Chapter 7

189 7 0
                                    

Nathan's POV

"Sir, may naghahanap po sa inyo."

"Papasukin mo." Walang gana Kong sagot at tinuloy ang pagpirma ng mga papeles dito sa mesa ko.

"Hey Bro! Long time no see." Nagulat ako ng makita si Ryan. Ang Alam ko kasi nasa America ang isang to.

"Akala ko ba nasa America ka?" Tanong ko at tumigil sa pagpirma.

"Namiss ko ang Pinas. Tyaka I decided na dito nalang magtrabaho." Natawa naman ako sa sinabi niya at the same time masaya, dahil makakasama ko na naman ang best friend Kong bully.

"Naku! Baka lahat ng mga pasyente mo, mamatay ng maaga ng dahil sa kayabangan mo." Pang-aasar ko.

"Ang sabihin mo. Baka mamatay sila sa sobrang kagwapuhan ko." Sinasabi ko na nga ba.

"Nek-nek mo!"

"Haha. Tara, labas tayo." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Jusko Ryan! Kelan pa tumagilid yang gender mo? Pasensya na bro pero hindi ako pumapatol sa bakla."

"G*go! Ang ibig Kong sabihin, bar naman tayo. Masyado ka kasing nagpapaka-busy dito." Ah, yun naman pala.

"Pass muna. Marami pa Kong kelangang tapusin." Sabi ko at tinuro ang mga tambak tambak na papel na kailangan Kong pirmahan.

"Siya sige. Bukas nalang. Bawal tumanggi."

"Sige." Pagkatapos non Ay nagpaalam na siyang umuwi.

Kinabukasan Ay pumunta nga kami ni Ryan sa bar.

"Bro, may sasabihin nga pala ako sayo." Seryoso niyang sabi.

"Ano yun?"

"Nakita ko kasi si Tito Ivan sa America." Sabi niya.

"Diba nasa Korea siya? May kasama ba siya? Ano daw ginagawa niya doon?" Curious Kong tanong.

"Mag-isa lang siya nong nakita ko. Hindi ko siya nakausap dahil bigla nalang siyang nawala sa paningin ko. Nagtataka nga rin ako kung anong ginagawa niya sa America non eh."

"Baka naman business matters. Sinabi mo ba kina tita Agatha?" Tanong ko pero umiling lang siya.

"Mabuti naman, Baka makarating pa Kay Tita Sabrina at mas lalo siyang mag-alala." Sa totoo lang nakakaawa ang kalagayan ni Tita Sabrina dahil nangungulila pa rin siya Kay Samantha.

"Kamusta na kaya si Sam?" Biglang nalungkot si Ryan kaya nagsalita na ko.

"I know she's fine and happy now." Hindi ko namalayang may tumutulo na palang Luha sa mata ko. Naalala ko nanaman si Sam.

"I know. I just miss her, a lot." Pareho lang tayo Ryan. Nakita Kong nagpupunas siya ng luha saka uminom ulit.

'Kung nasaan ka man Samantha.. I just want to say, I love you. Hihintayin Kong pagtagpuin ulit tayo ng tadhana.. Wala akong pakialam kung sa kabilang buhay pa yan, basta ang Alam ko, darating din ang araw na magkikita at makakasama kitang muli. Ayokong magpakamatay dahil Alam Kong hindi ako sa langit mapupunta pag ginawa ko yun, kaya hihintayin ko nalang na dumating yong araw na kailangan na kitang sundan. At pangako..hinding hindi ako titingin sa iba.. Ikaw lang ang mamahalin ko.'

The Promise of Yesterday [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon