Nathan's POV
Ngayon na ang flight namin ni Jake papuntang Canada. Kasama namin si Ryan na siyang naghatid sa'min. Sila Daddy ay busy kaya hindi na nila kami naihatid dito sa airport.
"15 minutes nalang at tatawagin na ang flight natin. Hindi ba talaga darating ang isang yun?" Panay ang sipat ni Jake sa relo niya. Alam kong si Sam ang inaantay niya dahil naikwento niya sa'kin na magkasama sila kahapon at sinabihan niya ito tungkol sa pag-alis ko.
"Hayaan mo nalang siya Jake. Sino ba naman ako para pag-aksayahan niya ng oras. Saka baka busy siya sa hotel." Saad ko. Alam ko naman na kaibigan lang ang turing sa'kin ni Sam at wala ng pag-asa na magustuhan niya rin ako. Kung ano man yong pangako namin sa nakaraan hanggang doon nalang siguro talaga yun. Ibang iba na ang sitwasyon namin ngayon. Alam ko rin naman na may gusto na siyang iba at si Xander yun. Ayokong ipagpilitan ang sarili ko kay Sam, kung anong ikasasaya niya ay reresputin ko nalang.
"So sumusuko ka na sa pinsan ko? Eh paano kung nagpapakipot lang yun?" Saad naman ni Ryan.
"She doesn't like me Ry. I am just a friend to her. At okay lang sa'kin, naiintindihan ko. Kilala mo naman kung sino ang totoong gusto niya diba?" Napangisi siya.
"Nathan. Mangako ka sa'kin na hinding hindi ka maghahanap ng iba sa loob ng isang taon." Naguguluhan ako sa pinagsasabi ni Ryan.
"At bakit naman?"
"Kapag dumating si Sam, ibig sabihin gusto ka rin niya pero kapag hindi siya dumating sa loob ng isang taon.. Wag ka ng umasa."
"Bakit ko pa siya aantayin kung nandito naman si Xander? Ano bang pinagsasabi mo Ryan?"
"Basta. I have this feeling na hindi pa sigurado si Sam sa nararamdaman niya kay Xander."
"What do you mean?" Si Jake naman ay ngingiti ngiti lang rin.
"Basta nga. Mag focus ka nalang muna sa negosyo niyo doon at antayin mo ang sagot sa mga tanong mo. Wag mo kalilimutan ang mga sinabi ko." Ryan.
Tinawag na ang flight namin kaya naman nagpaalam na kami ni Jake kay Ryan.
"Ingat kayo! Good luck!" Narinig pa namin na sigaw niya habang kumakaway sa'min.
Samantha's POV
"Sam, how's your day anak?" Niyakap ako ni Mommy. Kararating ko lang galing sa hotel.
"Okay lang po Mom. Asan po si Dad at Sean?"
"Ayun lumabas. Namasyal sila sa mall."
"Ganon po ba? Sige po akyat lang po ako sa kwarto."
"Sam.."
"Po?"
Lumapit si Mommy at niyakap ako. Anyare? Ba't biglang nanlalambing si Mommy?
"Sam, anak..."
"Okay lang po ba kayo?" Tanong ko.
"Nasabi sa'kin ng tita Gwen mo na bumalik na si Nathan sa Canada." Mukhang alam ko na kung bakit ganito ang kinikilos ni Mommy.
"Opo. Kanina pa po yong flight niya." Sagot ko. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at hinaplos haplos.
"Anak... Hindi mo ba talaga gusto si Nathan?" Napangiwi naman ako sa tanong na yun.
"Mom.."
"Yuri told me na you liked Xander at first but recently ay hindi ka na sure sa nararamdaman mo sa kanya." Eh? Loko talagang Yuri yun! Napaka-chismosa.
BINABASA MO ANG
The Promise of Yesterday [COMPLETED]
Fiksi RemajaSamatha Park Rodriguez's story.. *** Are promises of yesterday's really worth to fulfill? Or maybe those promises can be easily forgotten? Genre: Teen-fiction Status: Complete Author: meteorpages DISCLAIMER: This story is written in Taglish