XANDER's POV
Hanggang ngayon hindi pa rin nagigising si Eunice at wala akong magawa kundi maghintay. Naiinis ako sa sarili ko sa tuwing naiisip ko na hinayaan ko siyang masaktan. Kung sana pinigilan ko siyang sumugod nalang ng basta basta sa lugar na yun sana hindi ito nangyare. Kung sana sinugurado muna namin kung nandoon ba talaga si Tito Lucio wala sana si Eunice dito sa hospital ngayon.
Sa sobrang lalim nang pag-iisip ko hindi ko agad napansin na makakasalubong ko pala si Ryan.
Nagtataka ako kung bakit siya laging pumupunta sa kwarto ni Eunice eh mukhang hindi naman siya ang naka duty na doctor ni Eunice. Isa pa, kasama din siya ng mga tumulong sa amin.
Wala akong balak pansinin siya kaso siya ang unang kumausap sa'kin.
"Sandali." Napahinto ako sa paglalakad at bahagyang lumingon.
"Bakit?" Saad ko.
"Thank you." Bakit naman nagpapasalamat ang isang 'to? Wala naman akong naaalala na may nagawa akong mabuti sa kanya at hindi rin kami close para kausapin niya ako.
"Para saan?" Napipilitang tanong ko.
"Dahil hindi mo pinabayaan si Eunice. Salamat ulit dude." Tinapik niya ako sa balikat tapos umalis na siya. Nakita ko na pumasok siya sa kwarto kung nasaan si Eunice.
Sino ba siya para kausapin ako tungkol kay Eunice? Kung makapagsalita siya akala mo boyfriend siya si Eunice. Tss.
"Doc Xander!" Napalingon ako sa tumawag sa'kin.
"Bethany. Kumusta?" Tanong ko kay Bethany habang palapit siya sa'kin. Isa siya sa mga ka-close ko dito sa hospital. Isa rin siyang doctor tulad ko.
"Ako nga dapat ang mangangamusta sa'yo eh! Okay ka na ba? Ano bang nangyare?"
Mahina akong tumawa at umiling."Ayos na ako.. Hindi naman malala yong nangyare sa'kin." Nakangiting saad ko na ikinabuntong hininga niya.
"Haysss.. Pinag-alala mo kami nang malaman namin na isa ka sa pasyenteng dinala dito. Ano ba kasing pinaggagagawa mo sa buhay?" Nag-aalalang saad niya at bigla nalang akong hinampas sa balikat. Natatawa tuloy ako sa mukha niya. Kumukunot na naman kasi ang noo nito.
"Kagagaling ko lang hinahampas mo na ako! Wala ka talagang patawad." Pikon ko.
"Mabuti yan para magtanda ka. Mag-ingat ka kasi sa susunod."
"Aba parang pinagdadasal mo na may susunod pang mangyayareng masama sa'kin ah?"
"Talagang gugulpihin kita kapag naging pasyente ka pa ulit dito no! "
"Haha! Ano ka gangster?"
"Siya nga pala Xander.. Sino yong babaeng kasama mong dinala dito?" Natigilan ako.
"Huy! Ano na? Sino siya? Girlfriend mo ba? Ba't di mo sinasabi na may girlfriend ka na pala?"
"Yun ba? Hindi ko girlfriend yun.. Bestfriend ko." Malungkot na pagsasabi ko ng totoo. Kahit na ang sarap sabihing girlfriend ko si Eunice hindi naman totoo. Ano na kayang mangyayare paggising niya? Naaalala niya pa kaya yong pag-amin ko noon bago masunog yong bodega? Bakit biglang gusto ko na agad marinig ang reaksyon niya sa inamin kong mahal ko siya. Mahal niya rin kaya ako? O Kaibigan lang talaga ang tingin niya sa'kin?
S#it Xander! Bakit ka ba napaamin ng wala sa oras? Nakakahiya tuloy kapag nagising siya.
Anong sasabihin ko kapag nag-usap kami ulit?
Naku naman!
"Mukhang gets ko na. Torpe ka kasi." Napatingin ako kay Bethany at napakamot nalang ng batok sa mga naisip ko. Posible bang may magbago kapag nagising na si Eunice?
BINABASA MO ANG
The Promise of Yesterday [COMPLETED]
Fiksi RemajaSamatha Park Rodriguez's story.. *** Are promises of yesterday's really worth to fulfill? Or maybe those promises can be easily forgotten? Genre: Teen-fiction Status: Complete Author: meteorpages DISCLAIMER: This story is written in Taglish