nga pala ulit sa pagtulong mo sa anak ko."

"Naku wala ho yun.. Ah eh.. Dito po ba kayo sa Bohol nakatira?"

Bigla siyang natahimik at ngumiti pero hindi naman niya sinagot ang tanong ko. Ang chismosa ko talaga nakakahiya tuloy.

"Nagtatrabaho ka dito?" Tanong niya habang nakatingin sa name plate na nasa uniform ko.

"Opo."

"Ibig sabihin kilala mo ang may-ari ng hotel? Nandito ba siya ngayon?"

"Si Madame Sabrina po?"

"Oo."

"Wala po siya dito ngayon eh, magkakilala po kayo ni Madame?"

"Hindi naman gaano.." Saad nito at Tumingin sa malayo. Kaano-ano kaya niya si Madame? Bakit feeling ko close silang dalawa?

"Siya nga pala Eunice kailangan ko nang umalis.. Teka, hindi pa nga pala ako nakapagpakilala sa'yo noon.. My name is Ivan, don't worry sasabihin ko kay Sean na nandito ka siguradong matutuwa yun."

"Nice to meet you po Sir Ivan."

"Tito nalang hija.. Sige huh?"

"Sige po.. Ingat po kayo."

Napangiti ako hangga't mawala siya sa paningin ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Parang ang saya saya ko nang makita ko ulit si Tito Ivan at hindi ko maipaliwanag ang pagiging magaan ng loob ko sa kanya. Para bang.. Kilala ko na siya noon.. Posible kaya yun?

Sa totoo lang hindi lang kay Tito Ivan magaan ang loob ko kundi kay Madame rin at sa buong lugar na 'to. Kahit na bago lang ako dito at hindi pa ako nakakapunta dito noon parang napaka-pamilyar ang buong lugar sa'kin.

Siguro ganon talaga ang pakiramdam kapag gusto mo talaga ang isang tao o ang isang lugar. Magaan sa pakiramdam kahit pa malayo ka sa sarili mong pamilya.

The Promise of Yesterday [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon