Chapter 33

35 0 0
                                    

Samantha's POV

Kanina ko pa inaantay si Yuri pero hanggang ngayon wala pa rin siya. May lakad kasi kami ngayon. Day off niya at off ko rin kaya naman napagpasyahan naming mamasyal sa mall pero kanina pa ako dito sa mall ay wala pa rin siya. Sabi niya kasi ay antayin ko nalang daw siya dito at dito nalang magkita. Hindi ko rin siya ma-contact dahil nakapatay ang phone niya. Kinakabahan na tuloy ako. Baka kung ano nang nangyare sa bruhang yun.

Mag-aantay pa ako ng mga sampung minuto kapag di pa siya dumating ay hahanapin ko na siya.

Hanggang sa lumipas ang limang minuto ay wala pa rin siya. Iniisip ko kung ano nang nangyare sa kanya. Iniwan ko pa siya kanina sa Casa na abala sa pagluluto.

"Sam!" Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko si Yuri na nakangiti at ang bruha hindi lang nag-iisa, kasama niya si Ryan na ubod lawak ng ngiti at si Jake na kinindatan pa ako.

Anong ginagawa ng mga ito dito? Wag mo sabihing nandito rin ang panget na si Nathan?

Tiningnan ko kung may kasama pa sila o nakasunod sa kanila pero wala naman.

"Hi Sam! Nice to see you again!" Nakangiting saad ni Jake.

"Hi." Nginitian ko rin siya.

"Hi couz! How are you?" 

"Nagkita lang tayo last week diba?Anong ginagawa niyo rito? Ba't kasama mo tong mga to Yuri?"

"Eh... Sorry Bess aa..  Sinubukan ko naman silang takasan kasi nga diba date natin to? Kaso nasundan pa rin nila ako." Nagkakamot ng ulong saad niya.

"Kaya ka ba nalate sa usapan natin?" Kwestiyon ko.

"Hmm."

"Te-ka nga!" Napatingin kaming tatlo kay Ryan.

"Mag-syota ba kayo? Daig niyo pa ang mag boyfriend-girlfriend aa!" Binatukan ko siya.

"Hahahahaha!" Tiningnan ko naman ng masama si Jake na ang lakas tumawa. Napa-peace sign nalang ito.

"Aba'y hindi pa nga kayo ng best friend ko ganyan ka na kaseloso paano pa kaya pag naging kayo na?" Abot langit ang ngiti nito sa sinabi ko.

"Ibig sabihin botong boto ka sa'kin para sa best friend mo?" Tanong pa ni Ryan at inakbayan ako.

"Best naman! Ano bang pinagsasabi mo?" Si Yuri pero di ko siya pinansin.

"Don't worry Sam, hinding hindi ko hahayaang magselos ako sa iba dahil sisiguraduhin kong sa'kin lang ang best friend mo at hinding hindi siya titingin sa iba." Ang landee jusko! Si Yuri naman ayun! Akala mo kamatis sa sobrang pula.

"Letse! May langgam ba dito?! Hindi pa ba tayo aalis? Nagugutom na ako saka na yang ligawan na yan."

"Bitter ka lang dude!" Pang-asar ni Ryan kay Jake.

"Whatever!"

Wala kaming nagawa ni Yuri kundi isama sa gala namin ang dalawang kumag.

"Te-ka double date ba 'to?" Biglang saad ni Ryan.

"Pwede rin hahahaha!" Itong Jake na 'to laging tumatawa.


Ilang minuto laging nag-ikot ikot nang magkakasama nang mawala na sa paningin ko si Yuri at Ryan. Sabi na at mangyayare 'to e. Hayss hayaan nalang natin ang dalawang yun. Boto naman ako kay Ryan para kay Yuri at mas lalong boto naman ako kay Yuri para kay Ryan so... I have no choice to let them enjoy and be together... Ang kaso.. Mukhang mali atang itong si Jake ang kasama ko.


"Nakakainggit sila ano?" Napahinto pa siya sa paglalakad at nakatingin sa'kin. Napakunot ako ng noo. Sinong sila?

Nahalata niya siguro ang pagkunot noo ko.

"Si Ryan at Yuri.. Bagay sila. Mukhang gustong gusto talaga nila ang isa't isa. Nakakatuwa rin ang kwento nila dahil matagal na silang may crush ang isa't isa, torpe lang kasi si Ryan si Yuri naman parang nag-aantay lang na maging puti ang uwak."


"Ang lalim naman.. Malamang kilala na nila ang isa't isa kaya ganon."

