Chapter 35

30 0 0
                                    

Samantha's POV

Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan na yari sa kahoy pero wala pa ring nagbubukas sa'kin ng pinto.

Muli akong kumatok.

"Nay!"

"Nay! Si Eunice po ito!" Pagbanggit ko sa pangalan na kinalakihan ko na.

"Eunice?" Imbis na si Nanay ang makita ko ay ang isa sa kaklase ko noong highschool ang lumapit sa'kin.

"Ikaw nga! Uy grabe ibang iba ka na talaga ngayon ah! Ganda ah!"

"Ako pa rin naman yong Eunice dati noh pero salamat haha. Kumusta?"

"Heto ayos lang. May trabaho naman pero contractual lang. Ang hirap talaga dito sa Pilipinas, contractual na nga lang eh napakaliit pa ng sahod." Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Kung anong ikinaswerte ko sa buhay at sa meron ako yun naman ang kawalan sa iba. Sa totoo lang, ganitong ganito rin ako noon. Hindi alam kung saan patungo, kahit na nakapagtapos ako ay hindi ko sigurado kung makakahanap ba ako ng maayos at pangmatagalan na trabaho.  Kahit na anong trabaho mo kapag mahirap ka kulang na kulang pa rin para makatulong sa pamilya. Sinwerte lang siguro ako dahil Ipinanganak akong mayaman pero wala rin naman ako dito ngayon kung hindi sa nakagisnan kong buhay noon.


"Mabuti ka pa... Balita ko ay anak mayaman ka pala at tagapagmana ng isang malaking hotel. Napakaswerte mo Eunice." Napangiti nalang ako.

"Ano nga palang tinapos mong kurso?" Tanong ko sa kanya. Sa pagkakatanda ko ay isa siya noon sa matatalinong classmate namin nila Yuri at Xander.

"HRM ang kinuha kong kurso kaso 2 years lang yun dahil hindi kaya ng tatay ko na paaralin ako ng 4 years. Nagtrabaho na ako agad pagka-graduate kaso palaging contractual ang napapasukan ko. Mas priority kasi nila ang 4 years grad." Malungkot na pag-ku-kwento niya.


"Ayaw mo bang subukan mag-abroad?" Tanong ko.


"Hindi ko maiwan si Tatay eh. May sakit kasi siya at walang pwedeng umalalay sa kanya, wala rin naman akong kapatid at matagal ng wala si Nanay.. "

Binuksan ko ang bag ko at kinuha ko ang wallet ko.

"Heto.."

"Ano 'to Eunice? Para saan 'to?" Tanong niya sa card na inaabot ko.

"Andiyan ang contact information ko. Tumawag ka lang sa'kin kapag gusto mong mag-trabaho sa hotel namin." Nanlaki naman ang mga mata niya.

"Seryoso ka ba Eunice? Pero hindi ako 4 years grad?"

"Ano ka ba! It's okay. Hindi naman namin priority ang 4 years grad, ang mahalaga ay responsable at tapat na empleyado. Ano G ka ba?"

"Eh kaso Eunice... Hindi ko maiwan si Tatay dito eh. Wala akong mapag-iwanan sa kanya. May alam ka bang mura na apartment malapit sa hotel niyo?"

"Hmm for that...  Wag mo ng problemahin yan.. May mga apartment kami sa Casa para sa staff at employees namin pwede kayo roon."


"Pero hindi ba nakakahiya? Saka hindi naman empleyado si Tatay. "

"Okay lang kahit hindi siya staff ng hotel."

"Magkano naman ang rent doon?"

"Walang bayad iyon. Libre lang." Tuwang tuwa naman siya.


"So paano.. Tumawag ka nalang sa number na yan okay? Iinterviewhin ka kaaagad doon and don't worry sasabihin ko na ang name mo sa mag i-interview para wala ka ng pro-problemahin. "

"Thank you Eunice."

"No problem."

"Hayss ang swerte ko naman at Kilala kita. Thank you talaga ahh." Nginitian ko siya.

"Naku anong oras na! Kailangan ko pa kasing painumin si Tatay ng mga gamot niya. Paano ba yan Eunice! Ingat ka at thank you ulit! See you!" Tinanguan ko siya at kinawayan. Nang makaalis na siya ay saka humarap ulit sa bahay namin noon.

Mukhang wala dito si Nanay. Baka nasa palengke.

Sinabihan ko si Nanay noon na sa amin nalang siya tumira pero hindi niya maiwan ang bahay. Inaantay niya rin kasi na bumalik si Tatay.  Simula nang madukot ako sa isang abandonadong lugar ay hindi na nagpakita si Tatay. Hindi ko alam kung bakit o kung nasaan siya pero nasisiguro ko na babalik siya kapag handa na siya. Napatawad ko na siya. Kahit na naging masama man siya at naging tauhan ng taong gustong pumatay sa'kin, kelanman ay hindi niya ako pinagalitan o pinagbuhatan ng kamay. Hindi niya man ipinaramdam sa'kin na mahal niya ako ramdam ko naman na Tinanggap niya ako. Siya ang dahilan kung bakit nabuhay ako, siya ang nagligtas sa'kin sa kamatayan noong bata palang ako.
Siya ang dahilan kung bakit naging ako si Eunice. Siya ang dahilan kung bakit meron akong Nanay, kung bakit ako may best friend na Yuri at Xander. Kung hindi dahil sa kanya ay wala ako rito ngayon.


Hindi ko rin naman pinapabayaan si Nanay. Buwan buwan ay pinapadalhan ko siya ng pera panggastos sa bahay at sa gamot niya. Pinapadalhan ko rin siya ng pang shopping at minsan ay sinusundo ko siya at dinadala sa Bohol. Kahit na ako na si Samantha ngayon ay dala dala ko pa rin ang pagkatao ni Eunice.



"Eunice anak!" Napangiti ako nang may sumigaw sa di-kalayuan. Nakita ko Inay na may dala-dalang bilao.


"Nay san kayo galing?" Nagmano ako at niyakap siya.


"Naku! Napakabango naman ng anak ko. Pasensya na amoy pawis ang Nanay mo haha!"

"Nay naman. Namiss ko po kayo... Pa-hug nga po ulit." Saad ko at muli siyang niyakap ng mahigpit. Niyakap niya rin ako. Hindi ko mapigilang mapaluha... Miss na miss ko na siya. Ang mga yakap niya.


"Miss na miss na rin kita Eunice.. Masaya ako na nandito ka." Pinunasan ko ang luha ko at tiningnan siya.



"Kumusta po kayo? Iniinom niyo pa rin ba palagi ang gamot niyo?" Pag-aalala ko.


"Hmm... Wag kang mag-alala dahil laging dumadaan dito si Xander para ibilin ang gamot na dapat kong inumin. Hay naku anak... Napaka-swerte mo talaga sa batang iyon. May sarili na tayong doctor kapag nagkataon." Masayang saad ni Nanay. Natahimik naman ako. Hindi ko alam na lagi pa rin pala si Xander Dito sa bahay para kay Nanay. Bakit? Ang natatandaan ko ay bago pa kami umalis ni Yuri nang Maynila noon nang ibilin ko sa kanya si Nanay. Hindi ko alam na hanggang ngayon ay binabantayan at inaasikaso niya pa rin ang Nanay ko.


"Nay..."


"Sinagot mo na ba ang batang yun Eunice?  Halatang mahal na mahal ka niya nak.."


"Mahal po?"


"Oo. Bakit? Hindi mo ba alam?"


"Ang sabi niya lang po ay gusto niya ako.. Hindi ko po alam kung mahal niya ba ako."

"Anak.. Magkaiba sila pero hindi porket sinabi niyang gusto ka niya ay hindi ka na niya mahal. Marahil ay mas komportable lang siya na sabihin ang gusto ka niya.. Mararamdaman mo naman iyon kapag mahal ka ng isang lalaki. Lahat ay gagawin niya para sa'yo."

Mahal niya nga ba ako? Bakit ako naguguluhan ngayon?




The Promise of Yesterday [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon