Chapter 5

221 9 0
                                    

13 years later..

"Sir, mamayang Alas tres po Ay may meeting kayo ni Mr.Han." Sabi ng babaeng nasa edad 35 sa lalaking naka-upo sa swivel chair habang nakatingin sa bintana.

"Okay.." Maikling sagot nito. Dahan dahan namang binuksan ng sekretarya niya ang pinto at lumabas Sabay sign of the cross.

"Jusko! Mabuti nalang hindi mainit ang ulo ni Sir.." Bulong ng babae habang nagmamadaling bumalik sa kanyang opisina.

"Ang gwapo talaga ni Sir Nathan."

"Oo nga girl, kaso ang snob at sungit naman."

Yan lang naman ang bulung-bulungan ng ilang empleyado sa kompanya ni Nathan Tolentino. Si Nathan Ay kilala bilang isang sikat na business man sa buong pilipinas. 23 years old na siya pero wala parin siyang girlfriend o kahit naging girlfriend. Maraming babae ang lumalapit sa kanya pero iniisnob niya lang ang mga ito. Samantalang ang kaibigan niyang si Ryan Ay marami ng naging ex.

Nathan's POV

Katatapos lang ng meeting ko with Mr. Han ng maisipan Kong dumaan sa grocery para bumili ng grapes na paborito ni Mommy.

"Ano ba yan Yuri ang lamig lamig tapos kakain ka ng ice cream??" Narinig Kong reklamo ng babaeng nasa likod ko. Psh. Ang ingay.!

Binayaran ko na yong limang kilong grapes ng magsalita ulit yong maingay na babae.

"Alam mo sana naglugaw nalang tayo kesa dyan eh.. Tingnan mo nga oh.. Ang mahal mahal."

"Minsan lang naman eh, tyaka paborito ko kaya to!" Sagot nong isang babae.

"Hay naku, bahala ka nga dyan!" Sigaw niya pa.. Tama bang sumigaw sa loob ng mall? Titingin na sana ako sa dalawang babaeng nagtatalo pero wala na sila.

"Sir yong sukli niyo po." Napatingin ako sa saleslady at Kinuha ang sukli ko at umalis na.

Sumakay ako sa skelator ng biglang may babaeng nagmamadaling tinakbo pababa ang skelator, may hawak itong cellphone at mukang natataranta. Pinagtitinginan na siya ng lahat dahil sa ginawa niya. Sino ba naman kasing matinong tao ang tatakbuhin ang mahabang skelator ng mall to think na may mga nabubunggo na siyang iba. Hindi ko na nakita yong muka niya dahil sobrang bilis niya pero may tumawag sa kanyang babae na nakasunod sa kanya.. Tinawag syang Eunice..

"Hi Mom." Nadatnan ko si mommy na busy sa paggawa ng cross stitch.

"Andyan ka na pala. Kumain ka na ba?"

"Kumain na po ako Kanina sa resto.. Si dad?" Nilagay ko na sa ref yong grapes na binili ko Kanina.

"Nasa Korea siya ngayon para kausapin yong isang investor ng kompanya. Kamusta nga pala sa kompanya?"

"Maayos naman Mommy."

"Anak?" Lumapit sakin si Mommy at tiningnan ako ng seryoso.

"Bakit po?" Kinakabahan Kong tanong.

"Kelan ko ba makikilala ang magiging daughter in law ko?" Napanganga ako sa tanong niya.

"Mom naman.. Ano bang klaseng tanong yan?"

"Eh anak.. Matanda ka na, gusto ko lang namang maranasan mong magmahal.."

"Marunong naman ako magmahal.. Andyan naman kayo ni dad. Hindi pa ba kayo sapat para mahalin ko?"

"Iba parin ang feeling kapag may nagmamahal sayo at mamahalin mo sa hirap at ginhawa."

"Wala po akong time para dyan."

"Anak naman, matagal ng wala si Samantha.. Hindi na kayo pwede dahil patay na siya. Hayaan mo namang makilala ng puso mo ang babaeng nakatakda para sayo." Lagi nalang nilang pinipilit na maghanap na ko ng girlfriend pero wala akong balak. Si Samantha lang ang mamahalin ko habang-buhay.

"Ke Patay na siya, Ke Buhay pa siya, siya lang ang mamahalin ko.. Wala akong balak sirain ang pangako ko Kay Sam." Iniwan ko na si Mommy na tulala at umakyat sa kwarto ko.

Wala akong balak palitan si Samantha sa puso ko. Nangako ako.. Nangako akong siya lang ang una at huli Kong mamahalin.

"Don't worry Sam, I will always keep my promise to you. You are always in my heart.. I love you Samantha.."



The Promise of Yesterday [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon