Chapter 36

30 0 0
                                    

Nag-usap. Nag-kwentuhan. Nagtawanan. At nagpaalam ako kay Nanay bago ako umalis papuntang Canada. Sobrang saya naming dalawa.  Dinala ko rin siya sa mall. Nag-shopping at kumain kami sa restaurant. Ang sabi niya ay mag-iingat raw ako at wag kong kakalimutan ang tumawag sa kanya. Sinabi kong pupuntahan ko ang Lolo ko sa Canada pero hindi ko sinabi ang totoong dahilan. Sa nalaman ko kasi na laging dinadalaw ni Xander si Nanay ay naisip kong wag nalang banggitin ang totoong dahilan nang pagpunta ko sa Canada. Mahirap na.. Napakadaldal pa naman ni Nanay.

Ngayon ang araw ng flight ko. Si Mommy, Dad, Sean, Yuri at Ryan ang naghatid sa'kin dito sa airport. Nakausap ko na si Daddy at Mommy tungkol sa plano ko at masaya silang pareho sa desisyon ko. Si Yuri at Ryan naman siyempre napaka-supportive nilang dalawa. Ano pa nga ba? Magkasundong magkasundo talaga silang dalawa sa lahat ng bagay. Bagay sila eh haha.

Tinawag na ang flight ko kaya naman nagpaalam na ulit ako sa kanila at isa isa silang niyakap.

"Ingat Bess pasalubong ah? Este good luck pala! Fighting!" Yuri.

"Excited na ako sa good news couz! Balitaan mo ako agad okay? Ingat ka." Ryan.

"Have a safe travel ate.. Be safe okay?"

"Okay po kuya." Biro kong sagot kay Sean.

I hug them all bago ako sumakay sa eroplano. Dalawang linggo lang naman ako sa Canada, babalik rin ako agad. Bibisitahin ko si Lolo at siyempre ay kakausapin ko si Nathan. Nakapagdesisyon na ako. I like him– ay hindi.. Mahal ko pala siya. Aamin na ako sa kanya dahil baka mahuli pa ako. Pero seryoso, mahal ko si Nathan kaya ayoko ng mag-aksaya pa ng oras. Akala ko noong una kaya ko nararamdaman 'to ay dahil na-gu-guilty lang ako sa mga pinangako ko sa kanya noon o dahil lang sa naaawa ako sa kanya. Napag-isip isip ko na... Mahalaga sa'kin si Nathan higit pa sa isang kaibigan.

-


"Hi Lolo!" Niyakap ko si Lolo at hinalikan sa pisngi. Kararating ko lang dito sa bahay ni Lolo dito sa Canada.


"Nice to see you again my grandchild. Bakit hindi sumama ang mommy mo?" Masayang saad ni Lolo. Nasa tabi naman namin si Manang Adelle na nakangiti.



"Busy po kasi sila Lo, pero dito po kami mag ce-celebrate ng Christmas. Kumusta po kayo?"


"Heto ayos naman hija.. O siya, magpahinga ka na muna sa kwarto at magpapahanda ako ng masarap na dinner."

"Sige po."


Inutusan ni Lolo si Manang Adelle na samahan ako sa kwarto.


"Napakaganda mong bata hija.. Naalala ko tuloy ang Mama mo noong kabataan pa niya.. Magkamukhang magkamukha kayo. Naku nakakamiss talaga si Sabrina."



"Salamat po Manang. Grabe po noh... Ang tagal niyo na pong naninilbihan dito.. Salamat po ah.. Kasi para na kayong naging pangalawang Ina sa Mommy ko."



"Wala yun hija.. Masaya rin naman ako na pagsilbihan ang Lolo at Mommy mo. Para ko na talagang anak si Sabrina, kaya nong mawala ka sa kanila ay sobra rin akong nasaktan. Ramdam na ramdam ko yong sakit na pinagdaanan niya noong mawala ka. Naiintindihan ko rin kung bakit ganon nalang ang nagyare sa kanila ng daddy mo. Kahit na gustong gusto kong damayan si Sabrina noong mga panahong yun ay wala akong magawa dahil nandito ako sa malayo. Hindi ko rin maiwan ang Lolo mo noon dahil inatake siya ng sakit sa puso nang malaman niyang wala na ang nag-iisa niyang apo. Kaya naman noong nagbalik ka at ipinamalita nila na buhay ka ay sobrang saya naming lahat dito. Salamat sa panginoon dahil ibinalik ka sa tunay mong mga magulang."


