Samantha's POV
"Xander!"
"Oy Sam! Anong ginagawa mo dito?" Nakangiti akong sinalubong ni Xander. Nakasuot siya ng puting lab gown at may mga bitbit na papel.
"Kumusta?! " Inakbayan niya agad ako at ginulo ang buhok ko. Napangiti naman ako sa ginawa niya. Ganyan siya lagi sa tuwing nagkikita kami.
"Okay lang.. Sorry ngayon lang ako nakadaan." Umupo kami sa may mga nakahilerang upuan na karaniwang inuupuan ng may mga pasyente sa hospital.
"Okay lang.. Pero namiss kita. Kelan nga pala kayo babalik sa Bohol?"
"Baka sa susunod pa na buwan. Eni-enjoy nila Dad ang bakasyon nila at pati ako nadadamay." Kapag naiisip ko yong nga trabahong naiwan ko sa Casa parang gusto ko ng bumalik kaso gusto nila Dad na magbakasyon at wag puro trabaho lang kaya no choice ako.
"Ano ka ba Sam! Wag ka ng magreklamo, mag-enjoy ka nalang muna at sulitin mo ang bakasyon niyo ng pamilya mo. Saka ikaw ang tagapagmana ng Casa de Rodriguez wala ka ng dapat ipag-alala sa future mo!" Tama siya. Ako nga ang tagapagmana ng Casa de Rodriguez na pagmamay-ari ng mga magulang ko. Balang araw ako na daw ang mag mamanage nito kaya naman tiini-train na ako nila daddy kung paano i-manage ang Casa.
"Kahit naman sabihing tagapagmana ako gusto ko pa ring maging patas sa mga empleyado namin. Pero tama ka, mas mabuti nga kung sulitin ko nalang ang bakasyon ko."
"That's right. Siya nga pala, kamusta si Yuri doon?"
"Ayun busy-busy-han ang Lola mo. Minsan pinupuntahan siya ni Ryan at lumalabas sila. Ewan ko nga sa bruhang yun e, halata namang gustong gusto niya si Ry pero ayaw pang sagutin."
"Eh ikaw, gustong gusto mo rin naman ako ah, ba't ayaw mo pa akong sagutin?" Huh? Ano daw? Te-ka! Bigla atang nag loading ang utak ko sa sinabi niya.
"Hahahaha! Biro lang. Siya nga pala .. Nabalitaan ko na nahuli na yong mastermind sa pagdukot sa atin.. Ano ba talagang rason at mukhang galit na galit siya sa pamilya mo? " Mabuti nalang iniba niya yong topic dahil wala akong maisasagot kung sakali.
"Ang sabi ni Mommy best friend daw nila ito dati nila tita Gwen pero trinaydor sila. Naghihiganti daw siya dahil sa pagkamatay ng pinsan niya. Mabuti nalang at nahuli na siya, panatag na ang loob ko at pati sila Mom."
"Tsk. Parang teleserye lang ah. Paghihigante? Dapat don mabulok sa kulungan. Ang dami dami na niyang kasalanan sa pamilya niyo lalong lalo na sa'yo."
"Tama ka Xander pero iniisip ko... Kung hindi niya ako inilayo sa pamilya ko.. Hindi ko sana kayo makikilala ni Yuri at sila Nanay. Kahit papaano ay may maganda namang naidulot ang paghihigante niya."
"Oo nga ano? Siguro nga.. Everything happens for a reason. Nangyare yun para makilala kita." Biglang nagkaroon ng katahimikan sa aming dalawa at nagkatitigan lang kami.
Bakit ba kasi feeling ko totoo talaga ang sinabi niyang mahal niya ako? Pero bakit hindi niya sinasabi? Hayss.. Baka naman nag-aassume lang ako. Baka mahal niya lang talaga ako bilang kaibigan o kapatid. Tss.
Pagkatapos naming mag-kwentuhan ni Xander ay lumabas na ako nang hospital. May duty pa daw siya hanggang alas diyes ng gabi.
Paglabas ko ay nagulat ako nang makita ko si Nathan na naka-park lang sa tapat ng entrance ng hospital. Nilapitan ko siya agad.
"Akala ko ba umuwi ka na?"
"Nakalimutan kong ibigay 'to sa'yo."
"Sa'kin?" Pag-uulit ko.
"Hindi kay Xander siguro. Tss kunin mo nalang. Oh!" Aba't? Siya na nga tong nagbibigay siya pa ang galit? Napakasungit akala mo babae.
"Ano naman 'to?" Tanong ko habang binubuksan ang paper bag na inabot niya.
BINABASA MO ANG
The Promise of Yesterday [COMPLETED]
Novela JuvenilSamatha Park Rodriguez's story.. *** Are promises of yesterday's really worth to fulfill? Or maybe those promises can be easily forgotten? Genre: Teen-fiction Status: Complete Author: meteorpages DISCLAIMER: This story is written in Taglish