Chapter 21

78 3 0
                                    

Eunice's POV

"Bess ano bang ginagawa mo? Kanina ka pa kalkal ng kalkal jan ah?" Sermon sa'kin ni Yuri habang sunod sunod kong inihahagis ang mga gamit ko sa sahig.

Napapunas ako sa pawis ko at hinarap siya.

"Yuri.. Yong kwintas ko."

"Kwintas? Yun ba yong may pendant na tatlong letra?"

"Yun nga.. Nakita mo ba? Hindi ko alam kung saan ko ba nailagay at ngayon lang ako nagkaroon ng oras para hanapin." Muli kong tiningnan lahat ng gamit ko dahil baka nailigpit lang sa mga damit o Kung saan pero wala talaga.

"Kailan mo ba kasi nawala?" Saad ni Yuri at nagsimula na ring maghanap sa bawat sulok ng kwarto.

Napakamot ako ng ulo ko.

"Ang totoo hindi ko alam kung kailan ba nawala. Napansin ko nalang noong nakaraan na hindi ko na suot ito."

"Seryoso Bessy? Kung hindi mo pala alam kung kailan mo nawala hindi lang dito natin pedeng hanapin. Paano kung hindi mo pala dito naiwala?"

"Yuri.. Patay ako kay Nanay kapag nawala yun, pinaghirapan ni Nanay mabili ang kwintas na yun eh. Hindi ko man alam kung gaano kamahal ang kwintas na yun pero sigurado ako mamahalin yun, saka isa pa sobrang halaga non sa'kin." Malungkot na wika ko.

"Sabi mo nga mamahalin yun, paano kung may nakapulot at inangkin na ito?" Tama si Yuri, sa panahon ngayon bihira nalang ang may magandang loob. Pero umaasa ako na dito ko lang sa apartment na-misplace ang kwintas ko. Sana mahanap ko pa yun.

"Halika na, mamaya hanapin natin." Sumunod na ako kay Yuri pagkatapos kong ibalik sa ayos lahat ng kinalat ko para bumalik sa hotel.

"Oh Leila! May kukunin ka ba?" Nginitian ko si Leila nang makasalubong namin siya sa may pinto.

"H-Huh? Ahm.. Oo."

"Una na kami sa labas." Saad namin ni Yuri at tumango lang naman siya.

"Bakit parang ang tamlay ni Leila ngayon?" Tanong ko kay Yuri pagkalabas namin. Nagkibit balikat lang naman siya kaya hindi na ako nagtanong pa.

Sabrina's POV

"Totoo ba yan Sab?" Tumango tango ako kay Aleah. Magka-video call kami ngayon at kinwento ko sa kanya ang tungkol kay Ivan.

"Anong balak mo?" Ano nga ba? Noong una gusto ko siyang makausap pero nang malaman ko na kasama niya ang bago niyang pamilya natakot ako. Hindi ko kayang harapin siya ulit.

"Ang totoo, hindi ko alam."

"Kung nanjan si Ivan at hinahanap ka niya malamang gusto ka niyang makausap. Paano kung magkaharap na kayo?"

"I don't know Aleah. Siguro kaya gusto niya akong makausap para sabihing hindi na siya babalik sa'kin dahil may iba na siyang pamilya. Aleah.. Bakit ganito? Gusto kong bumalik sa dati pero hindi na ako mahal ni Ivan? Akala ko hinding hindi niya ako ipagpapalit sa iba." Napabuntong hininga si Aleah.

"Pero Sab, sinaktan mo siya.. Ikaw ang nagpalayo sa kanya. Pareho lang kayong may kasalanan. Wala na tayong magagawa ngayon hindi na natin maibabalik ang dati."

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Aleah ay lumabas na muna ako ng bahay. Hindi ako pumunta sa hotel ngayon.

"Ma'am! May naghahanap po sa inyo." Saad nang katulong. Sino naman ang naghahanap sa'kin?

Pumunta ako sa garden kung nasaan ang taong naghahanap daw sa'kin. Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko at makilala ko ang likod nito. Nakatalikod siya pero hindi ako maaaring magkamali. Kilalang kilala ko siya.

The Promise of Yesterday [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon