What a f*cking view!!!
Sumasakit lang ang ulo ko sakanila. Damn. Sarap lang magyosi eh.
"We all know Mrs. Kryptonite that your son's act is a big violation to our University...That's why this matter is hard to deal with, and we're very unsure if we can still consider him."
"My son is innocent, Principal Moore. And I'm very sure of that."
Nice. Pinagtatanggol ako ng sarili kong ina.
"Pero maam, alam naman din natin na may record na yang anak niyo sa rehab di ba?"
Sabat naman nitong Professor ko rati na pinahiya ko noon. Halatang bad shot ako sakanya. Personalan eh.
"If that's the case, how can we handle this?"
Tiningnan ko naman ang ina ko na nalilito din sa nangyayari. Baka atakehin pa to dito. Tsss!
"Magimbestiga po tayo. Imbestigahan natin kung paanong nangyari yung bagay na yun. May CCTV naman po ang buong University hindi ba? Nang sa ganoon malaman natin ang totoo at mailabas kung sino man ang may tunay na kasalanan."
Lahat naman kami napalingon sa matapang na nagsabi nito. Halata naman sa itsura nito na pinilit niyang makipagsiksikan sa mga nakabantay na pulis na nasa labas. Ibang klase talaga.
"Who are you Miss? And how are you related to Mr. Aldrich?"
"Hello po Prinicipal Moore. Ako po si Adel. Kaibigan po ako ni Aldrich. At naniniwala ako na hindi niya magagawa ang bagay na yun. Hindi naman po siguro tama na maging batayan na ang mga record, o nagawang pagkakamali ng isang tao noon, para lang diktahan at husgahan na ang buong pagkatao nito. "
Magsasalita pa sana yung Principal ng kinaladkad ko na si Adel palabas. Malaya kaming nakalabas dahil inunahan na ng mga tauhan ko na harangan ang mga pulis para mapigilan kami. Tumakbo kami hanggang sa wala ng taong nasa paligid namin.
"Bobo ka ba?! What are you thinking?! Gusto mo ba talagang mapunta sa alanganin yang buhay mo?! Yun ba ang gusto mo? Ang masira ko ang buhay mo?!"
Shit!
Hindi ba niya nakikita na delikado tong pinasok niya. Hindi biro ang kalaban ko dito.. Tapos gusto niya pang makisabay.
"Gusto ko lang naman makatulong, Aldrich..."
"Really? Then stop involving yourself in my damn life!"
"Kelan ba Aldrich...Kelan mo ba ako maituturing na kaibigan?"
Maluha-luhang sabi nito.
"You're funny..Sana tinanong mo muna kung gusto kitang maging kaibigan diba? Tsss, dahil simple lang naman ang isasagot ko sayo, ayokong maing kaibigan ang isang katulad mo. Tapos."
Tumalikod na nga ako at iniwan ito.
Hindi ko na gusto to. Masyado na niyang naapektuhan ang emosyon ko...
*****
"Anong ginagawa ng gago na yan dito?"
Sabay tapon ko ng yosi at tinapakan ito.
"Dude..chill. Mainit na nga ang panahon. Mainit pa yang ulo mo.. Nandito lang naman si Nicolaus para tulungan tayo.."
"I don't need his help."
"Aldrich,alam ko nasira ko ang tiwala mo. Pero hayaan mo naman akong makabawi sayo oh...Andito ako para tumulong. Alam ko kung sinong naglagay ng drugs sa bag mo."
Tss.
"Sa tingin mo ba hindi ko alam?"
At hindi ko lubos maisip na ang taong katulad niya ay magagawa ang bagay na yun.
"Ano? Yun naman pala Aldrich, alam mo naman pala kung sino bakit di mo pa sinabi kila Prinicipal Moore! Edi sana malinis na yang pangalan mo."
Bakit ba hindi ko pa sinabi? Kung tutuosin sarili ko lang naman ang lagi kong iniisip at hindi ang ibang tao.. Wala nga akong pakialam sakanila eh. Pero bakit sa pagkakataon na ganito, ayokong may madamay na iba lalo na yung mga taong alam kong mahalaga sakanya...
"Dalhin niyo nalang muna siya dito, gusto ko munang magka-usap kami. And you Nicolaus, don't act like you're a friend of me cause you're not."
"Akala ko ba walang madadaan sa usapan pagdating sayo? Eh baka naman pwedeng daanin din natin sa usapan yung di pagkakaunawaan nating dalawa diba."
Tiningnan ko naman ito ng matalim. Mukha bang natutuwa ako sa pinagsasabi niya.
"Ah sige dude, doon muna kami sa labas ni Nicolaus. Papapasukin ko na yung bisita."
Lumabas na nga ang dalawa at kasunod nito ang pagpasok nung taong tinutukoy ko.
"Patawarin mo ko Aldrich...Hindi ko naman ginusto yung nangyari. Patawad."
Mangiyak ngiyak na sabi nito habang yinayakap ang kanyang sarili. Nagsindi nga ako ng yosi...
"Sino?"
"Hindi ko siya kilala Aldrich. Ang alam ko lang malaki ang galit niya sayo, at hindi raw siya titigil hanggat hindi ka niya nakikitang nahihirapan ..."
"Siya ba?"
Pinakita ko nga ang litrato sakanya.
"Oo siya nga. Siya nga yun...Binantaan niya ako na kapag hindi ko raw siya sinunod ay papatayin niya ko.....Kung alam mo lang yung pakiramdam nun... na sa tuwing umuuwi ako, may mga nakasunod na lalaki sa akin.. Halos gabi gabi ako binabangungot sa pagbabantang yun akin.. Para bang dapat gising lang ako palagi, para walang mangyaring masama sa akin.. Natatakot ako para sa buhay ko, Aldrich. Natatakot ako sakanya.."
"Wow. Natatakot ka sakanya pero sa akin hindi?"
"Anong ibig mo sabihin?"
Napaatras nga ito.
"What if I kill you?"
"Aldrich wag. Please patawarin mo ko. Nagmamaka-awa ako..."
"Tss. Paano kung balikan ka niya? Pagbantaan ulit. Susundin mo pa ba ang mga inuutos niya?"
"Hindi ko alam...Hindi ko alam..."
"Ito lang ang masasabi ko, hindi kita ilalaglag dahil alam naman natin na nadamay ka lang sa gulo.. Aakuin ko yung kasalanan na yun, pero hindi ko maipapangako na mapoprotektahan ka ng grupo."
Ngayon lang...Ngayon lang naiba ang pakikitungo ko sa mga taong sumuway, kumalaban, at nanira sa akin. Siguro dahil kaibigan siya ng babaeng yun...
Hindi ko alam pero gulong gulo na ako sa nararamdaman ko....
It's something that I never felt before...
-

YOU ARE READING
My Kryptonite
Acak"Sa lahat ng lakas ko, ikaw ang kahinaan ko."- A love story of a gangster. #2/12 "weakness" 11/02/2018