Napasabunot nalang ako ng buhok ng hindi nito sagutin ang tanong ko at tulala lang na nakatitig sa akin. Lumabas nga ako ng apartment at pinuntahan ang landlady.
"Aldrich may pangangailangan din kasi kami. Atsaka wala ka pa naman kasiguraduhan kung kailan mo babayaran yung kulang mo sa renta."
"I'll pay you this week."
"Nako sorry talaga Aldrich, nakabayad na kasi si Adel. Pasensya na."
Napabuntong hininga nalang akong bumalik ng apartment. Eksakto namang pagdating ko ay nakaupo ito sa sofa at may kung anong iniisip. Weird.
"Uhm Aldrich, hindi ko----"
Nakayukong sabi nito.
"So, okay lang ba sayong ako ang kashare mo ng apartment?"
Napaangat naman ito ng ulo at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.
"Kung okay lang din sayo?"
"If I had a choice. Anyways, let just pretend na hindi nalang natin nakikita ang isa't-isa."
I need to do some lectures to this woman.
"Pwede ba yun?"
Hindi ko nalang ito sinagot at walang pakialam na pumasok ng kwarto. Hindi ko naman kailangang mag-adjust para lang sakanya, dahil first and foremost mas nauna ako dito kesa sakanya.
Alas sais na nga hapon ng ako'y nagising. Ito na ata ang pinakamahabang tulog sa buhay ko. Bumangon na nga ako sa at lumabas na.
What the heck!? Apartment ko pa ba to?
"Wala kasi akong magawa kanina kaya naglinis nalang ako. Okay lang ba?"
Napailing nalang ako at dumiretso ng kusina para uminom ng tubig.
"Yung mga gamit mo pala nasa gilid lang ng lalagyan ng vase."
"Shit! You nearly gave me a heart attack!"
F*ck. Bakit ba kasi nasa likod ko siya?!
"Nako, hindi ko sinasadya."
Hindi ko nalang siya pinansin at kinuha ang jacket kong nakasabit sa likod ng pintuan.
"Aalis kaba? Ayaw mo bang kumain muna? Tinirhan pa naman kita ng pananghalian."
Linampasan ko nga ito at lumabas na. Daming sinasabi e, akala ko ba tahimik siya?
*****
"O dude, napadaan ka."
Wika ni Nicolaus habang kumukuha ng pagkain sa ref.
"Masama?"
Natawa naman si Trevor sa sinabi ko na ngayon ay ineenjoy ang pagkaing inilabas ni Nicolaus.
"Hindi naman. Pft, hahah! kung namimiss mo kasi kami dude, isang text mo lang pupuntahan ka namin agad ni Trevor."
"From now on, I'm not allowing the both of you to visit my Apartment."
Sabay kuha at kagat ko ng homemade pizza.
"Bakit dude? Bawal na ba? Strict na ba ang landlady niyo? Pft!"
Sinamaan ko nga ng tingin ang dalawa. Pagtawanan ba naman ako.
"Heheh, joke lang! Bakit nga dude?"
Seryosong tanong ni Trevor.
"Kailangan bang may dahilan?"
Napailing nalang ang dalawa at tinuloy nalang ang pagkain. Ayoko naman ipaalam sakanila na yung hinahangaan nilang babae ay nasa apartment ko. Baka kung ano pang isipin ng mga to, e kahit anong eksplenasyon mo sa dalawang yan, ay hindi sila maniniwala at paiiralin pa ang madumi nilang utak. Ayoko naman mabastos yung babaeng yun.
YOU ARE READING
My Kryptonite
Aléatoire"Sa lahat ng lakas ko, ikaw ang kahinaan ko."- A love story of a gangster. #2/12 "weakness" 11/02/2018