Andito na ako sa resort pero bakit parang ang tahimik naman dito? May party ba talagang gaganapin dito? Baka surprise party?
Tinawagan ko nga yung totoong number ni Pewee. Kasi hindi niya sinasagot yung tawag ko doon sa number na ginamit niya pangtext kanina.
"Hello Pewee?"
"Oh? Kapatid? Disoras na ng gabi tumatawag ka?"
"Teka, asan ka ba ngayon? Hindi ba birthday ni Kuya Paulo?"
"Oo. Birthday niya. Pero nagbyahe sila nung girlfriend niya kanina papuntang Batangas. Alam mo na quality time naman daw nilang dalawa. Nakakatampo nga hindi ako sinama."
"Ano? Eh sino tong nagtext sakin?"
Masama na ang kutob ko dito.
"Text na ano?"
"Wala Pewee. Sige tulog kana diyan. Goodnight. Bye."
Binaba ko na nga ang tawag at akmang lalabas na ng resort ng may mga humarang na lalaki sa harapan ko at hinila ako papunta malapit sa pool.
"Ano ba. Bitiwan niyo ako! Tulong!!!"
Naiiyak na ako. Sino ba sila? Ano bang kasalanan ko sakanila?
"Itali niyo na yan ng hindi makatakas!"
Hindi na ako nakapagsalita ng takpan nila ng tape ang bibig ko.
Nakita ko naman na may tinawagan yung isang lalaki habang matalim na nakatingin sa akin. Nakakatakot ang itsura niya. Teka, ba't parang pamilyar ang mukha niya sakin? Oo tama! Nakita ko na siya sa party. Siya yung boyfriend nung friend ni Aldrich na babae.
Ang lakas na ng tibok ng puso ko. Nanghihina na din ang paghinga ko. Ayokong mawalan ng malay. Baka kapag pumikit ako ay hindi na ako magising pang muli.
Gusto kong sumigaw ng tulong sa paligid ko pero paano? Naiiyak nalang akong nagdasal dahil wala akong magawa.
"Ano kayang nagustuhan sayo ni Aldrich? Hahaha! Panigurado hinahanap na nun ang kinaroroonan ko. Humanda siya makakabawi din ako sa ginawa niya sakin!"
Bakit ba puno ng galit ang taong to?
"Kung sabagay maganda ka naman, pwede ng pagtiyagaan."
Naramdaman ko nalang ang paghawak niya sa binti ko. Mas lalo nalang akong naiyak sa sobrang takot.
"F*ck off!!!"
"Hey! Good to see you, Aldrich."
"Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig yung sinabi ko?"
"Paano kung ayoko?"
Nagulat nalang ako ng halikan ako nito sa noo at biglang itulak sa pool. Naramdaman ko nalang ang malakas na pagbagsak ko sa tubig. Hindi ako makalangoy dahil sa pagkakatali ng kamay ko at di rin ako makakahinga dahil sa tape na nasa bibig ko.
"Go to hell, Aldrich!!!"
"Sure! I'll see you there!!!"
Tutok na silang lahat sa pakikipaglaban, wala na silang oras para iligtas pa ako. Unti unti na nga akong lumubog sa tubig...
Dito na siguro magtatapos ang storya ng buhay ko. Nakakalungkot lang at hindi ko man lang nakilala ang mga magulang ko. Nakakalungkot lang at hindi ko man lang matutupad ang mga pangarap ko.
"Hang on Adel!"
Aldrich?
Hindi na ako aware sa paligid ko kung may nangyayari pang gulo or kung ano man basta pasalamat ako at nailigtas ako ng lalaking nasa harapan ko ngayon na kakaahon lang sa akin sa pool. Tinanggal na din niya ang pagkakatali sa kamay ko at ang tape na nasa bibig ko.

YOU ARE READING
My Kryptonite
Random"Sa lahat ng lakas ko, ikaw ang kahinaan ko."- A love story of a gangster. #2/12 "weakness" 11/02/2018