Chapter 6.5: Adel POV

26 2 0
                                    

Perilous? Bakit gaano ba kadelikado yung nasangkutan ko kanina? Totoo ba talaga tong mga nangyayari? Natatakot ako sa di ko alam na dahilan. Natatakot ako para sa buhay ko...

"Hey. Drink this, para mahismasan ka kahit papano."

"Salamat."

Ininom ko nga ang binigay niyang tubig. Ang bait naman niya.

"Victoria nga pala. And your?"

"Adeline."

"Cool name."

Sabay hithit nito ng sigarilyo. Napaubo naman ako sa ginawa niya.

"Sorry may asthma kasi ako."

"I think he likes you."

"Ha?"

"Nevermind. Sige nice meeting you. Please be careful nalang. Wanted ka na panigurado nung kabilang grupo. Sige bye."

Wanted? Bigla naman lumakas ang tibok ng puso ko...

"Angelbear andito ka lang pala. Ano tara na? Ako na maghahatid sayo."

"Anong ikaw? Ako ang maghahatid sakanya since ako naman ang sumundo sakanya. Diba Kersten?"

Ayan balik normal na ang tawag ni Nicolaus sa akin.

"Eh baka naman mapeligro nanaman ang buhay niyan ni Angelbear sayo?"

"Wow ha ang--"

"Stop the fight. Sabay na kaming uuwi ni Adel."

Bakit kapag binabanggit ni Aldrich ang pangalan ko, iba ang epekto sa akin?

"What do you mean sabay, dude?"

Teka, sasabihin ba niya na...

"We stay in the same apartment."

"Are you serious?!"

Di makapaniwala naman akong tiningnan ni Trevor at Nicolaus. Ngumiti lang ako sakanila.

Nakita ko naman na kinuha na ni Aldrich ang jacket niya kaya sumunod na rin ako. Nagpaiwang kaway nalang ako sa dalawa. Teka, kailangan ko ba magexplain sakanila?

"Aldrich."

Tawag ko dito ng makarating na kami ng apartment.

"Uhm, tenext ko yung bestfriend ko, sakanila na lang muna ako tutuloy ngayon."

"Much better. Bitbitin mo na rin ang mga gamit mo. Babayaran ko na ding buo tong apartment."

Linapag nga nito sa lamesa ang four thousand, kapalit siguro yun ng dineposito ko sa landlady.

"Sandali nga. Akala ko ba safe ako sainyo, akala ko ba poprotektahan niyo ko?"

"I can't protect someone who is afraid of me."

Sabay pasok nito ng kwarto at iniwan ako sa sala.

Hindi naman ako natatakot sakanya. Gusto ko lang ng karamay ngayong gabi. Gusto ko lang makausap at mayakap ang bestfriend ko. Pero dahil hindi na ako welcome dito, aalis nalang din ako. Ayoko naman ipagsiksikan ang sarili ko dito, at baka mas lalo lang magalit sa akin si Aldrich. Iniligtas na nga niya ang buhay ko ganito pa ako... nagiging pabigat pa sa grupo nila.

*****

"Uy kain na!"

"Ah oo!"

"Okay ka lang ba kapatid? Iniisip mo pa din ba yung nangyari kagabi? Sus wag mo na yun isipin! Ako bahala sayo. Safe ka dito sa bahay!"

"Pero Pewee nakakahiya naman sa family mo if magstay pa ako ngayon dito sainyo. Kailangan ko na din makahanap ng matitirhan."

"Osige, dahil mapilit ka tutulungan kita maghanap mamaya ng matitirhan pagkatapos nating kumain okay?"

Tumango nalang ako at sinimulan kainin ang hinanda niyang almusal.

"Sure ka bang okay na sayo tong kwarto?"

Pang walong bahay na ata tong napuntahan namin. Okay naman tong kwarto, medyo may kaliitan pero solo lang naman ako kaya keri ko na to.

"Oo naman. Atsaka safe naman din yung way pag pauwi ko dito. Malapit sa police station."

"Kung sabagay, bakit ba kasi nauuso pa yang gangster gangster na yan eh mga walang ibang alam kundi magsakitan!"

"Oo nga eh. Paano kung may mangyaring masama sakanila. Paano yung mga maiiwan nilang mahal sa buhay?"

"Ginusto naman nila yan. Tss. Pwede naman sana silang mamuhay ng tahimik at payapa."

"Pero ika-nga everything has its reason.. Kung bakit iniinvolve nila ang mga sarili nila sa bagay na yun."

"Pero infareness kapatid, kinikilig ako doon sa yinakap ka ni Aldrich ha! Akalain mo yun may tinatago palang ugaling ganun yung mokong!"

Hampas nito sakin.

Kumusta na kaya siya? Nakikipag away nanaman kaya siya ngayon? Sana okay lang ang kalagayan niya...

Unknown number calling....

"Sino naman kaya to?"

Kinuha nga ni Pewee ang phone ko.

"Hello? Sino ka? Anong kailangan mo?"

"Hoy baboy! Bat hawak mo phone ng angelbear ko?!"

"Anong paki mo?! Atsaka bakit mo ba siya tinatawagan ha?"

"Bakit selos ka? Hahaha! Kawawa ka naman wala sigurong tumatawag sayo! Hahahaha!"

"Aba't sabihin mo na kung anong sasabihin mo at ibababa ko na to!"

"Pwede ba hindi ikaw ang gusto kong makausap kaya ibigay mo yan kay Angelbear."

"Akala mo naman gusto kitang makausap!!!!"

Kinuha ko nga ang phone ko kay Pewee. Baka magkagulo pa dito sa building dahil ang lakas ng boses nitong kapatid ko.

"Hello Trevor?"

"Angelbear, pumunta kami kanina sa apartment ni Aldrich at wala kana dun. Nagaalala lang kami baka mapano ka."

"Alam mo Trevor, hindi naman siguro ako namukhaan ng mga tao dun sa party diba kaya konti lang ang chance na may mangyaring masama sa buhay ko.Wag na kayo mag-alala sa akin. Alalahanin niyo mga buhay niyo."

"Sanay na kami makipaglaro sa kamatayan Angelbear."

"Ah basta, kaya ko na ang sarili ko. Huwag niyo na akong alalahanin okay? Babye, Trevor."

"Ang kulit talaga ng iguana na yun!"

"Bagay nga kayo. Pareho kayang makulit. Hahahah!"

*****

Ilang araw na din ang lumipas okay naman ako sa tinitirhan ko. Safe din naman akong pumapasok at umuuwi.
Nabibisita ko din sina Father at Sister tuwing namimiss ko sila kaya hindi naman ako nakakaramdam ng lungkot. Natututo na talaga akong mabuhay ng mag-isa. Pero napapaisip pa din ako tuwing gabi, nasaan na kaya ang mga totoo kong mga magulang? Buhay pa kaya sila? Naiisip din kaya nila ako? Ano kayang ginagawa nila ngayon?

Bihira na lang din akong umabsent sa school. Napapabsent lang naman kasi ako noon dahil sa biglaan akong naoospital o walang katulong sina Sister sa kumbento.

Wala na din akong balita sa grupo nila Aldrich. Bihira ko na lang din makita sina Nicolaus at Trevor. Siguro dahil hindi ko naman iniinvolve ang sarili ko sakanila.

Time check. 10pm na pala. Katatapos ko lang nitong thesis paper namin. Matutulog na sana ako ng may natanggap akong text.

1 message received from unknown number.

-Kapatid, nakitext lang ako. Dito ako ngayon sa Detty's Resort. Birthday ni Kuya. Tara! -

-

My KryptoniteWhere stories live. Discover now