"Maybe. Wala silang pinagkaiba sa inyo ni Nathan. You and Nathan also known each other for so long and you also like each other when you were kids. Maybe that's how love and destiny works. Ako kaya? Wala naman akong kakilala noon na hanggang ngayon ay may gusto sa'kin." Nalungkot ako sa sinabi niya. I always hear from my Mom and Dad also from their friends na hindi daw lumaki si Jake nang katulad namin. Lagi daw itong busy sa school at pag-aaral. Hindi siya mahilig makipag-kaibigan at madalas nakakulong lang sa kwarto. Kahit hindi halata sa personality niya pero malayo talaga ang loob niya sa ibang tao. Tanging si Nathan at Ry lang ang naging kaibigan niya.


"Kung nakilala lang sana kita ng mas maaga nong mga bata pa tayo, kung sumama lang sana ako kay daddy noon noong niyaya niya ako sa birthday party mo sana nagkakilala tayo ng mas matagal. Baka sana ako ang nagustuhan mo at hindi si Nathan. Alam mo Sam... Hindi ko alam kung alam mo ang tungkol dito pero... I am just like my father.. He loves tita Sabrina but tita Sabrina loves Tito Ivan." Nagulat ako sa narinig. Hindi ko alam ang tungkol dito. Hindi ko alam na may gusto si Tito Claud noon kay Mommy.

"I'm sorry.." Yun lang ang nasabi ko.

"Don't be sorry okay? Wala kang kasalanan kaya wag kang mag sorry. It's okay Sam.. Tulad ni Daddy ay hindi ko kayang magalit sa'yo o kay Nathan, dahil kaibigan ko kayong pareho. Naiintindihan ko at masaya ako para sa inyong dalawa. Siguro dadating din ang tamang babae para sa'kin. Saka isa pa, late ako nagkagusto sa'yo and to tell you the truth hindi naman pala ganon kalala yong feelings ko sa'yo, siguro ay naging crush kita. Masaya ako para sa inyo ni Nathan."


"Why do you keep saying that? Hindi naman kami ni Nathan– at saka... Hindi naman namin gusto ang isa't isa." Wala akong gusto don no? Siguro noong bata pa kami oo pero ngayon?

"Don't deny it Sam. I know you like him and now I'm asking for a favor."

"Ano naman?"


"Sabihin mo sa kanya ang totoo. It's now or never."

"At bakit ko naman gagawin yan eh hindi ko nga siya gusto?"


"Aalis na kami bukas pabalik ng Canada. He said na mag e-stay nalang siya doon for good para sa business namin pero kung aamin ka sa kanya eh baka magbago ang isip niya. C'mon Sam! Hahayaan mo bang magkalayo kayo at hindi mo nasasabi na gusto mo siya? Paano nalang kung makahanap na siya ng iba doon?" Parang bigla akong nainis sa nalaman ko na aalis na naman siya. Bakit ganon? Ang sabi ko sa sarili ko ay wala akong gusto kay Nathan pero bakit nasasaktan ang puso ko ngayon?


"Bukas ng alas siyete ang flight namin. 2 hours before nasa airport na kami. Aantayin kita hindi para sa'kin kundi para sa kaibigan ko."



Iyon ang huling pag-uusap namin ni Jake hanggang sa matapos ang araw na yun at hindi natapos ang araw na yun na hindi natahimik ang isip ko kung anong gagawin ko. Nalilito ako sa nararamdaman ko. Natatakot akong aminin agad ang feelings ko sa kanya gayong hindi naman ako sure kung pareho ba kami ng nararamdaman. Ayokong magmadali. Ayokong isakripisyo ang nararamdaman ko dahil lang aalis siya. Kung kami talaga siguro naman gagawa at gagawa ang tadhana para magkalapit kami muli.




"Sam.."


"Sinabi sa'kin ni Ryan na ngayon daw ang alis nila Nathan.. At binabalak niyang mag-stay na sa ibang bansa." Umupo sa tabi ko si Yuri at tumingin sa'kin. Nakaupo kami sa buhanginan sa gilid ng dagat.


"Bes akala ko ba gusto mo siya? Bakit hindi mo siya pigilang umalis? Sabi ni Ryan nasasaktan daw si Nathan dahil iniisip niyang hindi mo siya magugustuhan kahit kailan. Kaya naman.. Nagdesisyon siyang lumayo nalang sa'yo at mag move on. Akala niya ay si Xander ang gusto mo pero bes kung siya talaga ang gusto mo bakit hindi mo aminin sa kanya? Maaga pa oh! Puntahan mo na siya please... Ayokong masaktan ka sa huli. Alam kong magiging masaya ka kapag siya ang pinili mo."



"Bes..."



"Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko." Pag-amin ko kay Yuri. Napabuntong hininga naman siya ng malakas at niyakap ako ng mahigpit.


The Promise of Yesterday [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon