Chapter 6

216 9 0
                                    

Eunice POV

Nagmamadali akong bumaba ng skelator para makauwi. Narinig Kong tinatawag ako ni Yuri pero di ko na pinansin. Sumakay ako ng taxi at pagbaba ko sa tapat ng bahay Ay naabutan Kong nagkalat ang mga damit ni Tatay sa lupa.

Ako nga pala si Chella Eunice Guizon, 23 years old at nakatira sa isang iskwater area.

"Nay! Bakit niyo po pinapalayas si tatay?" Pinulot ko yong mga damit ni tatay at binalik ito sa loob ng maliit naming bahay.

"Tigilan mo yang ginagawa mo Eunice! Wag kang makialam dito!" Sigaw sakin ni Nanay.

"Bakit po hindi ako pwedeng makialam?! Nay, naman.. Ano bang problema? Wag niyo naman pong palayasin si Tatay."

"Bakit hindi mo tanungin yang tatay mong babaero!" Nanlilisik na sigaw ni Nanay. Yong mga kapit bahay naming tsismosa feel na feel manuod akala mo may shooting ng telenovela sa harapan nila.

"Tay?"

"Anak wala akong babae. Ang nanay mo lang ang gumagawa ng kwento." Depensa ni Tatay sa sarili.

"Aba! Ako pa ngayon ang lumalabas na masama at sinungaling! Walangya ka talaga Lucio! Lumayas ka ditong hayop ka!" Pinagbabato ni Nanay lahat ng damit ni tatay sa kanya.

"Ayoko ng makita pa ulit yang muka mong hayop ka! B*isit ka!"

"Grabe naman yang si Flora, napaka bungangera.."

"Sinabi mo pa! Kaya nagkandamalas malas ang buhay niya eh. Kawawang Lucio. Tsk."

"Hay Naku! Mas mabuti ngang pinalayas niya na si Lucio para wala ng maingay araw-araw."

Tumingin ako sa mga kapit bahay namin ng masama kaya nagsipasukan naman silang lahat sa sarili nilang bahay. Tama naman sila eh, araw araw ngang nag-aaway si Tatay at Nanay, kung hindi tungkol sa pera Ay babae naman. Minsan nga nagsasawa na Kong makinig sa pagtatalo nila pero hindi ko aakalaing aabot sa ganto.

Kinuha ni tatay yong mga damit niya at nilagay sa bag saka naglakad paalis.

Napaupo nalang ako sa lupa at napaiyak. Ano bang klaseng buhay meron ako?

***

"Totoo bang pinalayas ni tita si tito, Eunice?" Tanong ni Yuri. Nandito kami ngayon sa bahay, kaming dalawa lang ang nandito dahil nasa palengke si nanay para magtinda.

"Oo." Tanging sagot ko at Napa buntong-hininga.

"Aishh. Tara sa park, lilibre kita." Biglang nabuhay yong loob ko sa sinabi ni Yuri.

"Ililibre mo ko?" Pag-uulit ko.

"Ay hindi, hindi.. O ano? Sasama ka?"

"Oo naman. Tinatanong pa ba yan?" Nauna na Kong naglakad palabas ng bahay sumunod naman si Yuri.

"Manong, dalawa pong bente pesos na fish ball." Umupo muna kami ni Yuri sa bench dito sa park.

Nang matapos Maluto yong in-order namin Ay nilantakan ko na yong fishball. Ang sarap talaga..

"Yuri? Eunice? Anong ginagawa niyo dito?" Lumapit sya samin at tumabi sa upuan.

"Kumakain?" Pamimilosopo ko.

The Promise of Yesterday [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon