Chapter 26

85 0 2
                                    

RYAN's POV

Magkakaharap kaming lahat habang pinag-uusapan ang litrato at message na pinadala kay Yuri. Si Yuri ay nasa tabi ko at katulad namin sobrang nag-aalala siya kay Eunice at sa pinsan niya.

Kasalanan 'to ng Xander na yun eh. Kung saan saan niya dinadala si Eunice.

"Halatang edited ang litratong pinadala nila pero siguradong nasa panganib si Eunice at ang kaibigan niya." Saad ni Tito Ethan.

"Please tulungan niyo po ang mga kaibigan ko.. Natatakot po ako sa maaaring mangyare sa kanila."

"Wag kang mag-alala hija. Hahanapin natin sila. Pero.. May kakilala ka ba na maaaring may galit kay Eunice o sa kaibigan niyo?"

"Wala po."

Sino nga kaya ang kumuha sa kanila? Kapag may nangyareng masama kay Eunice humanda sila.

"Guys ready na ang sasakyan! Tara na!" Sigaw ni Daddy kaya naman kanya kanya na kaming punta sa sasakyan naming helicopter papuntang Manila. Hahanapin namin si Eunice at Xander kasama rin namin si Yuri.

"Sana okay lang si Eunice hon.. Sana okay lang sila." Malungkot na saad ni Tita Sab kay Tito Ivan na nasa tabi niya.

Ramdam ko ang pag-aalala nila Tita Sab at Tito Ivan. Sa aming lahat alam kong sila ang mas nag-aalala dahil malakas ang kutob nila na si Eunice nga si Samantha. Sana nga okay lang si Eunice, sana walang nangyareng masama sa kanila ni Xander. Kahit naman inis ako sa taong yun ayoko pa rin siyang mapahamak ng walang kalaban laban lalo na't kasama niya pa ang pinsan ko.

Napatingin ako kay Nathan. Ano kayang iniisip niya? Naniniwala din kaya siya na si Eunice at Sam ay iisa? Pero mukhang hindi naman siya masyadong nag-aalala kay Eunice.

Sa tingin ko mainit pa rin ang dugo niya kay Eunice.

NATHAN's POV

"Tita!" Tumakbo agad si Yuri pagdating namin sa tapat ng maliit at tagpi tagping bahay. Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa para kay Eunice. Hindi ko alam na sa ganitong lugar pala siya lumaki.

"Yuri? Anong ginagawa mo dito? Sino sila? Nasaan si Eunice?" Tanong ng Nanay ni Eunice. Nagkatinginan kaming lahat. Ibig sabihin wala siyang kaalam-alam na nawawala ang anak niya.

"Tita.."

"Yuri, may problema ba? Bakit di mo kasama si Eunice? Kumusta siya?"

"Tita si Eunice po.."

"Bakit? Anong problema?"

"Nawawala po si Eunice at Xander." Bigla nalang nahimatay ang Nanay ni Eunice buti nalang nasalo agad ni Ryan at Yuri. Tumulong ako sa pagbuhat sa Nanay ni Eunice dahil nawalan Ito ng malay. Dinala namin siya sa loob ng bahay habang sila tita Sab naman ay nakasunod sa'min.

Kumuha agad si Yuri ng pwedeng pamaypay at pinaypayan ang Nanay ni Eunice. Napatingin ako kay tita Sab na halatang nag-aalala pati na sina Tito Ivan.

Malaki ang posibilidad na si Eunice nga si Sam pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako masyadong apektado sa katotohanang iyon. Si Sam na kababata ko, bestfriend ko, kaisa-isang babaeng nagustuhan ko at ang babaeng pinangakuan kong mamahalin ko habang buhay. Pwede bang magbago ang nararamdaman mo sa isang taong naging buhay mo na?

"Okay lang ba siya?" Natigil ako sa malalim na pag-iisip nang magsalita si tita Sab.

"Nabigla lang po siguro siya. Hintayin nalang po natin na magkamalay si tita Flora." Saad ni Yuri.

Lumayo muna ako sa kanila at inilibot ang paningin ko sa bahay na kinaroroonan namin.

Lumapit ako sa isang kahoy na kabinet at napansin ko ang isang maliit na picture frame. Kinuha ko ito at nilapit sa mukha ko.

Napangiti ako at saka pinunasan ito.