"Siya hija.. Dito na ang kwarto mo, kung may kailangan ka ay tawagin mo lang ako sa baba."


"Sige po, salamat po."




Pumasok ako sa kwarto ko at ipinatong ang maleta na dala ko sa kama. Bago ko iayos ang mga gamit ko ay naisipan kong tingnan kung na-send na ba ni Ryan ang lugar kung saan ko makikita si Nathan.


Napangiti ako nang makitang may message nga ang pinsan ko sa'kin.



Good luck Sam kaya mo yan! Pagbalik mo dito dapat Tito ninong na ako– ay Este kasalan na pala hahahaha! Galingan mo couz huh? Sabihan mo ko agad kapag nagpakipot pa iyang kumag na Nathan na yan at ako ang bahala. Love you couz! - Ryan pogi




"Baliw talaga." Natatawang saad ko.






Ryan's POV


Napangiti ako nang maisend ko kay Sam yong address ng restobar ni Nathan at Jake.


"Yuri."


"Bakit?" Tanong niya ng nagtataka. Lumapit ako sa kanya at ngumiti ng malapad.


"Anong nangyare sa'yo? Naka-drugs ka ba?"


"Hahahaha! Siguradong pag-uwi dito ng best friend mo ay magiging maid of honor ka na."

"Ano? Anong ibig mong sabihin?"


"Wala naman. Napredict ko lang hahahaha! Aray! Ba't mo ko binatukan?"


"Akala ko pa naman kung ano? Puro ka kalokohan."

"Tss. Hindi ako puro kalokohan noh. Seryoso ako sa'yo."


"Talaga lang? Letse! Nanliligaw ka ba talaga o nagyayabang lang? Kung nanliligaw ka aba dapat may pa-chocolates at teddy bears ka rin tulad ng iba! Kaso puro ka kayabangan e puro pagbubuhat ng Bangko! Kaya bahala ka hindi kita sasagutin!"


"Wait– Don't tell me, inaantay mo lang  na bigyan kita ng chocolate at bulaklak para sagutin ako?"


"Aish engot! Sabi ko chocolate at teddy bear! Ayoko sa bulaklak dahil nalalanta. Gusto ko yong nakakain at nagtatagal." Saad niya. Tumawa naman ako ng malakas, asar na asar ang mukha ni Yuri sa pagtawa ko.



"Why do you need chocolates and stuffed toys kung nandito naman ako?"


"Nandiyan ka nga.. Chocolate ka ba? Stuffed toy ka ba? Ke-yaman yaman napaka-kuripot."

"Well.. Hindi ako chocolate at hindi rin ako stuffed toy pero kung gusto mo ng nakakain at nagtatagal I can be both. Pwede mong kainin at... Magtatagal sa'yo.. Panghabang buhay pa." Palapit ako ng palapit sa kanya habang sinasabi yan.. Ngayon sobrang lapit na ng mukha namin.. Kitang kita ko ang pamumula ng pisngi niya. Hindi siya makapagsalita kaya naman hindi ko na napigilan ang tumawa ng malakas.



"Hahahahaha! Kinilig ka no? Aminin mo? Hahahaha! Ang gwapo ko talaga!"



"Arrghhhh! Nakakainis ka talaga!" Sigaw niya at nagwalk-out.


"Yuri san ka pupunta?" Sigaw ko.

"May trabaho pa ako! Bumalik ka na sa hospital at magpa-confine ka, mukhang kailangan mong saksakan ng pangpatino!" Inis na sigaw niya at iniwan nga ako dito sa tabi ng dagat. Napangiti nalang akong pinanood siya palayo hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.


"Tss. Mag-antay ka lang Yuri.. Darating din ang chocolate at stuffed toy na sinasabi mo."










The Promise of Yesterday [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon