Chapter 30

148 4 2
                                    

Bata palang ako noon marami nang nagsasabi sa'kin na hindi ako totoong anak ng mga kinikilala kong magulang. Mapa sa lugar man namin yan o sa eskwelahan laging sinasabi sa'kin na ampon lang daw ako. Hindi naman sa pagmamayabang pero malaki at marami talaga akong pagkakaiba sa itsura ng mga magulang ko. Natural kasi na maputi ang kutis ko kahit na maghapon pa akong nakabilad sa araw hindi katulad sa mga magulang ko na parehong kayumanggi ang balat. At higit sa lahat wala ni isa sa kanila ang kamukha ko. Wala akong nakikitang palatandaan na anak nga nila ako pero hindi yun kaso sa'kin at hindi yun dahilan para isipin ko na ampon lang ako.

Kaso tama pala sila.. Tama pala ang nakikita ng iba.

Hindi ko talaga kailanman inisip na ampon lang ako. Para sa'kin kasi si Nanay at Tatay lang ang magulang ko kahit anong mangyare. Saka wala naman akong natatandaan sa nakaraan. Yun ang akala ko noon, yun pala ay mayroon akong amnesia.  Kahit anong gawin ko hindi ko na maaalala ang nakaraan. Kahit gusto kong maalala ang lahat noong hindi pa ako nawala, noong kasama ko pa ang totoong magulang ko malabo ng mangyare yun sabi ng doctor.  Gusto ko ring maalala lahat ng alaala ko noong bata pa ako bago ako mapadpad kila Nanay at Tatay pero siguro kailangan ko ng tanggapin na ito talaga ang kapalaran ko. Kailangan ko pa ring umusad mula sa nakaraan. Kailangan kong maging masaya dahil kasama ko na ang totoo kong mga magulang.

"Ate kanina ka pa po nila hinahanap tara na sa baba!" Hindi na ako nakasagot nang hilain ako ni Sean sa kamay.

"Saglit lang Sean.. Bakit ba excited na excited ka?"

Pagbaba namin ay sumalubong sa'kin ang mga nakangiting mukha ng lahat.

"Welcome back Samantha!!!"

Unti unti akong napangiti sa nasasaksihan ko ngayon. Nandito ang lahat at nasorpresa talaga ako. Nakita ko naman si Mama at Papa na parehong may malawak na ngiti. Isa isang lumapit sa'kin ang mga kaibigan ko, pinsan, at mga Tito at Tita ko na kaibigan nila Mama.

"Welcome home again Sam! I miss you."

"Namiss din kita. Ano na napasagot mo na ba siya?" Pagbibiro ko sa pinsan kong si Ryan. Hindi ko aakalaing pinsan ko pala ang mokong na 'to. Kung alam ko lang inupakan ko na sana siya pagkakita palang namin dahil sinasaktan niya ang best friend ko. Bigla siyang sumenyas na tumahimik ako kaya mas lalo akong natawa.

"Anong napasagot? Sino? May nililigawan ka na ba Ryan?" Oops! Narinig pala ni Tito Renz. Napatingin tuloy silang lahat sa'min. Mukhang gigisain nila itong si Ryan kapag di siya magaling sumagot at gumawa ng palusot.

"Op— Mmmp!" Sasagot na sana ako nang takpan niya ang bunganga ko ng kamay niya at pinandilatan ako.

"Baka gusto mong malaman nila na binasted mo si ano?" Bulong nya sa'kin, agad kong winaksi ang kamay niyang nakatakip sa bunganga ko at bago niya pa balaking ipagkalat ang bagay na yun ay tinakpan ko na ang bibig niyang ubod ng daldal.

"Subukan mo lang talaga lagot ka sa'kin!" Pagbabanta ko.

"Siya nga pala Gwen nasan si Nathan?" Tanong ni Papa. Pansin kong napatingin sa'kin si Ryan nang mapang-asar. Hindi na ako nakatiis at inirapan ko siya. Napaka kulit talaga ng isang 'to siguro ganyan din si Tito Renz noon hayss kawawa ang bestfriend ko kapag naging sila na ng mokong na 'to.

"Niyayaya ko nga siyang sumama eh pero busy daw siya." Sagot ni tita Gwen.

"Napakasipag talaga niyang si Nathan. Bilib na bilib ako, mabuti nalang at hindi nagmana kay Ethan." See? Parehong pareho nga si Ryan sa Papa niya parehong mapang-asar.

"Hoy anong! Masipag din ako nong kabataan ko no!" Reklamo ni Tito Ethan.

"Ou nga naman.. Masipag talaga itong si Ethan noon uugod ugod na kasi ngayon." Pati ako ay natawa rin sa sinabi ni tita Gwen. Napag tripan tuloy si Tito Ethan.

The Promise of Yesterday [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon