"Pewee, alam mo ba kung anong schedule ngayon ni Aldrich?"
Nanlaki naman ang mata niya sa tanong ko.
"Bakit? Anong kailangan mo sakanya? May ginawa ba siyang masama sayo?"
Sunod sunod niyang tanong.
"Kalma kapatid. Inassign kasi ako nung Prof namin sa Biostat na turuan siya, kaya heto nagtatanong ako sayo kung ano yung schedule niya para mapuntahan ko kung nasaan man siya ngayon."
Pag-eexplain ko dito.
"Ah. Buti naman at lininaw mo. Hindi ko alam kapatid e. Tanungin mo kaya si Nicolaus, sigurado ako alam nun. Close naman kayo diba?"
Tumango nga ako sakanya.
"Hindi ba kayo magkikita mamaya sa Remedial class niyo ni Aldrich?"
"Hindi eh. Wala daw si Prof ngayon."
Napatango nalang siya sa sinabi ko. Buti nalang at alam ko kung nasaan ang classroom ni Nicolaus kaya mapapadali ang paghahanap ko sakanya.
"Nicolaus!"
Tawag ko dito ng makalabas siya ng classroom nila.
"Kersten? Napaakyat ka yata ng ligaw?"
Tatawang sabi nito ng magkaharap kami.
"Ahm, busy ka ba? May itatanong lang sana ako sayo. Alam mo ba ang schedule ngayon ni Aldrich? Ang sabi kasi sakin ni Pewee magbestfriend raw kayo."
"Uhm, ang pagkakaalam ko nasa hideout siya ngayon. Pero kasi bawal ka dun. Ano nga palang kailangan mo sakanya kung nandito naman ako?"
Nakangising sabi nito.
"Inassign kasi ako nung Prof namin bilang tutor niya sa Biostat."
"Ah, ganun ba. Hmm, osige ganito nalang maghintay ka sa may mini park nitong University tapos sasabihan ko nalang siya na dun kayo magkita. Ano? Okay lang ba yun sayo?"
Nakangiti naman akong napatango sakanya.
"Hmm, sige mga 5pm? Tapos na rin naman ang klase niya nun."
"Sige sige. Salamat Nicolaus ha."
Pinisil naman nito ang ilong ko.
"Sus, ikaw pa. Ang lakas mo kaya sakin. Pero basta mag-ingat ka mamaya. Medyo half halimaw yun si Aldrich e."
"Oo naman. Sayo nga tong nagdodoble ingat ako, sakanya pa kaya?"
"Wow para mo naring sinabing 100% halimaw ako."
Sabay pout nito na ikinatawa ko nalang.
"Kapatid, sure kabang okay lang na hindi na kita samahan? Alam mo na medyo strikto si Papa. 5 pm palang ay dapat nasa bahay na ko."
Tanong ni Pewee habang palabas kami sa last period namin.
"Oo naman kapatid. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo atsaka kaya ko na ang sarili ko, malaki na kaya ako."
"Hahaha, pero wala ka pa sa legal age."
Belat pa nito sa akin.
"Osya ingat ka ha. Sipain mo yung Inang Bayan niya kapag may ginawa siyang masama sayo."
Tatawang napailing nalang ako sakanya. Ilang sandali din ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Dumiretso na nga ako sa mini park na pagtatagpuan namin ni Aldrich.
5 minutes later.
Baka nasa fifth floor pa ang classroom nila kaya natagalan siya sa pagbaba.
YOU ARE READING
My Kryptonite
Sonstiges"Sa lahat ng lakas ko, ikaw ang kahinaan ko."- A love story of a gangster. #2/12 "weakness" 11/02/2018