Nathan's POV
Saturday..
Sabado na at ngayon na nga ang araw ng appointment ko- este! Birthday pala ni Ryan. Ang loko ginamit pa ko para daw mas sure na pupunta si tita Sab sa resort ngayon. Di pa kasi sinabi yong totoo, may pasurprise surprise pang nalalaman.
At siyempre, ang may pakana ng lahat Ay walang iba kundi sila Mommy, daddy, Tito Vander, Tito Renz, tita Agatha at tita Aleah. Sayang nga't di daw makakapunta si Tito Claud.
Tumingin ulit ako sa salamin at bumuntong-hininga.
After 13 years.. Makakabalik na ko ulit ng Bohol.
"Anak bilisan mo! Ikaw nalang inaantay, bumaba ka na diyan!" Sigaw ni Mommy sa labas ng kwarto. Teka! 9:00 a.m palang naman ah, ang usapan eh 9:30 a.m diba?? Masyado ata silang excited. Ako? Ewan!
Kinuha ko yong maleta sa ibabaw ng kama ko. Palabas na sana ako ng mapansin Kong may nakalimutan pala ako.
"Gotcha!" Saad ko saka binato ito pataas at sinalo, sinulyapan ko pa ito bago ilagay sa bulsa ng pantalon ko.
"Ang tagal mo talaga kuya Nat Nat!" Reklamo ni Gale pagbaba ko.
Nandito na pala silang lahat.
"Bro, what take you so long?" Jake.
"Wala! Sadyang excited lang kayo! Tch!" Saad ko at nauna ng naglakad palabas. Nga pala, isang sasakyan lang gamit namin. Van nina Tito Renz.
***
"Gising na po mga people!! We're here!! I'm so Excited!" Nagulat ako ng nagti-titili si Gale sa labas ng van.
"What's going on here?" Halatang ayaw pang umalis ni Ryan. Haha. Inaantok ang loko.
"Anong what's going on? What's going on here? Ang pinagsasabi mo? HELLO!? ANDITO NA PO TAYO OH! CASA DE RODRIGUEZ! NABABASA MO BA?! PANGET KA TALAGA! tsk. Makaalis na nga! I'm excited to swim!!" Pagtataray ni Gale at naglakad na palayo. Napansin Kong nasa tapat na nga kami ng hotel resort.
"May saltik talaga sa bungo yang pinsan mo Ryan." Natatawang pahayag ni Jake.
"Hayaan niyo, idederecho ko na talaga ang panget na yun sa mental pag-uwi natin." Napailing nalang ako sa kalokohan ng dalawa Kong kaibigan.
***
"Sige na kasi pumunta kana."
"Ayoko nga! Kinakabahan ako eh!"
"Ano ba yan bro. Lalaki ka ba? Pumasok kana bilis." Tinulak ako ni Ryan na naging sanhi ng pagbukas ng pinto ng office ni Madam- I mean tita Sabrina.
"Who are you! Hindi ka man lang ba marunong kumatok?" Nagulat ako ng sumigaw si tita ng nakataas kilay.
"What? Hindi ka ba magsasalita?" Masungit nyang sabi.
"Ah, sorry tita.. I didn't mean to do that-" she cut me off.
"What? You called me tita? Do I know you? Wait, you're familiar." Sabi niya na parang nag-iisip.
"Ahm.. Actually.. Ako po si--."
"Madam! Pasensya na po, siya nga po pala, siya po si Mr. Tolentino yong nag set po ng appointment with you." Napakamot nalang ako sa batok ko ng may pumasok na babae.
"Ahh. OK. I'm sorry for that Mr. Tolentino, nagulat lang ako. Che?" Si tita Sab. Di niya ba talaga ako nakikilala? Sabagay, 10 years old palang ako noong last na nagkita kami.
"Yes, Madam?" Sagot nong babae na Che daw ang pangalan.
"Please guide Mr. Tolentino at the resto, doon nalang kami mag-uusap. Tatapusin ko lang to."
"Yes Madam! Let's go sir." Tumingin sakin yong Babae kaya wala na Kong nagawa kundi sumunod sa kanya.
Wait! Ang bilis naman ata niyang maglakad.? Tumingin tingin ako sa paligid pero hindi ko makita yong babaeng tinawag ni tita Sab na Che.
Guide daw diba? GUIDE!! Peste! Asan na siya?!
Paglabas ko ng elevator Ay nakita ko siya. Sa wakas. Tsk. Bilis niyang maglakad kainis. Asan na kaya si Ryan? Yong unngoy na yun, iniwan ba naman ako.
Malapit ko ng maabutan yong 'Che' daw ng may nakabangga sakin.
"Sh*t!" Di ko mapigilang mapamura ng dahil sa inis! Kung kailan nagmamadali ang tao, saka pa may sisingit na asungot kainis.!
Hindi na ako nag-abalang tumingin sa babaeng nabangga ko at hinabol yong hinahabol Kong kabayo! Ang bilis eh.
Nakarating ako sa resto ng hotel and there, I saw her sitting at mukang hinahanap ako.
"Ako po bang hinahanap niyo?" Medyo nagulat pa siya dahil sa reaksyon niya.
"Oh Mr. Tolentino, I'm sorry. You may seat." Umupo nalang ako.
***
"So, what's the matter Mr. Tolentino? Wait! Tolentino??" Tanong niya na parang nag-iisip.
Hayyss! Anong gagawin ko? Bahala na nga.
"Ahm, actually po.. Hindi.." Nagsasalita pa ako ng pinutol niya ang sasabihin ko.
"How are you related to Ethan Tolentino? A well known business man.?" Ay naku tita, tatay ko po kaya yun.
"He's my fathe-" May sumingit na naman. Speaking of.
"Sabrina my friend! Omyggg!! Is that really you??" Saka nagtakbuhan sila mommy Kay tita Sab. Lumingon naman si tita na halatang gulat. Ang tatanda na nila pero kung umakto sila parang mga teen-ager pa rin.
"Guys, what are you doing here? Bakit hindi niyo sinabing darating kayo?" Masayang wika ni tita Sab.
"Gusto ka naming I-surprise eh." Tita Aleah.
"Birthday kasi ni Ryan remember?" Tito Renz.
"Oo nga no. Happy birthday Ry. Wait, nasaan si Nathan, Gwen? Bakit di niyo kasama?" Aissh. Nagkatinginan naman kaming lahat.
"Oo nga pala. Mr. Tolentino, I'm sorry. Ahm. Guys, can you please excuse me for a while, may appointment pa kasi ako eh. Okay lang ba?"
"No need to excuse CM, actually.. You don't have any appointment today." Napakunot noo naman si tita Sab sa sinabi ni Tito Vander.
"What do you mean?"
"Sab, don't you remember Nathan?"
"Ah, eh. Hi tita. It's me, Nathan." Awkward na pakilala ko kay tita Sab.
"Ikaw na si Nathan? Omygod!Kaya pala you're so familiar. Sorry nasigawan kita Kanina. Pero ano yong appointment thingy guys?"
At yun, inexplain nila Kay tita Sab lahat ng plinano nila.
BINABASA MO ANG
The Promise of Yesterday [COMPLETED]
Fiksi RemajaSamatha Park Rodriguez's story.. *** Are promises of yesterday's really worth to fulfill? Or maybe those promises can be easily forgotten? Genre: Teen-fiction Status: Complete Author: meteorpages DISCLAIMER: This story is written in Taglish