Chapter 1.5: Meet HER

66 4 0
                                    

Adeline Kersten Lead. 2nd year college student, studying BS in Architecture @ Nobelium University. Scholar lang siya dito. Bata pa lang si Adel ay ulila na siya sa magulang. Ang simbahan ang nagsilbi nitong tahanan. At sina Sister at Father naman ang tumaguyod sakanya hanggang siya'y nagkaisip at lumaki.

Pagminamalas nga naman ang dalaga ay nasira pa ang takong ng sapatos niya. Nahulog tuloy lahat ng gamit niyang dala. Sa pangyayari yun ay para bang wala man lang nakapansin at may ilan pang estudyanteng pinagtawanan siya.

Isa isa nga niyang pinulot ang mga nahulog na gamit. Gulat na lamang itong napatayo ng tulungan siya ng hindi niya kilalang lalaki. Pagkapulot nito ay ibinigay ito kaagad sakanya.

"Salamat."

Masayang saad niya sa lalaki.

"Pinakaayaw ko sa lahat ay yung lampa."

Sabay talikod ng binata sakanya at naglakad na palayo. Nakangiting napailing nalang ang dalaga sa huling sinabi nito. Dumiretso na nga siya sa Office ng Campus Ministry. Isa kasi siya sa mga Active Member ng Organization na iyon.

"Praise the name of our Lord Jesus Christ! You're still alive Kapatid!"

Pahalik halik na sabi ng Bestfriend niyang si Pewee na may kasama pang yakap.

"Sandali Pewee, hindi ako makahinga."

Napabitaw naman ang kaibigan niya sakanya. Ibinaba na nga ni Adel ang mga dala nitong Bible.

"Dapat nga siguro ihanda mo na yung passport mo at magpabook ka na ng flight papuntang America, o kaya Europe. Pwede rin namang Africa! Basta malayo dito sa lugar na to, yung matatahimik yung kaluluwa mo kapa---."

Tinakpan naman nito ang bibig ng kanyang kaibigan. Hindi niya kasi maintindihan ang pinagsasabi nito.

"Di kita magets Kapatid..."

Napacross-arms naman ang kaibigan niya.

"Ay saang planeta kaba nakatira Kapatid? Hays! Oo nga naman noh? Paano mo ba makikilala si Master A kung bihira kalang pumasok ng eskwela?"

Napakunot naman ng noo ang dalaga sakanya.

"Yung tumulong sayo kanina slash nakaharap mo ay si Aldrich Olin Krypton. Ang leader ng Gang ng Devil Lords. Kinakatakutan nga yun ng mga estudyante maging mga Professor natin eh! Except ako, hinahangaan ko kasi ang angking galing nila sa pakikipaglaban! Ang cool kaya!"

"Uhm, Kapatid, Hindi ko parin makuha ang punto mo."

"Okay I-englishin ko para sayo ha. Aldrich is quarrelsome by nature, dangerous, fearless but at the same time hot and yummy. Teka nga lang! Bakit nagawa ka niyang tulungan kanina? Hmm, Hindi kaya crush ka niya Kapatid? Kyaaaa! Pero huwag ka na dun, masyadong delikado ang buhay mo pag nagkataon."

Nagkibit balikat lang ang dalaga sakanya. Hindi naman kasi siya interesado sa binata. Basta pasalamat nalang ito ng tulungan siya nito kanina.

Pagkatapos ng paglilinis ng mga gamit sa Office ay dumiretso na nga ang dalaga sa kanyang klase. Iba ang schedule niya sa kacoursemate niya. Palibhasa'y irregular student ito, sa kadahilanan siyempre ng palaging pagliban niya sa klase.

"Kapatid, para san ba yang sinasagutan mo?"

Usisa ng Bestfriend niya habang kumakain sila ng tanghalian.

"Remedial Class ko sa STAT."

Napatango nalang ang kaibigan niya sakanya. Ayaw naman nitong makaistorbo pa sa busyng Adel kung kaya't tinuloy nalang nito ang pagkain.

After last period ay dumiretso na nga siya sa Discussion Area. Eksakto namang dumating ito ang pagstart ng klase. Naupo siya sa dati niyang inupuan sa hulihan at sinimulan ang pakikinig. Nagulat nalang ang lahat sa malakas na kalabog ng pinto. At doon nga nito linuwa si Aldrich na nakakunot ang noo at pawisan.

"Mr. Krypton, bakit ngayon kalang?!"

Walang pakialam na dumiretso ang binata sa bakanteng upuan which is sa tabi ni Adel. Hindi nalang siya binigyang pansin ng Guro at tinuloy ang naudlot na pagtuturo. Napansin ni Adel na pamilyar ang lalaki sakanya. Sinubukan niyang bumulong at tawagin ang nakapatong nitong ulo sa desk. No response. Mas lalo naman siyang lumapit dito at kanya nga itong kinalabit. Unang kalabit no respose. Napaisip tuloy siya, nakatulog kaagad? Pangalawang kalabit niya...

"What the hell do you want bitch?! If I'm in a bad mood don't ever try to touch me, poke me, tickle me, or grab me! Or else I will break your arm until you hurt in grief!"

Nangangalaiti nitong sambit sa dalaga.

"S..sorry. Gusto ko lang naman pahiramin ka nitong panyo. Sabi kasi ni Father masama daw matuyuan ng pawis."

Kalmadong saad ni Adel. Hindi niya alam kung saan pa ba nga niya hinuhugot ang lakas para ito'y kausapin pa.

"F*ck you and your opinion, bitch!"

Namilog naman ang mata ng dalaga sa sinabi nito. Bitch? Hindi naman siya ganung tao. Itinuon nalang nito ang pansin sa unahan at muling kinopya ang formula na nakaproject sa white board.

*

*

*

"KAAAAPAAATIIIDDDD!!!"

Salubong ng Bestfriend nito pagkatapos ng Remedial Class nila. Sabay kasi ang dalawang umuwi pagsapit ng hapon. Napansin ni Pewee ang pagkabalisa ng kaibigan.

"Kapatid, Ayos kalang? Hula ko, hindi mo nasagutan yung Activity niyo noh! Okay lang yan may next time pa! Never lose hope ika nga!"

Tapik sakanya ng kaibigan.

"Kapatid, yung Aldrich na ikinikwento mo, parang ang laki ng galit niya sa mundo. Nakakalungkot lang."

-

My KryptoniteWhere stories live. Discover now