Chapter 10.5: Adel POV

60 0 1
                                    

"You're funny..Sana tinanong mo muna kung gusto kitang maging kaibigan diba? Tsss, dahil simple lang naman ang isasagot ko sayo, ayokong maging kaibigan ang isang katulad mo. Tapos."

Bakit ko nga ba pinipilit ang sarili ko na maging kaibigan niya? Sino ba siya sa akala niya? Bakit nga ba Adel?

Napabuntong hininga nalang ako habang hinihintay si Pewee na lumabas ng bahay nila.

"Adel? Anong ginagawa mo dito?!"

Napayakap na lang ako sakanya.

"Teka...may alam kana ba sa nangyari? Hindi ka ba nagagalit sakin?"

Napabitaw nga ako ng pagkakayakap sakanya. Anong pinagsasabi niya?

"Ba't naman ako magagalit?"

"Hindi mo pa siguro alam..."

"Ang alin?"

"Yun...Wala! I mean wala. Ba't napapunta ka?"

"Namiss lang kita, Pewee. Ikaw lang kasi yung nag-iisa kong matalik na kaibigan."

Pinipigilan ko nga na pumatak ang luha ko baka isipin pa nitong si Pewee ang drama ko.

"Ganun ba, tamang tama, nandirito ka na rin lang.. May sasabihin ako sayo Adel."

Bakas naman sa tono ng pananalita nito ang lungkot.

"Ano yun? May problema ka ba kapatid?"

"Sa Probinsya na ako mag-aaral, Adel."

"Ano? Bakit? Bakit ka aalis? Bakit biglaan naman kapatid?"

"Uhm.. Ano kasi. Family business. Nagput-up kasi ng clinic dun yung Lola ko kaya doon na rin kami pinapastay, para raw may katulong na siya sa clinic."

"Pero pano na yung pag-aaral mo?"

"Ayun, maguumpisa ulit. Pero alam ko naman na kaya ko naman dun makahabol. Ang talino kaya nating dalawa. Hehe."

"Pewee naman... Paano ako? Iiwan mo nalang pala ako?"

"Ano kaba kapatid para namang magjowa tayo! Atsaka alam ko naman na strong ka. At....maiintindihan mo ko?"

"Pero Pewee...bakit ngayon mo lang yan sinabi? Edi sana nakapagbonding pa tayo kanina..."

"Sorry Adel. Biglaan din kasi."

"Teka, sigurado ka ba na yun talaga ang rason ng biglaan mong pag-alis?"

Tumango lang ito. Pinunasan ko nga ang luha ko at ngumiti nalang sakanya kahit na deep inside sobra akong nalulungkot... Magkakahiwalay kami ng bestfriend ko. Yung kasama ko araw-araw, hindi ko na makikita.

Mag-isa na nga lang ako sa buhay, yung isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko, aalis pa. Ganito ba talaga kalungkot ang buhay ko?

"Mamimiss kita Pewee. Sana huwag mo kong kakalimutan..."

"Hindi...hindi kita makakalimutan Adel. Bestfriend kaya tayo!"

"Bestfriend pero may iwanan?"

Biro ko dito na ikinasimagot naman niya. 

"Ikaw ha. Natuto ka ng magtampo."

"Kesa naman mang-iwan."

"Adel naman."

"Biro lang. Kahit ano namang mangyari suportado kita sa mga desisyon mo."

"Salamat Adel."

*

*

*

*

Ilang araw na ang nakalipas na mag-isa akong pumapasok sa University, mag-isang kumakain at mag-isang umuuwi. Namimiss ko na si Pewee. Pero laban pa rin! Wala na rin akong balita kung naimbestigahan ba yung pangyayaring nasangkutan ni Aldrich. Ayoko na din makialam pa.  Iniiwasan ko na ring makasalubong ang grupo nila o makita man lang. Ibinubuhos ko nalang ang atensyon ko sa mga exams at gawain sa University.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 28, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My KryptoniteWhere stories live. Discover now