"Sam.." Bulong ko habang nakatitig sa litrato ng batang nasa picture. May kasama siyang batang lalaki at babae at pare-pareho silang may malawak na ngiti. Hindi ko sila kilala pero sigurado akong malapit siya sa mga ito.

"Ano yan?" Nagtatakang tanong ni Ryan sa'kin at kinuha ang litratong hawak ko. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. Tumingin siya sa'kin at napangiti.

"Buhay si Sam, Nathan. Buhay ang pinsan ko." Halos maiyak iyak niyang saad na ikinatango ko.

Sinundan ko ng tingin si Ryan nang ipakita niya ang litrato kila tita Sab.

Hindi ko man sila masyadong marinig halatang naging emosyonal silang lahat lalong lalo na si Tita Sab at Tito Ivan.

Masaya akong buhay siya. Sana maalala niya pa kami, kung sino kami sa buhay niya. Pero sa ngayon kailangan muna namin silang hanapin at iligtas sa kapahamakan.


YURI's POV

"Siya ba si Eunice?" Nagtataka man ay tumango pa rin ako kay Madame na umiiyak. Hindi ko alam kung bakit siya umiiyak at kung bakit kakaiba ang mga reaksyon nila sa picture namin nila Eunice at Xander noong bata kami. Wala akong maintindihan sa totoo lang, idagdag pa natin ang labis na pag-aalala nilang lahat sa nga kaibigan ko maging ang mga kaibigan ni madame. Ano ba talagang meron? Nahihiya naman akong magtanong. Kahit si Ryan ay nakapagtataka rin. Pero masaya ako kasi nandito sila para tumulong. Paano nalang kung wala sila? Paano ko mahahanap ang mga kaibigan ko?

"Kaming tatlo po nila Eunice at Xander ang nandyan sa picture. Magkababata po kaming tatlo at para na kaming magkakapatid kaya kilalang kilala na po namin ang isa't isa. Wala po akong alam na taong may galit sa amin kaya hindi ko po alam kung bakit at kung sinong dumukot kila Eunice." Naiiyak na saad ko.

Nagulat nalang ako nang yakapin ako ni Madame.

"Wag kang mag-alala.. Ililigtas natin sila. Hindi ko hahayaang may mangyareng masama sa kanila." Sabi ni Madame.

"Bakit po ba ganito nalang kayong mag-alala para sa mga kaibigan ko madame?" Tanong ko na siyang ikinangiti niya.

"Dahil-"

"Yuri. Anong nangyare?"

"Tita?" Inalalayan ko si tita Flora na umupo ng maayos. Buti nagkaroon na siya ng malay.

"Okay na po ba kayo?" Tanong ko.

"Paanong nawawala sila Eunice? Kailan pa?" Nag-aalalang tanong nito.

"May dumukot po sa kanila. Kahapon pa po hindi bumabalik si Eunice sa Casa." Nawalan ng lakas si tita Flora sa narinig niya.

"Sino naman ang dudukot sa kanila? Hindi naman anak mayaman ang mga yun kaya bakit sila dudukutin? Anong gagawin natin?"

"Ah, may mga kilala po ba kayo if ever na may galit po sa inyo?" Tanong ni Tito Ethan.

"May galit? Kung sa aming mag-asawa malamang marami pero sa tingin ko hindi naman nila magagawang idamay ang anak ko. Napakabuting bata ni Eunice kaya naman kahit mga kaaway ko eh itinatrato siya ng maayos. Hindi ko alam kung bakit si Eunice ang kinuha nila kung pwede namang ako nalang." Tama si Tita, ibig sabihin maaaring si Eunice o Xander nga talaga ang totoong pakay nila kaya sila kinuhang dalawa. Magkasama silang dalawa nang oras na yun kaya nadamay lang ang isa. Kung si Eunice.. Wala akong kilalang may atraso siya sa kahit na sino. Si Xander.. Hindi kaya siya ang totoong pakay ng mga kumidnapped sa kanila?

"Teka. Sino ba sila Yuri?"

"Siya po si Madame ang may-ari ng hotel na pinagta-trabahuan namin ni Eunice at sila po ang mga kaibigan niya." Sagot ko.

"Wag po kayong mag-alala. Tutulungan namin kayo sa paghahanap kay Eunice at Xander." Nakangiting wika ni Madame.

Hindi ko maiwasang magtaka dahil hanggang ngayon hawak hawak pa rin ni madame yong picture frame.

Nandito ba talaga sila bilang amo namin o may iba pang dahilan?

The Promise of Yesterday [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon