Chapter 2

443 10 0
                                    

Third Person's POV

"Hi Sam:)" Bati ni Nathan Kay Samantha na nagbabasa ng favorite book niya.

"Hello." Sagot niya without looking at him.

"Seryoso natin dyan ah." Pang-aasar ni Nathan at umupo sa tabi ni Sam.

"Psh. Ang ingay mo naman eh.. Ayan tuloy di na ko makapag-concentrate sa binabasa ko."

"Ano ba kasi yang binabasa mo?" Sabay turo sa librong hawak ni Sam.

"Eto.. The Promise of Yesterday.. Ang ganda nga ng story eh. Si Rain at Sky Ay childhood best friend, lagi silang magkasama at bata pa lang sila mahal na nila ang isa't isa more than best friends. They made a promise to each other."

"Anong promise?" Tanong ni Nathan.

"They promise to love each other forever, Rain promise to Sky na siya lang ang mamahalin niya hanggang pagtanda nila. But.. May isang trahedya ang naging dahilan ng pagkakalayo ng dalawang bata.."

"What do you mean? Anong nangyare?"

"Naaksidente si Sky, and he died. Hindi matanggap ni Rain ang nangyare sa kaibigan. Hanggang sa nag migrate sila ng pamilya niya sa States at tuluyan niya ng nakalimutan ang kaibigang si Sky. And after how many years.. Rain met Bryan, a CEO of a well known company. The first time Rain saw Bryan she already had a feelings towards him. Until Bryan feels the same way, they confess their feelings to each other. But do you know what happened? Minahal lang pala ni Rain si Bryan dahil naaalala niya rito ang kanyang childhood best friend. She admit that she still love Sky kahit wala na ito. And then, Rain discovered that Bryan has an amnesia because of car accident. At isang araw nalaman niya nalang na si Bryan at Sky Ay iisa. Ang best friend niyang inakala niyang ten years ng patay Ay buhay pa pala. Inilayo lang ito ng mga magulang niya para ipagamot. Nasaktan si Rain sa mga nalaman at nagpakalayo-layo, but in the end.. They still found each other and Rain forgave Sky. Tulad ng pangako nila sa nakaraan, si Sky lang ang minahal ni Rain until the end."

"Alam mo..? Sa totoo lang nakakaiyak yong story nila." Komento ni Nathan.

"Yupp.. Baka kung sakin nangyare yun matagal na Kong nagpakamatay." Sam.

"But that's not going to happen anyway.." Sabay ngite ni Nathan na siyang kinamula ni Samantha.

***

"Happy Birthday dear!" Bati ni Aleah Kay Sam at niyakap ang pamangkin.

"Happy Birthday to my dearest pamangkin!" Lumapit si Agatha na kararating lang kasama si Gwen.

"Happy birthday Sam..:)" Gwen.

"Thank you mga tita ninang.." Masayang wika ng bata sa tatlong ninang niya.

"You're welcome baby girl.. Wait, asan ang mommy mo?" Tanong ni Agatha.

"Nasa kusina po si Mommy.."

"Kahit kelan talaga hindi maiwan ni Sab ang kusina no..?" Sabi ni Gwen kaya sila nagtawanan kasama si Sam ng biglang lumapit si Sabrina sa mga kaibigan.

"Wow hah! Kung pagtawanan niyo ko kala niyo di niyo ko kaibigan.. Grabe talaga.." Nag-eemote na sabi ni Sabrina.

"Hoy Sabrina, wag ka ngang mag emote-emote dyan! 35 years old kana hindi 5 years old na bata." Nagtawanan ulit sila sa sinabi ni Aleah.

"Psh. Whatever! Btw, asan ang mga husband niyo?" Tukoy niya sa mga kaibigan ng asawa.

"Labas, mukang namiss nila si Ivan eh."

"Tita Gwen, where's Nathan po?" Pagtatanong ni Sam Kay Gwen.

"Otw na daw siya.. Ayaw kasing sumabay samin, palibhasa may sariling driver."

"Ah, okay po.."

"Siya nga pala Gwen, baka naman may balak pa kayong isama ni Ethan si Nathan sa states??" Hindi naman sa ayaw ni Sab Kay Nathan pero nag-aalala kasi siya dahil masyadong nagiging malapit ang kanyang anak Kay Nathan.

"Don't worry Sab, we will stay here for good.." Napabatok nalang si Sabrina sa noo niya.

"Owh, that's good to hear.. Eh kayo? Anong mga balak niyo sa buhay niyo?" Sabrina Sabay tingin Kay Aleah at Agatha.

"We'll go back to Korea, Alam mo namang nandun ang business namin." Sagot ni Aleah.

"Siyempre I will stay here Sab with Renz." Sagot namin ni Agatha. Nandito kasi ang business nila ni Renz sa Pilipinas pero sa Maynila nga lang kaya minsan lang sila makadalaw kina Sab at Ivan.

"So ako nalang pala ang malalayo sa ating apat..?" Malungkot na saad ni Aleah.

"Okay lang yan Aleah.." Niyakap ng tatlo ang kaibigan para damayan ganun din ang ginawa ni Sam nakiyakap na rin siya.

***

"Ilang taon na ba si Sam?" Malokong tanong ni Ethan habang magkakaharap silang lahat sa isang mesa. Kumpleto ang 4EVER, BEE 4 At sina Sam, Ryan at Nathan.

"Ten years old na siya Ethan why?" Curious na tanong ni Sabrina.

"Wala na ba kayong balak sundan siya? You know??" Tanong niya ng may malawak na ngite. Binatukan naman siya ng asawa niyang si Gwen.

"Aray ano ba! Bakit kaba nambabatok?" React niya.

"Kung magtanong ka kasi akala mo walang batang nakikinig.." Inis na wika ni Gwen.

"Tsk. Di naman nila naintindihan yun eh. Ano Ivan?"

"Sapat na samin ni Sabrina si Sam, tyaka isa pa.. Delikado na daw kapag nagbuntis pa ulit si Sabrina baka hindi lang ang bata ang pwedeng mawala kundi silang dalawa." Muka namang nalungkot sila sa narinig.

"Sobra nga kaming nagpapasalamat dahil hindi kinuha samin si Sam eh. " Wika ni Sabrina at sumulyap sa anak na masayang nakikipag kwentuhan Kay Nathan at Ryan.

"Nga pala guys.. Hindi ba pupunta dito sila Claud?" Biglang singit ni Vander.

"Hindi Siguro.. Busy daw siya eh." Sabrina.

"Madaya talaga ang lalaking yun!" Komento ni Renz.

"Hi guys!" Nagulat silang magkakaibigan ng makita kung sino yong pumasok.

"Tito Claud!" Masayang lumapit si Sam Kay Claud at niyakap ito.

"Hey Princess, Happy Birthday!" Inabot niya yong dala niyang paper bag Kay Sam na siyang ikinatuwa ng bata.

"Thank you Tito."

"You're welcome Samantha.:)"

"Bro! Long time no see!" Sabi ng apat na lalaki at lumapit Kay Claud.

"Bakit ngayon ka lang Claud? Ayan tuloy wala ng bisita at pagkain." Pang-aasar ni Gwen sa pinsan.

"Haha! Traffic eh.."

"Bakit ikaw lang? Bakit di mo sinama si Jake?" Tanong ni Sabrina sa kanyang best friend. Magmula kasi ng pinanganak si Jake Ay hindi pa nila ito nakikita hanggang ngayon. Ang asawa naman ni Claud Ay namatay sa panganganak mabuti nalang at naligtas nila ang bata.

"That kid! Masyadong busy sa pag-aaral kaya ayaw sumama." Naalala ni Claud na pinipilt niyang isama ang anak pero ayaw pumayag dahil malapit na daw ang exams nila at kailangan niyang mag-review..

"Naku Claud, baka mamaya mabaliw yang anak mo sa sobrang pagrereview. Haha." Ethan.

"Tito Claud kelan po ba namin mamameet si Jake?" Sam.

"Soon princess.. Soon.."




--------------------------------------

Hello!!!

Okay... I know that my update is boring. Don't worry umpisa palang yan. Marami pang pasabog ang darating..

Please support my story.. Thank you!





The Promise of Yesterday [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon