Chapter 6.5:Aldrich POV

37 3 2
                                    

"What the f×ck are you thinking? May utak ka ba talaga ha?!"

"Siyempre may utak ako! Atsaka huwag ka ngang OA. Buhay parin naman si Kersten ha!"

"Di ka talaga nag-iisip!"

Pagduduro nito kay Nicolaus.

"That's enough, Trevor."

Naupo nga ito at sinubukang kumalma.

"Dude, Al. Ginawa ko lang naman yun para madistract sila kay Adel. Para madivert yung atensyon nila kay Victoria. It's a strategy dude."

Tatayo na sana si Trevor para suntukin siya. Tiningnan ko nga ito ng masama at bumalik rin ulit sa pagkakaupo.

"Ayaw mo ba nun Al, naprotektahan ko si Victoria?"

Napailing nalang ako sa kababawan ng isip nitong si Nicolaus.

"Naprotetahan? Ewan ko. Basta ang alam ko nandamay ka ng isang inosenteng babae."

Hithit ko ng sigarilyo.

"Kailan ka pa ba naging concern kay Adel?"

"Kailan ka rin ba naging concern sa kapatid ko?"

Balik na tanong ni Trevor sakanya.

"Concern ako sa kapatid mo, kasi alam kong napapasaya niya at importante siya sa buhay nitong si Aldrich."

"Totoo ba yun Aldrich?''

Lahat naman kami nagulat sa pagsulpot ni Victoria sa sala at mukhang kagigising lang.

"There's no big deal with that, Victoria."

Wika ko ng yakapin ako nito.

"But still, you saved me. Tama ka nga siguro na ginamit lang niya ko para maging successful ang plano niya. Pero sorry siya, dahil hindi siya nagtagumpay para patayin ako. Dahil sayo yun Olin, salamat."

Mas lalo namang humigpit ang pagkakayakap niya.

"Utang ko sayo ang buhay ko, Olin."

Napansin ko namang tumayo na ang dalawa at dumiretso sa kusina. Buti naman at alam nila ang salitang privacy.

"Vic, wala pa yun kumpara sa tulong na binigay mo sa akin. Wala pa yun kumpara sa mga itinuro at ipinarealize mo sa akin. Ako ang may utang sayo, Vic. At babayaran ko yun hanggang nabubuhay at sa huling hininga ko."

"Hindi na kailangan, sobrang sobra na yung ginawa mo kanina, Olin. Alam mo bang sobra ang pagsisisi ko kanina nung itutok ng gagong yun ang baril sa akin. Pagsisisi na dapat pala noon pa nakinig na ako sayo. Pero wala e, ang tigas din ng ulo ko. Bwisit kasing pagmamahal na to. Nakakamatay."

Natawa nalang ako sa itsura nito.

"Pero may isheshare ka pa sakin, sino yung katabi kong babae sa kama? Girlfriend or liniligawan mo pa lang?"

"Tss, kaibigan siya ni Nicolaus at Trevor. Hindi ko siya kaano-ano. Why are you jealous?"

"Ako magseselos? Ang kapal ng mukha mo."

Natawa nalang kami sa usapan naming dalawa. Sa kanya lang talaga ako ganito, yung tipong nailalabas ko yung half ng pagkatao ko. Na ipinapakita ko yung totoong ako.

Yung taong naghahanggad din ng kaunting kasiyahan sa buhay.

"Dude, sorry sa istorbo pero gising na din si Angelbear."

Singit ni Trevor sa usapan. Tumayo nga ako at pinuntahan kung saan man siya naroroon.

"Sure kabang ayaw mong ipagtimpla kita ng kape, Princess?"

"Okay na ko sa tubig, Nicolaus."

"Nicolaus, iwan mo muna kami."

Tumayo nga ito sa inuupuan niya at naglakad paalis ng dining room.

"Just forget everything that happens a while ago."

Bigla namang nagseryoso ang mukha nito.

"Sabihin mo nga, pano ko yun makakalimutan kung yun na rin s ngayon ang kinakatakutan ko?"

"Wala ka namang dapat katakutan dahil safe ka sa amin."

"Anong ibig mong sabihin?"

Nagugulhan sabi nito.

"Simula ngayon, babantayan ka na ng grupo. Sasamahan ka kung san ka man magpunta dahil nga nadamay ka."

"Ano? Hindi niyo naman kailangang gawin yun. Magiging safe din naman ako kung hindi ko kayo kasama."

"That was before. But now was different."

"Ibig mo bang sabihin, simula ngayon magbabago na ang buhay ko?"

Naiiyak na sabi nito. But hell I don't care.

"Yeah and it changes in a perilous way."

-

My KryptoniteWhere stories live. Discover now