Chapter 39

36 0 0
                                    

Jake's POV

"Oh! Umalis na ba si Nathan?" Tanong ni Margaret sa'kin, mukhang nakatulog na si Mori dahil Hindi niya na ito karga. Dumeretso ako sa may ref nila at kumuha ng beer.

Umupo ako sa dining table at binuksan ang beer.

"Hoy feel at home na feel at home ah! Sinong nagsabi na kumuha ka sa ref ko?" Nakapameywang na saad ni Margaret.

"Kay Damian naman 'to, Hindi sa'yo." Tukoy ko sa asawa niya. Nasa ibang bansa Kasi ngayon si kuya Damian para sa business trip kaya ibinilin niya muna sa'min ang mag-ina niya. Wala silang katulong dahil ayaw kumuha ni Margaret, ayaw niya raw ipahawak sa iba ang anak nila. Yun ang dahilan kung bakit madalas kami ni Nathan dito.

Napansin kong tumahimik siya at parang nag-aalalang umupo sa harap ko.

"What's wrong? Bat ka naman nag-iinom ngayon?"

"Wala lang. Trip ko lang." Sagot ko.

"Sus! Yang ganyan na drama? Pinagdaanan ko na yan Jake. Don't me."

"Ano namang alam mo?"

"May gusto ka rin sa babaeng yun tama?" Napangiwi ako. Manghuhula pala siya? O masyado lang akong halata?

"Tss."

"Bakit hindi ka umamin?"

"Sa tingin mo ba may pag-asa ako? Look Margaret, si Nathan ang mahal niya. Ayokong manggulo. Nathan is my cousin and Bestfriend, si Sam ay kaibigan ko. Before I came to the picture there's them who truly love each other. Anong laban ko?"

"I understand."

"Masakit lang isipin na akala ko si Sam na yong babaeng para sa'kin. Gustong gusto ko siya pero hindi ko masabi sa kanya dahil ayaw kong iwasan niya ako. Okay na sa'kin na komportable siya kapag nag-uusap kami. At alam mo ba kung anong mas masakit? Umamin ako sa kanya na crush ko siya at sinabi kong mabuti nalang na hindi ko siya nagustuhan o nahulog sa kanya.. Sinabi ko na masaya ako sa kanila ni Nathan kahit ang totoo ay nagseselos ako at nasasaktan. P*ta ang sakit pala! Ngayon ko lang naramdaman 'to!"

"Kung hindi si Sam ang para sa'yo.. Trust me Jake... May tamang babaeng nakalaan para sa'yo. Ganyan rin ako noon noong naghiwalay kami ng first love ko... Akala ko siya na.. Pero he cheated on me. Sobrang gumuho ang mundo ko non.. Pero Damian came... Doon ko na-realized na.. Na may taong nakalaan talaga para satin. At the end of the day, mare-realized mo din na hindi kayo nakatadhana ni Sam dahil may babaeng mas deserve mo at mas mamahalin mo. You're handsome, rich and a nice guy..  Marami ka pang makikilalang mas hihigit pa kay Sam. O kung gusto mo ipakilala ko sa'yo yong mga kaibigan ko?"

"Tss thanks for the advice and compliments pero wag na.. Hindi pa ako ready. Mag-mo-move on pa ako. " Natatawang saad ko.

"Arte." Natawa nalang ako kay Margaret.

"Paano? Alis na muna ako. Kailangan ko pang bumalik sa restobar."

"Ingat sa pag-da-drive couz."

Pagsakay ko sa kotse ko ay huminga muna ako ng malalim. Nagmaneho ako ng sobrang bagal. Madilim na sa kalsada at nagkikislapan ang mga city lights. Napansin ko ang isang amusement park. Hininto ko ang kotse ko at bumaba. Pumasok ako sa loob at nagtingin tingin ng mga rides. Minsan lang ako makapunta sa ganitong lugar. Palagi akong busy sa trabaho at noong bata pa ako ay masyado akong naging tutok sa pag-aaral, ni wala nga akong kaibigan noon bukod kay Nathan at Ryan na pareho pang nasa ibang bansa.

Sana sa susunod na pumunta ako dito may kasama na rin ako. Feeling ko mas masaya yun. Pero siguro mas masaya kung yong babaeng mahal ko ang kasama ko sa ganitong lugar. This is such a romantic place.

The Promise of Yesterday [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon