Alas tres na ng madaling araw pero hindi pa din ako dinadalaw ng antok. Kanina pa ako paikot ikot sa kama at kanina ko pa din iniisip kung paano ako hihingi ng tawag kay Aldrich.
Gusto ko lang naman kasi ipagtanggol sa oras na yun si Nicolaus pero nasobrahan talaga ako sa mga nasabi ko.
**FLASHBACK**
"Aldrich. Sandali!"
Tawag ko sakanya bago tuluyan siyang makalabas ng University.
"Aray."
Di biro yung pagkakatulak sakin nung nanakit kay Nicolaus kanina. Nadapa tuloy ako. Sinubukan ko ngang tumayo.
"Nakakainis ka Aldrich! Ang sama sama mong tao! Wala kang puso!"
Sigaw ko dito dahil mukhang wala naman siyang balak lingunin at kausapin ako.
"What?"
Dahan dahan naman akong napaatras ng lumapit siya sa kinatatayuan ko.
"Ganyan ka ba sa mga kaibigan mo? May nagawa lang sayong mali ipapabugbog mo na? Tingin mo ba tama yung ginawa mo? Nalulungkot ako para sayo. Paano nakakaya ng konsensya mong saktan ang taong malapit sayo? May konsensya ka ba? O puso man lang? Teka tao ka pa ba?"
Tuloy tuloy kong sabi. Nasasaktan ako para kay Nicolaus. At ramdam ko din ang sakit ng binti ko kaya naiirita na din ako sakanya.
"Bakit di ka makapagsalita? Nagsisisi kana ba sa ginawa mo?"
Di ko alam kung saan ko hinuhugot ang tapang para pagsabihan ng ganito si Aldrich. Siguro nga tama yung kasabihan na iba magalit ang mga taong mabait. Pero hindi naman ako galit kay Aldrich, naiinis lang ako sa ginawa niya.
Magsasalita pa sana ako ng wala siyang imik na tumalikod at naglakad palayo sa akin.
**END OF FLASHBACK**
"Ugh. Pakiramdam ko ang sama sama kong tao. Hayst. Tama na Adel. Alas syete pa ang pasok mo mamaya. Kailangan mo ng matulog kahit ilang oras lang."
Ipinikit ko na nga ang mata ko, nagbabakasakaling makatulog na rin.
KINABUKASAN.
Magugustuhan niya kaya tong ginawa ko?
Andito nga pala ako sa labas ng inuupahan ni Aldrich. Hinihintay na lumabas siya. Tinanong ko kasi si Trevor at ang sabi sakin alas syete din ang unang klase nito, kaya naisipan kong dito na dumiretso at sumabay nalang rin sakanya sa pagpasok.
Pero papasok nga ba siya?
Bahala na. Hihintayin ko siyang makalabas.
"O iha?"
Sabay bitaw nito sa hawak niyang walis ng makita ako.
"Good morning po Manang. Mano po."
"Napunta ka? Teka may kailangan ka ba? Tamang tama may bakante na kaming kwarto. Uupa ka na ba ulit?"
"Ah hindi po Manang. May hinihintay lang po ako. Salamat nlang ho."
"Sino? Si Aldrich ba? Kesa maghintay ka diyan, puntahan mo na siya sa loob."
"Naku----"
"Sige na. Parang di naman kayo nagsama sa isang bubong oh."
Naginit naman ang pisngi ko sa pagkakasabi niya nun.
"Sige na pumasok kana sa kwarto niya. Lagi namang nakabukas ang pintuan nun. Palibhasa ilang beses na din niyang nawawala yung susi."
Pagtutulak nito sakin sa harap ng kwarto ni Aldrich. Kahit bukas nga ang pintuan niya ay kumatok muna ako bago pumasok.

YOU ARE READING
My Kryptonite
Random"Sa lahat ng lakas ko, ikaw ang kahinaan ko."- A love story of a gangster. #2/12 "weakness" 11/02/2018