Chapter 40

49 2 0
                                    

Sam's POV

Sumakay kami ni Nathan sa ferris wheel.

"We're here. Ano ba yong gusto mong isigaw?" Tanong niya at umupo sa tabi ko.

"Mamaya na kapag nasa tuktok na tayo. Oh anong nakakatawa?"

"Ang weird mo kasi."

"Anong weird. Bahala ka dyan."

"Tss. Okay fine. Ituloy mo nalang muna yong sasabihin mo sana kanina.".

"Alin? May sinasabi ba ako kanina?" Maang-maangan ko. Alam ko naman kung ano yong tinutukoy niya. Dumating si Lolo eh hindi tuloy natuloy. Hindi ko pinansin si Nathan at pumikit nalang ako habang umaandar ang ferris wheel.

"Sam... Yong sinabi ko kanina.." Hindi ako umimik. Nakapikit pa rin ako pero nakikinig ako sa kanya.

Narinig kong huminga ng malalim si Nathan at saka muling nagsalita.

"Natatandaan mo ba noong mga bata pa tayo kasama natin si Ryan?" Hindi ko siya pinansin. "Pinangako ko sa'yo na ikaw lang ang babaeng mamahalin at pakakasalan ko, pinangako mo rin sa'kin noon na ako lang ang magiging groom mo. Bata palang ako non pero alam kong malapit ka na sa puso ko Sam. Kaya noong mawala ka at sabihin nilang patay ka na.. Sobra sobra akong nasaktan. Iyak ako ng iyak noon. Laging nagkukulong sa kwarto. Ayaw pumasok sa school. Hindi na rin kami nagkikita ni Ryan dahil tulad ko nagkukulong rin daw siya sa bahay nila. Sa isip isip ko non.. Hindi na matutupad ang mga pangako natin sa isa't isa. Nawalan ako ng kaibigan at kakampi. Lumaki ako na hindi ka nawala sa isip ko. Itinatak ko sa puso't isip ko na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko at babaeng pakakasalan ko balang araw. Kahit na maraming nagkakagusto sa'kin dati sa school ay wala akong pinapansin sa kanila. Araw araw umaasa akong babalik ka. Umaasa ako na magkikita tayo ulit. Hanggang sa naka-graduate na ako sa kolehiyo at nag-trabaho... Laging sinasabi sa'kin ni Mommy noon na maghanap na raw ako ng girlfriend o kung kailan ko daw ba ipapakilala ang girlfriend ko. Alam ni Mommy na ikaw ang mahal ko at lagi niyang sinasabi dati na hindi ka na babalik dahil wala ka na, na wag na akong umasa na babalik ka pa.. Alam mo bang lagi akong naiinis kay Mommy sa tuwing iyon ang sinasabi niya? Lagi kong sinasabi na kahit patay ka na ay ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. Na tutuparin ko ang pangako ko sa'yo. Hahahaha! Korny man pero ipinangako ko na sa sarili ko noon na kung wala ka na talaga handa akong tumanda mag-isa at aantayin ko nalang ang kamatayan ko."


"Kaso isang araw sumulpot si Eunice sa buhay ko. Naiinis ako sa tuwing nakikita ko siya simula ng tawagin niya akong no manners. Naiinis ako dahil palagi siyang sumusulpot sa tabi ko. Naiinis ako dahil ikaw lagi ang topic ni Ryan at Jake kapag magkakasama kami. Naiinis ako dahil ang akala ko inaakit mo yong dalawang yun. Naiinis ako dahil ang sungit sungit mo sa'kin samantala sa dalawang yun ay ang bait bait mo. Ang akala ko nagpapapansin ka sa kanila. Basta sobra sobra talaga ang inis ko sa'yo noon makita palang kita sa malayo. I never thought na ikaw si Sam. Hindi ko talaga napansin ang mga similarities niyo. Siguro dahil mga bata pa tayo noong huli tayong magkita kaya marami ng nagbago. Until one day sinabi sa'kin ni Ryan na buhay si Sam. Hindi ako makapaniwala ng araw na yun. Hindi ko alam kung anong i-re-react ko. Mas lalo pa noong malaman ko na Ikaw ay si Sam. Hindi ako naniniwala noon Hanggang sa napatunayan kong iisa nga kayo. Yong inis ko sa'yo ay napalitan ng awa at pagka-sabik. Sobra sobra akong nag-alala nang ma-trap kayo ni Xander sa nasusunog na building. Noong dinala kayo sa hospital... Pinuntahan kita sa room mo.. Dumating si Xander at nakita ko kung paano siyang mag-alala sa'yo, nakita ko rin kung paano niya isinakripisyo ang buhay niya mailigtas ka lang.. Yong mga bagay na yun, na ako sana ang gumagawa pero ibang tao na. Doon ko na-realized na.. He cares for you because he loves you. Nalaman ko rin na gusto mo rin siya.. Naisip ko.. Wala na akong chance at choice kundi parayain ka sa kanya. Naisip kong buhay nga si Sam pero si Eunice na siya at hindi ang babaeng hinihintay kong makita ulit. Sinubukan kong magtapat sa'yo pero binusted mo lang ako hahahaha!"


The Promise of Yesterday [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon