Epilogue

69 0 0
                                    

NATHAN'S POV

Akala ko noon ay hindi ko na ulit makakasama si Samantha. Nailayo siya sa'min ng napakahabang panahon. Pero heto kami ngayon, magkasama at masaya sa piling ng isa't isa.

Bumaba ako ng kotse at nag door bell sa gate ng bahay ng Lolo ni Sam. Inayos ko ang soot kong polo maging ang buhok. Siyempre, dapat maging presentable ako sa harapan ng babaeng mahal ko.. Baka magbago ang isip non at hindi ako sagutin. Pero imposible naman yun.

"Oh Nathan! Nandito ka na pala!" Magiliw na pagbati nang isa sa katulong nila.

"Magandang umaga po.. Si Sam po?"

"Nandito na ako! Masyado mo akong namimiss eh!" Lumabas sa gate ang babaeng nililigawan ko. Haha mas gusto ko siyang tawagin na nililigawan ko eh para mas dama natin ang panliligaw diba?

"Haynaku! Para akong bumabalik sa kabataan ko dahil sa inyong dalawa! Nakakakilig talaga kayo!" Natawa nalang kami pareho ni Sam dahil sa sinabi ni Manang. Halos lahat ng katulong nila dito ay kinikilig sa'min. Dalawang linggo palang na nanliligaw ako kay Sam pero kilalang kilala na ako ng mga katulong ng Lolo niya. Paano eh lagi ako dito sa bahay nila. Botong boto rin sa'kin ang Lolo niya at si Manang Adelle kaya naman napaka-swerte ko talaga. Napaka-swerte ko kay Sam.

"Mamimiss ka namin manang Flor.. Paano po yan... Kailangan na po naming umalis." Sam.

"Nakakalungkot naman at aalis na kayo pero ganon talaga.. Mag-iingat kayong dalawa. Wag niyong pababayaan ang isa't isa huh? O siya! Baka mahuli kayo sa flight niyo.

Pagkatapos naming makapag-paalam kay Manang Flor ay sumakay na kami sa kotse. Kotse ni Margaret 'to at nagpahatid lang ako sa driver nila, nagpahatid na rin kami ni Sam sa airport.

Babalik na kami ni Sam sa Pilipinas. It's been two weeks since we confessed our feelings for each other. Two weeks na rin akong nanliligaw sa kanya. At two weeks lang ang leave ni Sam sa trabaho niya kaya naman nag-decide akong bumalik na sa Pinas. Alangan namang magkalayo kami diba? Siyempre hindi pwede yun. Sasamahan ko nalang ulit si Daddy sa pagpapatakbo ng kompanya namin doon. Sa restobar naman namin ni Jake... Nag-usap na kaming dalawa na siya na muna ang bahalang mag-manage nito pero siyempre partners pa rin kami. Naiintindihan naman yun ni Jake kaya walang problema.

Sa totoo lang ay susunod rin siya sa Pinas kasama si Tito Claud, Margaret, Mori at Damian. Sa pagkakaalam ko ay nakauwi na rin sila tita Aleah, tito Vander at Gale sa Pinas. Oo lahat kami magsisi-uwian at magkikita kita. Birthday kasi ni tita Sabrina next week at inimbita niya ang lahat ng malalapit sa kanya. Ang Lolo naman ni Sam ay noong isang araw pa umalis kasama si Manang Adelle, sasabay sana kami ni Sam kaso gusto daw ni Sam sulitin yong 2 weeks leave niya dito sa Canada kaya nagpahuli nalang kami.

Magkatabi kami ni Sam sa eroplano. Siya sa tabi ng bintana at nasa gilid naman ako.

"Tumatawag si Yuri." Napatingin naman ako sa kanya. Pinindot niya ang answer call sa video call at bumungad sa'min ang mukha ni Yuri at Ryan.

"Hi Bes! Hi Nathan!" Si Yuri. Nginitian ko lang siya at kumaway.

"Hi bro! Couz!" Hindi ko pinansin si Ryan.

"Nasaan kayo?" Tanong naman ni Sam.

"Dito sa Casa. Nandito silang lahat pati ang Lolo mo." Yuri.

"Oo nga! Kayong dalawa nalang ang kulang dito at si Jake. Si Tito Claud rin pala haha!" Ryan.

"Pauwi na kami." Sam.

"Eh kumusta naman bes?! Kayo na ba? Kasalan na ba?" Natawa ako sa sinabi ni Yuri. Sinamaan naman ako ng tingin ni Sam.

The Promise of Yesterday [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon